Yareli's POV
DAIG ko pa ang baldado sa kalagayan ko. Halos hindi ko maigalaw ang binti ko, at pakiramdam ko ay para akong na-stroke. Medyo masakit pa ang binti ko na may tama ng bala, at ang kanang paa ko naman ay napilayan. Dalawang araw na ang lumipas mula nang mangyari ang tangka kong pagtakas sa isla na ito. Kahit galit ako sa Steffano brothers, hinayaan ko na silang mag-alaga sa akin dahil kasalanan din nila kung bakit ko tinangkang tumakas.
Hindi nila ako tinatabihan sa pagtulog, at salamat na rin na kahit papaano'y marunong silang makiramdam. Sa ibang kuwarto ng bahay na ito sila natutulog ngayon. At sa lalaking dahilan kung bakit hindi ako makalakad nang maayos, ni hindi na ito nagpapakita sa akin. Nagkukulong lang daw ito sa loob ng kuwarto, sabi ni Grant, at kung minsan ay umaalis nang walang pasabi sa mga kapatid niya.
"Do you feel well now?" tanong ni Efraim pagkapasok niya sa loob ng kuwarto. May dala itong isang plato ng mga prutas at orange juice. Inilapag niya ito sa lamesa at saka lumapit sa akin at tinitigan ako.
May galit ako sa magkakapatid, pero hindi ko tuluyang magawang magalit kay Efraim. Siguro dahil wala itong sinasabing kung ano ang masama sa akin at wala akong ideya sa mga iniisip niya tungkol sa akin. Kumbaga, parang go with the flow lang siya sa plano ng mga kapatid niya, pero mali pa rin na makipagsabwatan siya sa mga ito.
"Kahit kailan, hindi na ako magiging okay dito," mapait kong sabi.
Walang reaksyon si Efraim sa sinabi ko at humalukipkip lang habang nakatitig pa rin sa akin.
Naiintimidate ako sa kanya. Guwapo siya, at kahit sino'ng babae ay maiintimidate kung tititigan ng ganito kaguwapong lalaki. Siya rin 'yong tipo ng lalaki na may pagkamisteryoso at mahirap basahin. Bukod sa tahimik siya, kalmado lang at hindi mababakasan ng kahit anong emosyon sa mukha. Kung ang apat niyang mga kapatid ay maingay, palasalita, at nagbabait-baitan sa harapan ko, si Efraim naman ay nananatiling tahimik, totoo, at walang kibo.
Mas lalong lumapit sa akin si Efraim at umupo sa tabi ko. Nagulat na lang ako nang bigla niyang hinawakan ang kanang paa ko na may benda at mahina niya itong hinihilot. Kumabog ang dibdib ko sa ginagawa niya at napatitig sa kanya.
"I think your feet are doing fine. Iniinom mo naman ang mga gamot mo araw-araw, and I'm also treating this to lessen the wound. Maybe next week ay gagaling ka na," sabi niya habang pinaikot-ikot ang kanang paa ko nang dahan-dahan.
Sa paraan ng paghawak niya sa paa ko, para akong nakukuryente. Pilit kong pinipigilan ang kakaibang nararamdaman ko.
Nang matapos si Efraim sa paghilot sa paa ko, sunod naman niyang inobserbahan ang kaliwang binti ko na may cast at maraming benda.
"Tsk! That crazy moron, how could he do this to you?" Huminga siya ng malalim pagkatapos niyang sabihin iyon at napailing ito.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting tuwa. Ang ibig sabihin lang ay nag-aalala siya sa kalagayan ko at hindi rin nito nagustuhan ang ginawa ni River sa binti ko. Pero, ano ba ang pinagkaiba niya kay River? Itinago niya rin ako at inilayo sa pamilya ko dahil sa makasariling paghahangad nila sa akin.
"Masaya ba kayo ngayon sa 'kin, Efraim?" mahina kong tanong.
Tiningnan niya ako nang seryoso at sumandal sa headboard ng kama na hinihigaan ko.
"Of course, we're happy because you're here with us," sabi niya.
"Kailangan n'yo ba talagang gawin sa akin 'to para hindi na ako makawala sa inyo? Magiging masaya rin ba kayo na habang kasama n'yo ako ay mas lalo lang nadadagdagan ang galit at pagkamuhi ko sa inyo?" tanong ko.
Tumiim-bagang si Efraim at muli niya akong tinitigan. "You tried to escape, Yareli. We trusted you, but you broke it. Masakit para sa amin 'yong ginawa mo dahil ipinamukha mo lang sa amin na hinding-hindi mo kami magugustuhan. River trusted you that much, and he goes insane nang makita ka naming tumatakbo papalayo sa lugar na 'to para lang matakasan mo kami. Umasa siya sa'yo, Yareli, pero binigo mo siya sa huli," mariing sabi ni Efraim.
BINABASA MO ANG
Steffano Brothers' Obsession (Published under PSICOM)
General FictionSi Yareli Tamayo ay isang mabait at mapagmahal na dalagang nakatira sa probinsiya ng San Felicidad. Nang makilala niya ang magkakapatid na Steffano na sina River, Efraim, Irvin, Grant, at Amir ay nagkaroon ng malalim na epekto ang mga ito sa kaniyan...
