Chapter 20

67.5K 1.4K 959
                                        

Yareli's POV

NAGISING ako nang may nakayakap sa tabi ko. Sina Grant at Amir ito. Si Grant ay walang suot na pang-itaas at naka-boxer shorts lang ito samantalang si Amir ay suot ang puting sando at shorts. Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa mga mukha nila na mahimbing na natutulog. Ang guwapo na sana, kaso ay mga kidnapper pala.

Sa kaguwapuhan ng magkakapatid ay imposibleng walang babaeng nagkakagusto sa kanila. Mga babaeng taga Maynila na mas maganda, mayaman, elegante, at sopistikada hindi katulad ko na mahirap na nga at wala pang maipagmamalaki.

Ano ba ang nakain nila at ako ang nagustohan nila? Bukod sa mahirap ako, simple lang, hindi marunong mag-ayos, at wala pang maipagmamalaki sa buhay ay bakit ako ang natipuhan nila? Ano ba ang mayroon sa akin para magawa nila ang bagay na ito?

Pilit kong tinatanggal ang mga braso nina Grant at Amir na nakayakap sa baywang at mga braso ko. Sa laki ng katawan nila at matatangkad pa ay para silang mga tore sa pagitan ko.

"Let's sleep for a while, babe. Late na kami nakatulog kagabi. Mamaya ka na bumangon." biglang sambit ni Grant habang nakapikit pa rin at mas lalong hinapit ang braso niya sa baywang ko.

Babe? Anong klaseng tawag iyon? Mukha ba akong baboy na si Babe sa pelikulang Babe: Pig In The City na pinapanood namin ng mga kaibigan ko? Naalala ko bigla si Juancho dahil tinatawag niya rin akong babe. Bakit kaya ang hilig ng mga lalaki sa tawag na babe o 'di kaya ay baby?

Ipinagpapasalamat ko na kahit dalawang araw na ako sa lugar na ito kasama ang magkakapatid na Steffano ay hindi nila ako pinagtangkaan nang masama. Kung gagawin man nila iyon sa isang iglap ay hindi ko sila mapapatawad.

Kahit ano'ng pagbabalak kong umalis sa kama ay wala rin namang nangyayari dahil hinihila lang ako pabalik nina Grant at Amir kaya wala na akong nagawa kundi ang humiga na lang rin at hintayin na bumangon sila. Nasaan na kaya sila River, Efraim, at Irvin? Bakit wala sila?

Naalala ko ang pamilya at mga kaibigan ko, lalong-lalo na si Juancho. Sigurado akong hinahanap na nila ako at nag-aalala na sila sa akin. Sana lang ay hindi lubos na magalit at mamroblema si Kuya Yasewah sa pagkawala ko dahil masama sa kanya ang sobrang magalit.

Kalmado at palaging tahimik si kuya pero kapag nagalit iyon nang sobra ay parang hindi na namin siya makilala nina Inay at Itay. Kamuntikan pa niyang mapatay si Kuya Dante na kapatid ni Mayet dahil sa may hindi sila napagkaunawaan. Mabuti at naging maagap ang Papa nila Mayet at si Itay sa pag-awat sa gagawin ni kuya na pananaksak kay Kuya Dante kaya ito hindi nakapanakit. Naging magkasundo na silang magkaibigan at hindi na naulit pa ang nangyaring iyon noong high school pa lamang sila.

Mahaba ang pasensya ni Kuya Yasewah at mabait ito pero kapag nagalit nang sobra at hindi na nakapagtimpi ay makakapatay talaga ito. Hindi naman kami nag-aaway na magkapatid dahil palagi niya akong iniintindi, at suportado siya sa lahat ng gusto ko. Ni minsan ay hindi niya ako nasigawan o magawang mainis at magalit man lang sa akin. Palagi itong nagpapaubaya sa amin ni Jingjing at ramdam ko ang pagmamahal niya sa aming magkapatid.

Isang oras rin ang nakalipas at nagising na sa tabi ko sina Grant at Amir. Pinigilan ko na naman na tingnan ang itsura nila dahil kahit bagong gising sila ay ang gaguwapo pa rin nila. Naalala ko si River na natulog noon sa loob ng kuwarto ko nang malasing siya sa pag-inom ng lambanog ni Itay kasama si Ronnie. Kahit bagong gising ito noon ay ang guwapo pa rin tingnan.

Guwapo at magkakamukha lang rin ang Steffano brothers bukod kay Amir. Para ngang mas kamukha pa nito si Juancho sa ibang anggulo. Eh magpinsan sila kaya natural lang na magkamukha sila. Bukod doon ay may malalaki silang pangangatawan. Halatang palaging nag-wo-work out.

Steffano Brothers' Obsession (Published under PSICOM)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon