Yareli's POV
SINUBUKAN ko ang sariling pakisamahan nang maayos ang magkakapatid na Steffano. Isang linggo na rin ang nakalilipas at mabuti na ang kalagayan ko. Hindi na ako nagreklamo kung kinukulong nila ako sa loob ng kuwarto namin. Hangga't wala silang ginagawang masama ay hinahayaan ko muna ang lahat.
Iniintindi ko ang kondisyon ng magkakapatid. Normal lang naman ang ikinikilos ng mga ito sa ngayon. Mabuti at maayos ang pakikitungo nila sa akin. Hindi na rin naulit pa ang muntikanng gawin sa akin ni Amir. Kapag naaalala ko lang 'yon ay hindi ko maiwasang makaramdam ng konsensiya at hiya nang dahil kay Juancho. Kahit ako ay sobra na ring nalilito sa nararamdaman ko. Pero isa lang ang alam ko, hindi na katulad nang dati ang nararamdaman ko para kay Juancho.
"Let's have a picnic outside?" biglang pag-anyaya ni River habang nagsusuklay ako ng buhok dahil kakatapos ko lang maligo.
"T-Talaga? Papayagan mo akong lumabas dito sa bahay?" gulat kong tanong.
Tumango si River at saka lumapit sa akin at hinalikan ang noo ko. "You've been a good girl since last week and I need to trust you again na hindi mo na kami tatakasan ulit so puwede kang makalabas dito sa bahay pero dapat kasama kami." nakangiti niyang sabi.
Napatango ako at ngumiti. "Maraming salamat, River."
"Anything for you. Let's go? Nasa labas na 'yong apat at tayo na lang ang hinihintay. We already prepared our picnic sa labas." sabi ni River at hinawakan ang kamay ko hanggang sa bumaba na kami ng hagdanan at lumabas ng bahay papunta sa tabing dagat.
Naabutan namin sina Efraim at Irvin na busy sa pag-iihaw ng karne at isda, habang sina Grant at Amir naman ay abala sa paglangoy sa dagat. Parehong walang pang-itaas ang mga ito at tanging beach shorts lang ang suot pang-ibaba. Matipuno ang pangangatawan nila at kahit sino sigurong babae ay gusto silang hangarin dahil kumbaga sa magandang physical appearance ay mayroon na silang dalawa. Pinaupo ako ni River sa isang mat na nakalatag sa buhanginan. May iba't-ibang klaseng mga pagkain at inumin ang nakalatag.
"Gusto naming makabawi sa naging kasalanan ko sa'yo, that's why I prepared this little treats for you." sabi ni River at muling hinawakan ang isang kamay ko.
"Salamat." ani ko.
"Hey, babe!"
Napatingin ako kina Grant at Amir na lumapit sa amin na kakaahon lang mula sa dagat, parehong mga basa ang katawan. Umupo sila sa tabi ko at parehas akong nginitian.
"Do you want to swim?" tanong ni Grant.
Umiling ako. "Okay lang ako dito, at ayoko munang mababad sa tubig ang binti at paa ko." sabi ko.
Tumango si Grant at saka ito kumuha ng ubas na nakalagay sa basket at kinain. Nahiya pa ako nang akmang susubuan niya rin ako ng ubas pero kinain ko na lang ito.
Napangiti si Grant at mabilis akong hinalikan sa pisngi. Nasasanay na ako sa affection na ibinibigay sa akin ng magkakapatid. Iyong bigla na lang silang manghahalik at magsasabi ng kung anu-anong pambobola sa akin, pero sa nagawa ni Amir noon ay hindi pa rin ako kumportable.
Lumingon ako kay Amir at nahuli ko itong nakatitig sa akin. Napangiti siya nang makita niyang tumingin ako sa kanya kaya kaagad akong napayuko sa hiya.
"Sir River!"
Tumingin ako kung kanino nanggaling ang boses na iyon. Nakita ko si Ezekiel na papalapit sa amin habang nakangiti. Tila natahimik at natuod sina Grant at Amir sa tabi ko nang makita nila si Ezekiel.
"E-Ezekiel? Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ni River at sinulyapan ang dalawang kapatid niyang bigla na lang nagbago ang ekspresyon ng mga mukha. Hindi na nakangiti ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Steffano Brothers' Obsession (Published under PSICOM)
General FictionSi Yareli Tamayo ay isang mabait at mapagmahal na dalagang nakatira sa probinsiya ng San Felicidad. Nang makilala niya ang magkakapatid na Steffano na sina River, Efraim, Irvin, Grant, at Amir ay nagkaroon ng malalim na epekto ang mga ito sa kaniyan...
