"Wow! May Sean na nga may Clint pa!" Agad kong binatukan si Marky. Kakauwi lang namin ni Clint at hinatid niya ako. Kakaalis pa nga lang niya at umariba agad itong lalaking to.
"Manahimik ka nga." Pinandilatan ko siya.
"O? Bakit? Sana dalawa ang puso ko~"
"Babatukan kita ulit dyan." Pagbabanta ko at inilagay sa loob ng kwarto yung mga pangregalo ko.
Kinuha ko si Clibbi--yun daw ang pangalan ng Teddybear sabi ni Clint at niyakap ko.
"Teddybear lang yan uy! Tara gawa tayo ng totoong baby!" Tawang-tawa na sabi ni Marky.
"Maghunos-dili ka! My goodness!" Natawa ako sa reaksyon nila Ivie at Marky.
Si Ivie nakahawak sa dibdib at si Marky naman ay hindi ko mapagtanto kung ano bang ginagawa niya sa mukha niya. Napailing nalang ako sa dalawang baliw na to.
"May new baby ka na naman!" Agad akong dinamba ni Denzel at namura ko siya dahil sa sakit ng pagdagan niya.
Nagkulitan lang kami at nagtatawanan. Ang sarap magkaroon ng kaibigan na tulad nila.
NAKATINGIN ako sa kisame namin at naaalala na naman kung paano makatingin si Sean kanina doon sa Mall. Problema ng isang yun?
Nakatulog akong yun ang nasa isip ko at nagising yun pa din ang naiisip. E ako? Anong problema ko. Sabado ngayon at may text sa akin ang Mommy ni Sean.
"GoodMorning Hija! You're invited para sa maliit na salo-salo mamaya sa bahay. Aasahan kita!"
Ngumuso ako at nagtalukbong ulit ng kumot.
Mabilis na lumipas yung oras at ngayon ay nandito na ako sa kanila at umiinom ng wine. Sosyal! Sana nandito rin yung mga baluga.
"Hija? Nakita mo si Ethan?" Tanong ni Tita.
"Hindi po." Tugon ko at luminga na din para tulungan siya sa paghahanap.
"Hinahanap siya ng mga pinsan niya e. Pwede bang puntahan mo sa kwarto niya? At ako sa garden naman pupunta."
Tumango na lang ako at naglakad. Bahagya akong nahilo dahil siguro iba-iba na yung mga nainom ko. Pagpasok sa kwarto niya ay napapikit ako sa amoy, bakit amoy alak dito? Hinanap ko siya sa loob at nakitang umiiyak doon.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Nang nakita niya ako ay agad siyang umayos sa pagkakaupo at nagpunas ng luha.
BINABASA MO ANG
From Beast Turns to Beauty (Under Revision)
Short StoryBEAST ang tawag sa kanya noong bata pa siya at noong maging nung naging hayskul. Maitim, mataba, bansot, kulot, maraming peklat sa katawan dahil kagagaling lang nito sa pagkakaroon ng bulutong. Para kay Gabbi, ayos na sana kung PANGIT lang ang tawa...