Yareli's POV
KASAMA ko ang magkakapatid at alam kong gusto nilang magtanong sa akin kung bakit umiiyak ako kanina nang makita ako ni Efraim, pero hindi ko pa kayang ikuwento sa kanila ang lahat na si Juancho ang dahilan kung bakit patuloy akong nasasaktan. Hindi na nila kailangan pang malaman iyon dahil kahit masakit ay tatanggapin ko na lang na hinding-hindi ako magugustuhan ni Juancho.
Nailibot ko na ang magkakapatid sa bukirin ng mga Steffano at alas-kuwatro na ng hapon nang matapos kami. Marahil ay nagtataka na si Inay kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ako umuuwi kaya magpapaalam na ako sa kanila na uuwi na ako.
"Kailangan ko na pa lang umuwi, baka kasi hinahanap na ako ni inay sa bahay. Kailangan ko pang magsaing." sabi ko.
"Ihahatid ka na namin pauwi." nakangiting alok ni Grant.
Sa kanilang limang magkakapatid ay si Grant ang masayahin at palaging nakangiti. Hindi halata sa itsura niyang may pagka-badboy. Malaki kasi ang katawan niya at mukhang palaging nag-gi-gym.
"Nako! Hindi na kailangan. Malapit lang naman-"
"We insists. Gusto rin naming makita kung saan ka nakatira." sabi ni Amir.
Wala na akong nagawa kundi ang sumang-ayon. Tutal ay magkakaibigan na rin kami ay hinayaan ko na lang sila na ihatid ako sa bahay namin.
Habang naglalakad kami ay bigla akong inakbayan ni Grant. Hindi ko na siya napigilan sa ginawa niya dahil wala naman sigurong malisya ang ginagawa niya. Mabait siya at natural lang siguro ang pagiging malambing niya.
"I don't want to leave this place anymore." sabi ni Irvin sa gitna ng paglalakad namin. Parehong nakalagay ang mga kamay niya sa likod ng kanyang ulo habang lumilinga sa paligid.
"I never thought I'm going to love San Felicidad." saad naman ni Grant nang nakangiti.
Napangisi si River sa sinabi nina Irvin at Grant at nanatiling tahimik. Kahit masayahin at palaging nakangiti si River katulad ni Grant ay napansin ko na tahimik lang siya katulad ni Efraim. Sa kanilang magkakapatid daw ay siya ang panganay at tumatayong kuya. Hindi naman siya tinatawag na kuya ng mga kapatid niya dahil ayaw niya. Hindi naman daw kasi nalalayo ang edad niyang 24 sa mga ito.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay ay saktong lumabas sa loob ng bahay si Kuya Yasewah at nakita niyang kasama ko ang magkakapatid. Kaagad siyang lumapit sa amin at nginitian si River.
"Nandito pala kayo, River. Kumusta na?" bati ni Kuya Yasewah kay River.
"I'm good. In-invite pala namin si Yareli na mag-breakfast sa mansyon kasama sina Tito Vicente at Tita Josefina bilang pasasalamat sa pagtulong ninyo sa amin na ayusin ang kotse ko. Yayayain ka sana namin na makisalo kaso ay nasa trabaho ka raw," sabi ni River.
"Gano'n ba? Pasensya na at hindi ako nakasama. May trabaho kasi ako sa bayan at alas-tres na ng hapon ang uwi ko." paumanhin ni Kuya Yasewah.
"Okay lang 'yon, bro. At least nakasama naman namin 'yong kapatid mo." Pagsingit ni Irvin na kaagad siniko sa tagiliran ni Amir. Napangiwi si Irvin sa ginawa ni Amir at tinitigan ito nang masama.
Namula ako sa sinabi ni Irvin habang si Kuya Yasewah naman ay natawa.
"Mabuti naman kung gano'n. Pumasok muna kayo sa bahay. May nilutong binignit si Inay. Kumain kayo ng meryenda." paanyaya ni Kuya Yasewah at pinapasok niya sa loob ng bahay namin ang magkakapatid.
Walang angal na pumasok sila sa loob ng bahay at sinundan na lang namin si Kuya Yasewah hanggang sa makarating kami sa maliit naming dining room.
Nilibot nang tingin ng magkakapatid ang kabuoan ng bahay namin at mukhang ngayon lang sila nakapasok sa ganitong klaseng bahay. Naupo kami sa upuan na may mahabang lamesa na gawa sa kahoy. Hindi na ako pinakilos ni Kuya Yasewah at siya na ang nag-asikaso sa amin.
BINABASA MO ANG
Steffano Brothers' Obsession (Published under PSICOM)
General FictionSi Yareli Tamayo ay isang mabait at mapagmahal na dalagang nakatira sa probinsiya ng San Felicidad. Nang makilala niya ang magkakapatid na Steffano na sina River, Efraim, Irvin, Grant, at Amir ay nagkaroon ng malalim na epekto ang mga ito sa kaniyan...
