Third Person's POV
WALA nang ibang mahihiling si Grant sa buhay niya dahil kasama niya ang pinakamamahal na babae sa iisang bubong at nalaman niyang may nararamdaman din ito para sa kanya. Wala siyang maramdamang inggit at selos kung may apat pang minamahal si Yareli dahil kapatid naman niya ang mga lalaking karibal niya sa puso nito at talagang malalapit sila sa isa't-isa simula noong mga bata pa lang sila. Kung may minsan man silang pagtatalo ay mababaw na dahilan lang iyon.
Sa kabila ng ginawa nila noon kay Yareli ay pinatawad pa rin sila nito sa huli at binigyan ng pangalawang pagkakataon para makabawi sila sa mga naging kasalanan at pagkukulang nila rito maging pati na kay Hershe na anak ng kanyang panganay na kapatid na si River.
Sa pinaplanong pagpapakasal ni Efraim kay Yareli sa susunod na taon kahit hindi na ito legal katulad nang kay River dahil bawal ang polygamous marriage sa Pilipinas ay nasasabik na si Grant sa oras na siya naman ang maikasal sa babaeng mahal. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya naging masaya at nagmahal ng sobra nang dahil sa isang babae.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ay marami na siyang mga nakarelasyon at nakatalik na babae simula noong high school hanggang sa magcollege siya. Sino ba naman ang tatanggi sa isang Grantvil Steffano? Bukod sa may guwapo siyang mukha ay may matipuno rin siyang pangangatawan na pinagpaguran niyang makuha mula sa pag-gi-gym. Matangkad siya sa taas na 6'4. Ang sabi rin ng malalapit niyang kaibigan na sina Simon at Godfrey ay malakas ang karisma niya pagdating sa mga babae dahil sa badboy image look niya.
Hindi masyadong nag-e-effort si Grant para sa itsura niya dahil ginagawa lang niya ang pag-gi-gym para mapanatili ang maganda at healthy niyang kalusugan. Pagdating naman sa pagporma ay nakahiligan na niyang magsuot ng hapit na damit kaya na-fe-flex ang mga muscles at abs niya sa katawan.
Maganda ang genes na mayroon ang mga magulang niyang sina Vince at Diana kaya pagdating sa itsura at pisikal na kaanyuan ay hindi siya nagpapatalo pati ang apat pa niyang mga kapatid, isama na ang half brother niyang si Juancho. May lahing French/Canadian/Filipino ang ama nilang si Vince samantalang half Japanese/half Filipino naman ang kanilang ina na si Diana.
Nagpaalam si Grant sa nobya niya o mas magandang sabihin na asawa niyang si Yareli na pupunta siya ngayong gabi sa birthday celebration ng kaibigang si Godfrey. Pinayagan siya dahil karapatan naman daw niyang mag-enjoy bukod sa bagong trabaho niya bilang isang Web developer sa isang pribadong kompanya na pinag-applyan niya.
Bachelor of Science in Information Technology ang tinapos na kurso ni Grant dahil iyon ang gusto niyang kurso. Wala siyang ambisyon sa pagpapatakbo ng kompanya ng mga magulang niya dahil mayroon na sina River at Amir na parehong related sa business ang tinapos na kurso ng mga ito.
9:00 pm nang makarating si Grant sa bar na kung saan ay doon i-ce-celebrate ng kaibigan niyang si Godfrey ang 22nd birthday nito. IT Technician ito ngayon at pansamantalang nag-leave sa trabaho para i-celebrate ang kaarawan.
"Grant, my man!" bati ng kaibigan niyang si Godfrey nang makalapit siya sa puwesto nito. Nasa VIP section sila ng bar. Kasama nito si Simon at ang iilan pang mga kaklase nila noong college sila.
"Happy birthday, Godfrey!" bati ni Grant kay Godfrey.
"Salamat sa pagpunta sa birthday celebration ko, p're. Unli drinks tayo ngayon dahil libre 'to ni Simon. Pang birthday gift niya raw sa akin," nakangiting sabi ni Godfrey.
Bumaling si Grant kay Simon. "Talaga? Libre mo? Hindi ka na kuripot niyan?" pang-aasar niya sa kaibigan na nagmiddle finger sa kanya na ikinatawa niya. Nag-fistbomb ang magkakaibigan at nagkamustahan dahil matagal na nilang hindi nakita ang isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Steffano Brothers' Obsession (Published under PSICOM)
General FictionSi Yareli Tamayo ay isang mabait at mapagmahal na dalagang nakatira sa probinsiya ng San Felicidad. Nang makilala niya ang magkakapatid na Steffano na sina River, Efraim, Irvin, Grant, at Amir ay nagkaroon ng malalim na epekto ang mga ito sa kaniyan...
