"Si Sean yun diba?"
"Bakit ka niya hinatid?"
"Bakit magkasama kayo?"
"Bakit ka naluha ng umalis siya?"
"Halatang nanginginig ka pa!"
"Napano yang kamay mo?"
"Bakit may sugat ka?"
"Sinaktan ka ba ni Sean?"
Sunod na sunod na tanong nila pero sa halip na pansinin sila ay dumeretsyo ako sa kwarto saka nilock agad yun. Naririnig ko pa silang nagsisigaw sa labas na gusto daw nila ako makausap pero di nagtagal ay huminto rin sila ng awatin sila ni mama.
Tumingin ako sa kisame. Eto na naman yung luha ko. Napaka-traydor na luha.
"Masaya akong nagbalik ka na princess"
"Masaya akong nagbalik ka na princess"
"Masaya akong nagbalik ka na princess"
Shit! Damn you Montenegro! Ang kapal ng mukha niyang tawagin ako sa ganun. Akala ko ba kailangan na naming magkalimutan? Akala ko ba?
"Bwisit ka Sean!" Sigaw ko saka nagtakip ng mukha.
Ilang taon, ilang taon mo rin akong sinaktan, ilang taon mo kong pinahiya, ilang taon mo kong nilait, ilang taon mong ipinamukhang di ako nararapat na maging kaibigan mo at ipinamukha mo na rin sa aking hindi ako nababagay sayo kasi panget ako! Tapos sa pagbabalik ko matapos ang dalawang taon, kung kausapin mo ako ay parang wala lang lahat nun? At talagang tinawag mo pa akong Princess?
Ang kapal kapal ng mukha niya!
Tumingin ako sa may dingding at nakita ko na naman yung isang drawing na nakaframe pa rin hanggang ngayon. Napapikit ako at hindi ko maiwasang hindi maalala ang mga yun.
*Flashback*
11 years ago ...
"Iiwan ka na ni Mama dito sa school mo ah Gabbi? Susunduin na lang kita mamayang uwian niyo. Hwag kang iiyak ha? Behave ka lang dito. Ok ba?" Tumango ng nakangiti ang batang si Gabbi sa kanyang mama.
"Opo mama. Bebehave po si Gabbi. Babye mama, ingat ka po." Paalam niya saka humalik rito. Ng umalis na ang kanyang mama ay nilabas nito ang isang pirasong papel at lapis. Dumungaw siya sa may bintana habang kagat kagat ang dulo ng kanyang lapis. Mag-uumpisa na sana siyang magdrawing ng may biglang lumapit sa kanyang batang lalaki.
"Hello. Anong ginagawa mo? Diba dirty yan? Bakit kinakain mo? Eto o' may tinapay ako. Kung nagugutom ka na yan na lang kainin mo." Sabay abot nito kay Gabbi ng sandwich.
BINABASA MO ANG
From Beast Turns to Beauty (Under Revision)
Historia CortaBEAST ang tawag sa kanya noong bata pa siya at noong maging nung naging hayskul. Maitim, mataba, bansot, kulot, maraming peklat sa katawan dahil kagagaling lang nito sa pagkakaroon ng bulutong. Para kay Gabbi, ayos na sana kung PANGIT lang ang tawa...