"Bakit biglaan naman ata Gabbi? Ang daya mo naman! Bukas na yung enrollment para sa incoming fourth year tapos sasabihin mong doon ka na uulit mag-aaral?" Mabilis na nagsalubong ang kilay ni Ivie at masama na ang tingin na ipinukol sa akin ng sabihin ko ang naging plano kong pagbabalik sa probinsya.
"Onga naman Gab. Bakit hindi na lang sa College ka magbalik dun?" Tanong ni Marky habang abala siya sa pagtingin sa salamin na hawak niya.
"Napakadaya talaga, ikaw pa nga ang gagawin kong first dance ulit sa prom tapos aalis ka?" Ngumiwi sa akin si Nathan.
"Hwag ka na munang umalis Gabbi." Malungkot ang boses ni Denzel at nagpaawa ang kanyang mga mata sa akin.
"Naenroll na ako ni Mama doon ano ba kayo?" Sabi ko sa kanila at halos lumabas yung mata nila sa gulat.
"Matagal mo ng plano to?" Sigaw nila sa akin. Tumango naman ako at matalim nila akong tinignan.
"Im sorry guys. Mamimiss ko kayo pero promise dito ako magbabakasyon sa Manila." Nagsibulungan sila sa isa't-isa at sabay-sabay na tumango. Napakunot-noo naman ako sa ginagawa nila.
"Okay!" Sabay-sabay na sagot nila ng nakangiti. Anong nangyari? Kanina halos di na maipinta mga mukha nila?
Akala ko pag-uusapan namin yung pag-alis ko pero iniba nila yung topic at sa tuwing sasabihin ko yung tungkol doon parang wala silang naririnig. Siguro nga, ayaw nila pag-usapan 'yon.
"Maganda ba sa probinsya niyo?" Tanong ni Nathan na ngayon ay nakakapit sa braso ko. Pasakay na kasi kami ng Jeep para umuwi.
"Oo. Maganda yung nga tanawin doon, walang mausok na sasakyan, tahimik, fresh air, maganda din yung ilog sa amin, malinis. Kaya nakakamiss din kahit papano." Sagot ko. Lahat sila ay nakatingin sa akin at yung tingin na 'yon parang manghang-mangha sila.
"Ilang oras byahe?" Tanong ni Marky.
"Thirteen hours. Hwag kayong mag-alala sanay na ako no." Sumakay na kami ng Jeep. Akala ko nga hihinto na sila sa pagtatanong 'yon pala ay hindi pa.
"Ang layo pala talaga. Maganda ba yung school doon?" Nakakunot ang noo ni Marky habang nakatingin sa akin.
"Public lang yung school, alam niyo na malayo sa kabihasnan pero lahat ng nag-aaral doon may kaya kahit nga yung mayayaman doon na rin."
"Really? Astig naman." Si Nathan. Na hanggang ngayon katabi ko at nakakapit sa akin.
"Excited much!" Gigil na sabi ni Denzel na ipinagtaka ko naman. Pinandilatan siya ng mga to. "Hindi kasi, pupunta daw kaming resort bukas he he he" Tumango na lang ako.
"Walang mga mall dun? Aray naman Marky! Bat ka nambabatok ha?" Reklamo ni Nathan. Ngumuso siya at nagkamot ng batok.
"Probinsya nga diba? Sabi ni Gabbi malayo sa kabihasnan! Matik na yun na wala. Isip naman baluga." Turo pa sa akin ni Marky pagbanggit ng pangalan ko.
"Malay mo—eto na nga eh, di na magtatanong! Gabbi oh nakakarami na." Hindi na niya natuloy yung sasabihin niya dahil inambangan na naman siya ni Marky.
"Kayo talaga tama na yan." Sita ko.
Nagtanong pa sila ng nagtanong tungkol sa amin. Hanggang sa kailangan ko ng bumaba.
"Dito na ako. Bye guys! Hatid niyo ko bukas sa Terminal ah? Eleven Thirty ng umaga yung byahe ko."
"Ayaw namin." Sigaw nila ng makababa na ako. Nalungkot ako sa sinabi nila, ihahatid lang naman.
PAGDATING sa bahay ay mabilis akong nagtungo sa banyo para magshower at pagkatapos ay humilata na rin sa higaan.
Alas-nuebe na ng gabi at bukas aalis na ako. Excited ako sa pagbabalik don. Kinuha ko yung cellphone ko at nagFacebook. Pinuntahan ko yung account niya at nagulat akong inaccept niya na pala ako, hindi ko man lang napansin sa notification ko.
Napangiti ako habang tinitignan yung mga pictures niya. Yang ngiting mga yan—sisiguraduhin kong iiyak ka dahil sa akin Mister. Magsisisi kang sinaktan mo ako.
"Hello, Ma. Nandito na ako sa terminal." Kausap ko siya sa phone at alam kong excited siya sa pag-uwi ko.
"Ingat ka nak. Sige na, mamamalengke pa ako ng mga ulam natin."
"Mga ulam? Mama naman ayos lang kahit tinapa na lang."
"Basta nak. Sige na bye, ingat ka ulit. Magtext ka lagi, okay? Ah sige kahit hindi na."
Pumunta na ako sa bus na sasakyan ko, pinalagay ko na din yung maleta ko sa konduktor. Syempre, lahat na ng gamit ko dala ko na. Bago ako pumasok, tumingin pa ako sa paligid pero wala talaga yung mga kaibigan ko.
I sighed.
Kahit nga text o tawag wala, pati message sa Facebook wala, online naman sila kagabi e. Nakakapagtampo. Sumakay na ako ng bus at umupo sa upuan ko, nakareserved na ito. Sumakay na din yung driver, it means aalis na. Ilalagay ko na sa tainga ko yung headset ng may mga maiingay na magbabarkada ata yung papasok.
"Buti nakaabot tayo!" Sigaw ng isang lalaki base sa boses.
"Ang tagal kasi nitong baklang to."
"Ulul! Ikaw ang bakla. Doon na tayo titira, malamang hahakutin ko lahat ng damit ko."
"San ba yung upuan natin dito? Nakita niyo na ba siya? Parang wala naman siya dito."
Hindi ko sila makita dahil nasa may bandang dulo ako pero napangiti ako dahil sa kaingayan nila, parang kami lang.
Nagsoundtrip na lang ako at pumikit. Itutulog ko na lang ito, nakakapagod din ang magbyahe. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko ngunit hindi ko na siya nilingon pa. Naramdaman kong umalis na yung bus at kumportable na ako sa aking pagkakaupo.
"Bilis naman makatulog nito." Sabi ng katabi ko. Narinig ko yon dahil sweet song lang naman ang pinapakinggan ko ngayon.
Teka—
Minulat ko yung mata ko at tinignan siya at halos malaglag na yung mata ko.
"Nathan!" Tili ko sabay yakap sa kanya. Napatingin din ako sa may likod, nakadungaw sila Marky, Denzel at Ivie.
"Bakit kayo nandito?!" Patili na tanong ko.
"Sasama kami sayo." Ngiting sagot ni Marky.
"Sasama? Hala! Diba magpapaenroll pa kayo?"
"Oo nga. Sa school na papasukan mo din." Ang lapad ng ngiti ni Ivie.
Paano?
"Oo nga, totoo. Nakausap na namin si Tita Novie at umoo na siya." Nabasa ata ni Denzel yung tanong ko sa isip. So alam na pala ni Mama, kaya pala.
"Eh yung—"
"Alam na ng parents namin at pumayag sila." Okay, Denzel. Ikaw na!
"Kaya party-party!" Sigaw ni Nathan at bahagya siyang lumundag sa kinauupuan niya.
Tinanong ko pa sila kung kailan sila nagdecide na sasama, 'yon pala kahapon pa.
Naging masaya ang buong byahe dahil sa kanila.
Lord. Salamat po dahil naging kaibigan ko tong mga ito, nung BEAST pa ako at hanggang ngayong naging BEAUTY na.
NOTE: Ineedit ko po itong story na ito dahil medyo JEJE or SABAW ang pagkakasulat ko nito hihi. Ilalagay ko naman po kung EDITED na o hindi pa. Yun lamang hihi.
*Edited
BINABASA MO ANG
From Beast Turns to Beauty (Under Revision)
Short StoryBEAST ang tawag sa kanya noong bata pa siya at noong maging nung naging hayskul. Maitim, mataba, bansot, kulot, maraming peklat sa katawan dahil kagagaling lang nito sa pagkakaroon ng bulutong. Para kay Gabbi, ayos na sana kung PANGIT lang ang tawa...