Chapter 16

56.5K 1.4K 451
                                        

Juancho's POV

"YOU have to be powerful. You have to be richer and smarter. Don't be a cry baby! Kailangan mong maging kagaya ng ama mo dahil ikaw ang magiging Gobernador sa lugar na ito paglaki mo!" my Grandfather said habang pinaghahampas niya ako ng baston na gamit niya.

All I did was cry out of pain. I can't even defend myself because I am only six years old. I am weaker than him.

"Lolo, t-tama na po, please... Masakit na..." I begged because my head was already bleeding.

"Kailangan mong magtandang bata ka. Sinabi ko na sa'yong araw-araw tayong may training at lessons pero ano'ng ginawa mo? Nagkulong ka lang sa loob ng kuwarto mo! Gayahin mo ang kapatid mong si Arthuro. He is always on top in everything, even in his class. Samantalang ikaw? Palaging pangalawa? Steffano ka ba talaga? Bakit mahina at t*nga ka?" My grandfather mocked me again, which wounded my heart and mind.

He is always like this, comparing me to my older brother. Wala akong kwenta para sa kanya. He's torturing and hitting me as a punishment for my absence because he wants me to be more powerful, smarter, and richer when I grow up.

Nagagalit ako sa sarili ko. Nagagalit din ako dahil nabuhay pa si Kuya Arthuro. Why is lolo comparing me to him? Why does lolo love him more than me? Kuya Arthuro has no vision in politics, but lolo still loves him. He can't hurt him, unlike my drastic situation every day.

My Mom and Dad can't do anything about it. Ang masusunod sa pamilya namin ay si lolo. Ano'ng klaseng mga magulang sila? Bakit nila ako hinahayaang saktan at pahirapan ni lolo? Gano'n na ba talaga nila kagusto na ma-train ako balang araw dahil ako ang magiging Gobernador ng San Felicidad?

I am only six years old for sake! Gusto kong makipaglaro sa mga kaibigan kong sina Michael at Zandro. Gusto kong maranasang makapag-aral sa school at hindi itong homeschooled lang ako. Gusto kong makita palagi sa labas ng bukirin namin ang crush kong batang babae na anak ni Mang Emilio. Gusto kong maging malaya at enjoy-in muna ang pagkabata ko pero hindi ko man lang iyon magawa.

I need to endure the pain of my grandfather's torture. Ayaw niyang sinasagot siya at kinokontra. He is the head of our family, kahit sina Mom at Dad ay hindi rin siya malabanan. Nobody loves me in this family. Nobody cares for me. My parents and my siblings have their own lives and I hate them!

When lolo died at my age of 8 dahil sa katandaan na rin nito ay hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan siya na nasa loob ng kabaong at pinaglalamayan namin. Finally at wala na ang taong magpapahirap at mananakit sa akin. I can do what he wants for me by my ways. Magiging makapangyarihan ako balang araw. Like what he is always telling me ay tumatak na iyon sa isipan ko.

I am Steffano, I want to be an Alpha. Ako ang mananakit at mananagasa sa mga taong haharang sa landas ko. I can't believe that I have already a mindset like this in my younger mind. Kasalanan ito ni lolo dahil hinasa niya ang buong pagkatao ko sa ganitong klaseng kaisipan.

"Rest in peace, lolo," I whispered while smirking at my grandfather inside his casket.

***

"JUANCHO. . ."

I controlled my temper when I saw my fucking useless brother walking towards me. Ayoko nang nakikita ko siya dahil naaalala ko lang ang pagkukumpara sa amin ni lolo.

Steffano Brothers' Obsession (Published under PSICOM)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon