Kabanata 11

478 14 0
                                    

"Kaya mo bang maglakad Gabbi?" nag-aalalang tanong ni Marky.


Pauwi na kami at hanggang ngayon nanginginig pa rin ako. Umupo siya ng patalikod sa harap ko at sumenyas na sumakay ako don. Sinunod ko siya, dahil hindi kami makakalayo kapag naglakad ako. Isinuksok ko yung mukha ko sa leeg niya saka pumikit.


"Sorry Gabbi! Nakalayo kasi kami sa paglangoy kanina, kung hindi sana kami lumayo hindi ka matutulak ni Cheska." Narinig kong sabi ni Ivie.


"Kahit nga ba marunong kang lumangoy, kung biglaan yun mapapahamak ka talaga. Kapag mas malala pa yung nangyari sayo ay hindi namin mapapatawad yung sarili namin." May pag-aalalang ani ni Denzel.


"Walang may gusto ng nangyari." Seryosong sabi ni Nathan.


Hindi ko sila pinansin. Ngayon pa lang naproseso yung mga sinabi niya sa akin kanina. Hindi siya magagalit ng ganun kung wala siyang pinaghugutan. Ano bang inaagaw ko sa kanya? Anong lahat na lang? Hindi siya galit sa ginawa kong pagpatid sa kanya kahapon, may ibang dahilan. Pumikit ako at unti-unting nakatulog.


Nagising ako sa mahihinang pagtampal sa pisngi ko. Napamulat ako at nakita agad si Nathan.


"Nandito na tayo sa bahay." Ngiti niya sa akin saka ako bumangon.


Nasa sofa na pala ako. Tumayo ako saka tumango lang sa kanilang apat, dumeretsyo ako sa banyo saka naligo. Pagkatapos ay humiga na ako agad, hindi ko pa ring maiwasang hindi isipin yun.


Kinuha ko yung cellphone ko saka tinignan yung Facebook ko. Kumunot yung noo ko sa isang message na galing sa Mommy ni Sean. Inopen ko rin naman agad yun at halos mapaupo ko sa laman ng message niya.


"Hi Gabbi. I miss you 'nak. I heard na nandito ka na daw ulit sa Napaliong, dalawin mo naman ako dito sa bahay. Dito ka na magdinner susunduin ka ni Sean mamaya dyan. Magpapaluto rin ako ng kare-kare kay manang."



"Ok po Tita. Pupunta po ako." Di na ako nagdalawang isip na magreply.


Ginulo ko yung buhok ko. Kahit kelan talaga ay hindi ko magawang tumanggi kay Tita Veronica. Mabait siya, lahat na ng magagandang ugali ay meron siya. Kahit noong masama na yung anak niya sa akin ay dinadalaw ko pa rin siya, nagbabakasali pa rin kasi ako noon na magkakaayos kami ni Sean pero this time, gusto kong pumunta dahil namimiss ko si Tita.


Lumabas ako ng kwarto saka pumunta sa sala. "Ma. Pinapapunta ako ni Tita Veronica sa bahay nila , doon daw po ako maggabihan." Umupo ako sa tabi niya at sumandal sa balikat niya.


"O? Bakit parang malungkot ka? Hindi ba't dati halos tumalon ka sa tuwa pag-inaaya ka?" Aniya. Napangiti ako ng mapakla.


"Excited pa rin naman ako no mama. Syempre makikita ko na si Tita after 2years!" pinilit kong maging masigla. Ngumiti lang si mama saka ginulo yung buhok ko. Alam kong alam niya na may nagbago na.

From Beast Turns to Beauty (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon