"Ano? Naghihintay ako." Matigas kong sabi. Lahat kami ngayon ay nakaupo sa sofa at magkakaharap. Hindi ko na pwedeng takasan to, gusto ko na marinig yung paliwanag nila! Gustong-gusto ko na.
Tinitigan ko si Cheska ng walang emosyon, nagtaas siya ng kilay sa akin. Nagngingitngit na ako sa inis sa kanya! Naikuyom ko yung kamao ko at malalim na ang aking paghinga.
Hinawakan ni Nathan yung braso ko. "Chill Gab." Bulong niya.
" 'Nak ....." Mahina ang boses ni Mama. Tumingin ako sa kanya ngunit nanatiling patay ang ekspresyon ko. "P-atawarin mo ako." Halos wala akong narinig sa huling sinabi niya.
Ngumiwi ako dahil sa pag-iyak niya at bigla siyang niyakap ni Cheska. Nanginginig ako sa kinauupuan ko.
"Magkwento kayo, ayoko ng drama." Napakagat ako sa dila ko sa loob, hindi ko gustong maging ganto kay Mama pero ayokong maging malambot!
Tumango si Mama at sinamaan ako ng tingin ni Cheska, sumandal ako kay Marky na nasa kaliwa ko at inakbayan niya ako.
"Si Cheska, siya ang nakakabata mong kapatid--"
"Anak ba siya ni papa?" Agad kong tanong. Galit at matigas ang pagkakatanong ko. Tumingin siya sa mata ko, may tinatago pa siya. Alanganin siyang tumango.
"Bakit nasa Lim siya? Bakit ngayon mo lang sinabi? Bakit hindi ko alam to?! Ano?! Sabihin niyo naman na lahat! Hindi yung dahan-dahan pa. Kating-kati na ako sa paliwanag niyo!" Sigaw ko sa kanya.
"Calm your voice! Mama ko ang sinisigawan mo!" Sigaw ni Cheska sa akin.
Naningkit ang mata ko dahil sa sinabi niya. 'Mama ko'
Novie's POV
Naninikip ang aking dibdib dahil sa nakikita kong sakit sa mukha ng anak kong si Gabbi. Masakit para sa ina na nag-aaway ang dalawang anak.
"Mama mo? Mama ko din naman siya! Hwag mo siyang angkinin!" Nanigas ako sa kinauupuan ko dahil sa pagsigaw ulit ni Gabbi.
"Mama ko lang siya! Hindi ka naman niya tunay na anak-"
"Cheska!" Nanginginig ang mga labi ko at maging ang kamay. Umiling ako at bumuhos na naman ang aking luha.
"A-nong sinabi mo Cheska?!" Tumayo si Gabbi at agad nilapitan ito.
"Hindi ka tunay na anak ng Mama ko!!!!"
Humagulgol ako dahil sa nangyayari, wala akong magawa! Wala akong kwentang ina.
"Ma! Hindi to totoo diba? Nagsisinungaling siya kasi gusto ka niyang maagaw sa akin!" Lumuhod si Gabbi sa harap ko at umiiyak.
BINABASA MO ANG
From Beast Turns to Beauty (Under Revision)
Short StoryBEAST ang tawag sa kanya noong bata pa siya at noong maging nung naging hayskul. Maitim, mataba, bansot, kulot, maraming peklat sa katawan dahil kagagaling lang nito sa pagkakaroon ng bulutong. Para kay Gabbi, ayos na sana kung PANGIT lang ang tawa...