Third Person's POV
HALOS masira ni Juancho ang gate sa bahay ng magkakapatid na Steffano sa Maynila dahil sa lakas ng pagkalampag at paghampas niya. Kasama nito ngayon ang nakatatandang kapatid ni Yareli na si Yasewah na lumuwas nang Maynila kahapon kasama si Juancho at nagbabakasaling mahanap dito ang kanyang kapatid.
Kahapon pa nang umaga nawawala si Yareli at hanggang ngayon ay hindi nila mahanap kung nasaan ito. Sakto pang bigla na lang rin nawala na parang bula ang limang magkakapatid kaya naghinala na kaagad si Juancho na baka dinukot ng mga ito ang kasintahan. Alam niyang may pagtingin ang magkakapatid kay Yareli dahil inaminng mga ito iyon sa kanya, at base sa sinabi ng mga ito ay determinado silang makuha sa kanya si Yareli.
"Lumabas kayo d'yan mga hayop kayo! Ibalik n'yo sa 'kin ang girlfriend ko!" sigaw ni Juancho habang patuloy pa rin sa pagkalampag ng malakas sa gate.
Si Yasewah naman ay napabuntonghininga na lang habang pinagmamasdan si Juancho. Hindi niya masisisi kung bakit ganito umakto ngayon ang nobyo ng kanyang kapatid. Napatunayan niya na totoong mahal nito si Yareli. Ang akala niya ay hindi ito seryoso sa pakikipagrelasyon sa kapatid niya pero sa nakikita niya ay talagang tinamaan ito ni kupido.
At kapag totoo ang hinala ni Juancho na dinukot ng Steffano brothers si Yareli ay hinding-hindi niya mapapatawad ang mga ito lalong-lalo na si River na lubos niyang pinagkatiwalaan. Gusto niya ang binata para sa kapatid, pero ngayon ay labis ang pagkamuhi niya para rito maging pati na sa apat nitong mga kapatid.
_"Humanda kayo sa 'kin, River kung may ginawa kayong masama sa kapatid ko."_ sa isip ni Yasewah at napatiim-bagang.
Ilang saglit pa ay bumukas ang malaking gate sa bahay ng Steffano at bumungad kina Juancho at Yasewah ang may katandaan nang katulong kasama ang mga magulang ng magkakapatid na sina Vince at Diana. Natigilan si Vince nang makita si Juancho.
"Juancho? What happened? Bakit nagwawala ka dito?" tanong ni Diana kay Juancho na kaagad itong sinamaan ng tingin.
"Tita, kung nandiyan man po 'yang limang anak ninyo kasama ang girlfriend ko ay ilabas n'yo na po sila bago pa ako magpatawag ng pulis at halughugin 'tong buong bahay n'yo." madiing sabi ni Juancho na ikinagulat nina Diana at Vince.
"What are you saying? Ang akala ko ba ay nasa mansyon n'yo sa San Felicidad ang mga anak ko? At ano ang sinasabi mong kasama nila ang girlfriend mo? What does it have to do with my sons?" nagtatakang tanong ni Diana na ikinatawa ni Juancho sa inis.
"Kung hindi pa kayo na-inform ay umamin na sa akin ang mga anak mo na may gusto sila kay Yareli, and that's my girlfriend's name. They are jealous dahil ako ang mahal ni Yareli at hindi sila. They will do everything para kunin sa 'kin si Yareli at alam kong sila lang ang nagtago sa girlfriend ko." sarkastikong sabi ni Juancho.
Mas lalong nagulat ang mag-asawang sina Diana at Vince sa sinabi ni Juancho.
"Wait? Are you accusing my sons with no evidence? Dahil lang sa nagkagusto sila sa girlfriend mo ay pinagbibintangan mo na silang dumukot sa kanya?" hindi makapaniwalang tanong ni Vince.
"At bakit po hindi? Kahapon pa nawawala ang kapatid kong si Yareli kasabay ng pagkawala rin ng limang anak ninyo. Hindi n'yo po masisisi si Juancho kung paghinalaan niyang kasama lang ng mga anak n'yo ang kapatid ko." pagsabat ni Yasewah kaya tumingin sa kanya si Vince.
"Hijo, wala talaga dito ang mga anak ko at 'yung kapatid mo--"
"Tito naman, I know your secrets, at katulad mo ay baliw rin 'yang limang anak mo! Halang ang kaluluwa mo katulad nila kaya gagawin nila ang lahat maagaw lang sa akin ang girlfriend ko!" sigaw ni Juancho na ikinatahimik ni Vince.
BINABASA MO ANG
Steffano Brothers' Obsession (Published under PSICOM)
Ficción GeneralSi Yareli Tamayo ay isang mabait at mapagmahal na dalagang nakatira sa probinsiya ng San Felicidad. Nang makilala niya ang magkakapatid na Steffano na sina River, Efraim, Irvin, Grant, at Amir ay nagkaroon ng malalim na epekto ang mga ito sa kaniyan...
