"Gabbi! Kausapin mo naman ako." Umirap ako sa kanya saka tumalikod. "Huy Gab." Kinalabit niya ako pero di ko pa rin siya pinapansin.
"Ang dami ng likes nung picture!" Biglang pumasok si Ivie na lalo ko naman ikinainis.
Pinost ni Denzel yung picture namin ni Sean, na saktong hinalikan niya ako sa pisngi. Hinabol ko siya kanina pero hindi ko siya naabutan. Hanggang sa nakauwi ay hindi ko nahawakan yung cellphone niya. Nakakainis para sa akin yon.
"Ilan na yung likes?!" Sinamaan ko ng tingin si Denzel na biglang tumayo at lumapit kay Ivie.
"Three hundred seventeen likes na!" Tuwang-tuwa silang pinagpyepyestahan yung picture kaya naman nagdabog akong palabas ng kwarto.
"O? Nguso mo." Natatawang pinitik ni Nathan yung labi ko kaya naman hinampas ko yung kamay niya saka inirapan. "Badmood? Meron ka?" Nakangisi siyang umuupo.
"Manahimik ka." Inis kong sabi saka siya binato ng remote na sapol naman siya sa mukha. "Buti nga sayo." Bulong ko habang humihiga sa sofa namin.
"Famous ka na Gab! Ang daming likes ng picture niyo ni Sean! Six hundred two likes na!" Tuwang-tuwang lumapit sa akin si Marky habang pinapakita yung picture. Agad-agad?
Marahas kong hinablot sa kanya yung cellphone niya at tinignan nga yon. Napangiwi ako sa caption. Bakit ganito?
"SEABBI moment ♥♥"
God. Di ko na kailngang isipin kung ano yung SEABBI, obvious namang pinagsama yung pangalan namin ni Sean. Napansin ko yung mga comments at lalo lang akong napangiwi.
Sean Ethan :Stolen picture is the best! Thankyou Denzel.
Denzel Bermejo :Agree. Pero may bayad yan wahahaha. Gimme money wahaha.
Tss. Pinagkakitaan ang picture? Nag-scroll down pa ako at nakita yung pangalan ni Cheska don.
Cheska Lim : Yucks! Seabbi? Ang baduy.
Nagcomment rin sila Marky don at inaway na si Cheska. Yan, hwag kasing basta-basta nagcocomment. May mga nagcomment rin na hindi ko kilala, na kesyo ang cute daw namin, ang ganda daw ng reaksyon ko, ang sweet daw, pero syempre may mga badcomment din pero di ko nalang pinansin.
May comment pa si Tita Veronica don na "Gusto ko na ng apo hihihi." Nafacepalm na lang ako at binato kay Marky yung cellphone na agad naman niyang nasalo. "Shit! Paano na lang kung di ko nasalo to?" Sinamaan niya ako ng tingin. Inirapan ko lang siya.
"Problema mo na yon. Kainis." Padabog akong tumayo at dumeretsyo sa kusina. Tinulangan ko nalang si Mama sa paghahain.
Matutulog na lang ako ng maaga para di sila makausap.
BINABASA MO ANG
From Beast Turns to Beauty (Under Revision)
Короткий рассказBEAST ang tawag sa kanya noong bata pa siya at noong maging nung naging hayskul. Maitim, mataba, bansot, kulot, maraming peklat sa katawan dahil kagagaling lang nito sa pagkakaroon ng bulutong. Para kay Gabbi, ayos na sana kung PANGIT lang ang tawa...