"Sorry po Tita. May quiz pala kami at kailangan ko pong mag-review. Babawi po ako sa inyo." Sambit ko habang kagat-kagat ang isang daliri.
Oh, no. Hindi ako magaling sa pagsisinungaling pagdating kay Tita Veronica.
"It's okay Gab, pero next time ay sasama ka na sa akin sa bayan. Kailangan ko na rin kasing magpaayos ng buhok."
Pumayag ako sa gusto ni Tita at pinataway ang tawag. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Sa totoo lang ay wala naman talaga kaming quiz. May iniiwasan lang ako. Pumasok nga ako pero nandito ako sa Library namin. Dito mas magandang magpunta at sigurado akong walang makakakita sa akin.
Kapag nasa bahay ako, tiyak na pupuntahan nila ako. Kapag nasa room ako, tiyak na makikita nila ako, at alam ni Sean na pupunta ako sa bahay nila, siguradong uuwi siya kahit na sinabi niyang may pupuntahan siya.
Sina Sean at Clint ang iniiwasan ko ngayon. Ang dalawang Montenegro na yun! Sumasakit ang ulo ko sa kanila. Muntikan na naman silang magbasagan ng mukha kagabi sa bahay.
Pumikit ako at paulit-ulit na namang nagre-replay yun sa utak ko.
"Nandito naman ako para bantayan rin siya." Nakasandal ang isang siko niya sa gilid at nakipaglaban ng titigan kay Sean.
"Anong ginagawa mo dito?" Matigas na tanong ni Sean.
"Binibisita si Gabbi. May masama ba roon?" Ngumisi siya at saka lumapit sa amin.
"Hindi ka naman na kailangan dito. Nandito ako para sa kanya." Kumunot yung noo kong nakatingin sa kanilang dalawa.
Humalakhak si Clint na para bang may nakakatawa siyang narinig. "Talaga?" Nanlalaki ang mata ni ya na parang bang gulat na gulat. "Talaga Sean? Bakit? Hindi ba't parang kailan lang ay mandiri ka sa kanya? At ngayon? Parang walang nangyari. Ayos rin a." Nanigas ako sa kinauupuan ko sa pinagsasabi niya.
Tinignan ko si Sean na ngayon ay nakakuyom ang kamao at masama ang tingin sa pinsan niya. Nakita ko rin kung paano siya magngitngit.
"O? Bakit hindi ka makapagsalita dyan pinsan." Ngumisi ng nakakaloko si Clint. Tumingin siya sa akin. "Hi Gabbi." Yumuko siya para magpantay ang mga mukha namin. Halos manlaki ang mga mata ko ng malanghap ang amoy ng hininga niya.
"Lasing ka Clint!" Sigaw ko sa mukha niya at agad siyang tinulak. Hindi niya inaasahan yun kaya nawalan siya ng balanse at napaupo sa sahig. Imbes na indahin ang sakit ay tumawa lang siya.
"Ofcourse not! Ako lasing? Hindi. Nakainom lang ako, pero hindi ako lasing." Tumayo muli siya at agad ding tumayo si Sean at hinarangan ako mula kay Clint.
"Oh oh oh , umalis ka dyan. Proprotektahan ko siya mula sayo." Tinulak ni Clint si Sean. Napatili ako ng tumama si Sean sa pader. Ganun kalakas yung pagtulak?
Mukhang napikon si Sean at akmang susugurin ang pinsan. Hindi ako pwedeng tumunganga dito!
BINABASA MO ANG
From Beast Turns to Beauty (Under Revision)
Short StoryBEAST ang tawag sa kanya noong bata pa siya at noong maging nung naging hayskul. Maitim, mataba, bansot, kulot, maraming peklat sa katawan dahil kagagaling lang nito sa pagkakaroon ng bulutong. Para kay Gabbi, ayos na sana kung PANGIT lang ang tawa...