Kabanata 28

367 11 2
                                    

THIRD PERSON's POV



Dahan-dahang umupo si Gabbi sa kanyang kama umalis na siya sa hospital at walang nadatnang tao sa bahay. Yumuko siya at pinaglaruan ang mga daliri. 'Ayos na to na hindi ko sila nadatnan.' sabi niya sa isip.


Tumingin siya sa salamin na nasa harap niya at hindi niya maiwasang maawa sa sarili. Payat at maputla ang mukha. Kung anong ikinataba niya noon, siya namang ikinapayat niya ngayon.


A tears falls down on her face ng maalalang umalis na ang mama niya,miss na miss na niya ito, sana ay nayakap niya muna ito at nasabi niya kung gaano niya to kamahal.


"Intindihin niyo nga si Gabbi! Hindi yung sinasabayan niyo pa!" Nagulat siya sa biglaang nagsalita. Nanggagaling yon sa labas ng bahay nila at agad niya itong sinilip sa bintana.


Ang mga kaibigan niya pala. Si Marky yung nagsalita at nakaharap kina Nathan.


"Masakit yung sinabi niya sa akin! Oo na kasalanan ko naman pero yung pagsabihan niya ako ng nagmamagaling? Nag-aalala lang naman ako sa kanya." Napasabunot sa buhok si Nathan at sinipa ang bato.

Ang iniisip lang naman niya ay yung kapakanan ni Gabbi pero inaamin niya sa sarili na mali siya pero masakit sa kanya yung nabitawang salita ni Gabbi.


"Puntahan na natin siya sa hospital. Ang sama nating kaibigan kung pati tayo ay iiwan siya." Sambit ni Marky. Naiintidihan niya kung bakit galit na galit ang kaibigan sa kanila, kasalanan naman talaga nila yon hindi nila binigyan ng chance si Gabbi na makausap ang mama niya.


Samantalang si Denzel ay kinukumbinsi si Ivie na hwag ng magalit kay Gabbi pero hindi ito nakikinig. Masama ang loob niya rito na humantong na sa ayaw niya pa itong kausapin. Paalis na silang apat para sana pumunta ng hospital ng tawagin sila ni Gabbi mula sa bintana. Lahat sila ay gulat kung bakit nandoon ito.


Tipid na ngumiti si Gabbi at huminga ng malalim. May kasalanan siya kaya hihingi siya ng tawad.


"Sorry. Sorry sa mga nasabi ko sa inyo." Naluluha niyang paghingi ng tawad at mabilis na naglakad palapit sina Marky at Nathan sa kanya at niyakap kahit na may pagitang kahoy.


"Forgiven." Mabilis na sabi ni Nathan. Agad na ding lumapit sina Ivie at Denzel para makisali sa yakapan.


"Sorry din Gabbi." Naiiyak na sabi ni Ivie at lalong niyakap si Gabbi.





Nakahiga na silang apat habang magkakayakap, nasa gitna nila si Gabbi. Naikwento na nila kay Gabbi kung bakit umalis ang Mama niya paountang Canada, para yon kay Cheska doon siya magpapagaling at ooperahan. Still, kailangan pa muna niyang magpagaling.


Naghahanap pa din sila ng Eyedonor hanggang ngayon at ngayon ay naaawa na si Gabbi para kay Cheska. Naiintidihan niya ito kung may sama ng loob siya noon dito ngayon ay gusto niya ring nasa tabi siya nito. Tanggap na niyang maging kapatid ito kahit na si Cheska ay ayaw sa kanya.


Kinamusta rin ni Gabbi ang Papa niya at masaya siya dahil pupuntahan siya nito bukas para kasama sa pagcelebrate ng Newyear pero sa other side ay natatakot, ayaw niyang makita siya nito na ganito ang sitwasyon.


From Beast Turns to Beauty (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon