Chapter 41

59K 1.4K 573
                                        

After 2 years...

Yareli's POV

TOTOO na nakahihilom ng sugat at pasakit ang panahon. Sa loob ng dalawang taon ay natuto akong maging mas matatag para sa sarili ko at sa anghel na ipinagkaloob sa akin. Wala na yatang mas sasaya pa na makita mo ang isang bata na inilabas sa sinapupunan mo at dinala ito sa loob ng siyam na buwan sa iyong katawan. Marami man akong naging komplikasyon bago manganak ay naging sulit iyon nang ipinanganak ko si baby Hershe. Baby girl ang anak ko, ang anak namin ni River.

Bago ma-admit sa mental health facility ang Steffano brothers ay nagpa-DNA Paternity test muna kami nila River, Irvin, Grant, at Amir para matukoy kung sino ba ang tunay na ama ng ipinagbubuntis ko. Nang lumabas ang resulta sa isang linggo naming paghihintay ay nalaman naming si River ang ama ni baby Hershe.

Nang magsagawa kami ng DNA Paternity test ay hindi pa kami maayos ni River at ng mga kapatid niya. Gusto nila akong kausapin noong mga panahon na iyon pero pinigilan ko ang sarili kong makausap at harapin sila. Bukod sa nalaman ko na sinet-up lang ni Grant si Juancho kay Amanda para makita ko na kunwari silang nagtataksil sa akin ay masakit at malalim pa rin ang sugat na idinulot nila sa akin.

Sa pagkamatay ni Ezekiel ay nalaman ko na wanted pala ito at matagal nang pinaghahanap ng mga pulis dahil sa pagiging human trafficker, involve sa illegal drug transactions, at nakapatay na ito ng mga babaeng nagtangkang tumakas sa kampo nila na ibebenta sana sa mga Chinese businessman at gagawing sex slaves.

Hindi ako makapaniwala na ganoon pa lang klaseng tao si Ezekiel. Masyado akong nagpadala sa mabait at maayos na pakikitungo niya sa akin. Iyon pala ay kaya niya ako gustong itakas sa isla ng San Martino ay dahil ibebenta niya ako sa mga Chinese businessman at gagawing sex slave. Mabuti at naabutan kami ng Steffano brothers at nailigtas nila ako mula sa kamay ni Ezekiel. Modus na pala nitong magkunwaring mabait sa isang babae para makumbinse na sumama sa kanya at makuha ang iyong tiwala. Pinatay ni Efraim si Ezekiel at dahil iyon sa gusto niya akong protektahan sa masasamang tao na may masamang balak sa akin. Tila nabawasan ang galit ko sa Steffano brothers nang malaman iyon. Nilagay man ni Efraim ang batas sa kamay niya dahil sa pagpatay kay Ezekiel ay mas naaawa pa rin ako sa mga babaeng nabiktima at napatay niya.

Sa loob ng dalawang taon ay nakasuporta sa akin sina Inay, Itay, Juancho, Kuya Yasewah, Ronnie, at Mayet sa pagbubuntis ko. Ingat na ingat sila sa akin hanggang sa manganak ako. Natigil muna ako pansamantala sa pag-aaral para matutukan ang ipinagbubuntis kong si baby Hershe noon na isang taong gulang na. Nakaalalay sila sa akin lalo na si Juancho. Kahit hindi na katulad noon ang nararamdaman ko para sa kanya ay hindi niya ako pinabayaan at ang anak ko. Siya ang tumayong ama ni baby Hershe habang nasa ospital ang mga kapatid niya at nagpapagamot sa sakit nila.

Tanggap na ni Juancho kung hanggang saan lang kaming dalawa, at masaya siya na kahit raw papaano ay ang mga kapatid niya ang minahal ko. Malaki ang ipinagbago niya simula nang malaman niyang buntis ako, nag-iba na rin ang ugali niya at nawala ang pagiging arogante at mapagmataas niya.

Si Ronnie ay graduating na ngayong taon katulad ni Mayet. Nang malaman kong may nararamdaman para sa akin si Ronnie ay ilang linggo ko siyang hindi pinansin, pero nang matapos iyon ay nagdesisyon na akong kausapin siya at linawin ang mga sinabi niya sa akin. Magkaibigan pa rin kami at hindi nakaapekto iyon sa samahan naming dalawa. Sa katunayan ay Ninong siya ni baby Hershe nung bininyagan ito kagaya rin nina Mayet at Lorenzo.

Si Mayet ay girlfriend na ni Lorenzo. Nang mahuli ni Mayet si Jestin na may kahalikang ibang babae ay kaagad silang naghiwalay lalo na't nalaman na lang namin na nakabuntis pa ng ibang babae si Jestin na taga ibang barrio.

Hanggang ngayon na kahit may anak at asawa na si Jestin ay hindi natigil ang pambababae nito. Hindi ako makapaniwala na sa ilang taon naming pagiging magkaibigan ay gano'n pala siya. Hindi ko pa rin malilimutan ang mga sinabi niya na gusto niya ako at gusto niyang maungusan si Ronnie sa lahat. Napuno ng inggit at galit si Jestin sa puso niya, at sana balang araw ay magbago na siya ngayong may asawa at anak na siya.

Steffano Brothers' Obsession (Published under PSICOM)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon