Kabanata 26

316 12 3
                                    

"Yung taong nagmamadaling bumaba ng hagdantapos nadulas pa siya! Epic men!" Nagising ako sa malalakas na tawanan. Gusto ko na ding ngumiti pero gusto ko pa silang pakinggan.


"Kilala niyo ba kung sino yon?" Tanong ni Nathan sa pagitan ng pagtawa. Kinagat ko yung dila ko sa loob ng bibig ko para mapigilan ang pagngiti.


"Manahimik ka nga Nathan baluga!" Nagulat ako sa boses ni Clint. Nandito din siya?


Tumawa ng malakas si Ivie—lahat naman sila ay tumatawa pero yung sa kanya ang nangibabaw. Dumilat ako at nakita ko silang nakaupo sa baba pero doon ko narealize nasa bahay namin kami.


"There! Kilala niyo na!" Pulang-pula na si Nathan sa kakatawa at pokerface lang si Clint.


"Sino naman yung napatalon at halos sumigaw na dahil sa gulat sa ringtone ni Gabbi?" Nakangisi na ngayon si Clint at ngumuso naman si Nathan.


"Pareho lang kayong epic guys!" Natatawang sabi ni Denzel.


"Pero mabenta yung kay Clint! Nadulas sa hagdan? Pfft." Natawa ako ng bahagya kahit kelan talaga tong si Marky nako.


Pero imagine? Si Clint? Nadudulas sa hagdan? Sana nakita ko yun!


Napatingin ako sa kanila ng tumigil sila sa pagtawa. Nakatingin sila sa akin. Ngumiti ako at ngumisi kay Clint.


"Kita niyo! Ang ingay niyo kasi! Narinig niya yon!" Tumayo si Clint at agad lumapit sa tabi ko. "Please magpanggap ka nalang na walang narinig." Ngumuso siya at iniabot sa akin yung tubig.


Dinamba naman nila ako Ivie at Denzel, sinermunan pa nga ako dahil daw kaya ako nahimatay dahil sa pagpapalipas gutom. Lumapit sa amin si Nathan at Marky na may dalang mga pagkain.


Halos magreklamo ako dahil sa pagpapakain nila sa akin at si Nathan halos tanong ng tanong kung ano pang nararamdaman ko. Hindi naman na naninikip ang dibdib ko kaya ayos na ako. Epekto siguro yun ng di ko pagkain simula kahapon.


"Teka, alam ba ni mama yung nangyari sa akin?" Kabado kong tanong kay Nathan na ngayon ay nagliligpit na ng pinagkainan ko.


"Hindi. Di na namin siya nakausap kanina kasi nagising na si Cheska."


Tumango na lang ako at tumingin kila Marky tulog na silang tatlo pati na rin si Clint.


So—gising na si Cheska. Ano kayang lagay  niya? Babalik na ba ulit sa normal ang buhay ko? Sino ba ang niloloko ko? Simula ng malaman ang katotohanan di na normal ang buhay ko.


"Kung di mo alam ang oras, alas diyes na ng gabi. Kaya tulog na yang mga yan." Itinabi niya yung pinggan sa may pinto at bumalik sa akin. Humiga siya sa tabi ko.


"Gabbi, hwag mong i-stressed ang sarili mo ha? Nag-aalala ako." Hinalikan niya ako sa noo at muli siyang umupo. "Simula ngayon, di ka aalis ng di ako kasama." Ngumiti siya sa akin ng hindi abot sa mata.

From Beast Turns to Beauty (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon