"Naniwala ka ba sa kanya?" Iritadong tanong sa akin ni Nathan. Kumunot yung noo ko sa tanong niya. Tinatanong pa ba yon?
"Syempre!" Sinamaan niya ako ng tingin.
"Ano--" Bago niya pa matuloy yung sasabihin niya ay pinutol ko na agad siya.
"Syempre hindi! Ano ka ba? Kung naniwala ako, sana ay hindi ako pumayag na magpahila sayo." Sabi ko habang umirap sa kawalan.
"Mabuti na yung maliwanag." Hinintay ko pa kung may sasabihin siya pero mukhang wala na kaya tumahimik na lang ako.
Bumuntong hininga ako ng maalala yung pinagsasabi ni Sean. At bakit siya humingi ng tawad? At bakit ngayon lang? Nakakatawa siya. Hwag ako, hwag ako ang linlangin niya.
"Aware ka bang dahil sayo ay may sinisira kang samahan?" Nabigla ako sa biglang pagsalita niya.
"W-what do you mean?" Nauutal kong tanong sa kanya. Bigla na lang kumalabog ng malakas yung puso ko na sa tingin ko ay naririnig na niya yon.
Humalakhak siya ng mahina at umiling.
"Base sa reaksyon mo mukhang hindi mo nga alam Gabbi." Tinignan niya ako deretsyo sa mata at sa titig na yon ay bigla akong umiwas.
"Ang magpinsan, dahil sayo ay mukhang mag-aaway ang dalawa. Oh! Lilinawin ko pala, ang dalawang Montenegro ay magkaaway na ngayon dahil sayo." Napaawang ang bibig ko at umiling. Hindi, hindi sila nag-aaway ngayon.
"Nagjojoke ka lang Nathan. Pwede ba? Umayos ka nga." Natatawang sabi ko pero deep inside ay alam kong seryoso siya.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Sa tingin mo Gabbi? Magagawa ko pang magbiro ngayon? Kung ako sayo ay hindi na ako gagamit ng ibang tao para lang maghiganti. Ah! Ang sirain ba ang samahan ng dalawa ay isa sa plano mo? Kaya ginagamit mo si--"
"Shut up Nathan!" Sigaw ko para lang pahintuin siya sa sinasabi niya. "Bakit mo ba ipinipilit na gumagamit ako ng ibang tao?! Lilinawin ko lang din sayo, wala sa plano ko ang sirain ang samahan nila. At bakit masisira dahil sa akin? Hindi ko sila pinag-aaway o ano man. My God! Nakakainis ka na!" Sa huli kong sinabi ay napiyok ako dahil sa inis at anytime tutulo na yung luha ko. Damn! Bakit ba ang babaw ng luha ko.
"Hindi mo ba talaga alam ang dahilan? Matalino ka pero bakit ngayon ay kahit maliit man wala kang alam. Kanina nung magkakasabay kayong tatlo papuntang canteen ay nag-uumpisa ka ng manira ng samahan. Hindi mo man lang ba napansin yung tensyon sa pagitan nilang dalawa?! Ahhh malamang hindi dahil na kay Sean lang ang atensyon mo. Pero hindi eh, dahil sa ginagawa mo may nadadamay na tao!" Ginulo niya yung buhok niya sa inis at sinipa yung bato na nasa tapat niya.
Natameme ako sa lahat ng sinabi niya. Ilang minuto pa bago naproseso yung mga pinagsasabi niya sa akin.
"Hin—"
"Gabbi!!!" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng biglang sumulpot si Marky na hingal na hingal.
BINABASA MO ANG
From Beast Turns to Beauty (Under Revision)
Short StoryBEAST ang tawag sa kanya noong bata pa siya at noong maging nung naging hayskul. Maitim, mataba, bansot, kulot, maraming peklat sa katawan dahil kagagaling lang nito sa pagkakaroon ng bulutong. Para kay Gabbi, ayos na sana kung PANGIT lang ang tawa...