Yareli's POV
NANDITO kami ngayon ni baby Hershe at Daddies niya sa Graduation day ni Amir. Proud na proud ako kay Amir dahil nakagraduate na siya ng kolehiyo.
Pagkaakyat ni Amir sa stage para tanggapin ang diploma niya ay kaagad niya kaming tinawag ng mga kapatid niya para mag-picture taking kami. Ramdam ko na habang nasa stage kami ay halos lahat ng tao at estudyanteng grumaduate ay nakatutok sa amin.
Hindi na ako magtataka dahil bukod sa may kasama akong mga naggaguwapuhan at matitipunong lalaki ay kasama pa ako at si baby Hershe. Hindi na lang namin pinansin iyon at pagkatapos magpicture taking ay bumaba na kami mula sa stage at bumalik sa puwesto namin.
Kinarga ni Amir si baby Hershe na pilit inaabot ang suot niyang itim na toga. Binigay naman ito ni Amir. May mga iilang kaklase ni Amir ang bumabati sa kanya at tinatanong kung sino ang batang karga niya, sinasabi ni Amir na anak niya ito kaya nagulat doon ang mga kaklase niya at hindi raw nila akalain na may anak na ito. Napangiti ako dahil itinuturing na talagang anak ni Amir si baby Hershe kahit anak ito ng Kuya River niya.
Isang linggo na ang nakalilipas simula nang umiyak ako dahil sa selos at panlalandi ni Joanna kay River at sa biglaang pagdating ni Juancho sa bahay. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit bigla na lang umalis si Juancho pagkatapos ng isang araw na pagtuloy niya sa bahay.
Ang sinabi lang niya ay may emergency raw na kailangan siyang asikasuhin sa San Felicidad kaya kinailangan niyang umuwi kaagad sa kanila, pero bago iyon ay napansin ko na nakabenda ang kaliwang palapulsuhan niya. Itatanong ko sana kung saan niya nakuha iyon pero kaagad na siyang umalis na nagmamadali kaya hindi na ako nakapagtanong muli.
"Saan tayo kakain pagkatapos nito?" tanong ni Grant nang nakaakbay sa akin.
"Ikaw, sunshine? Saan mo gustong kumain?" nakangiting tanong ni Amir.
"Kahit saan na lang na gusto n'yo." sagot ko.
"Okay, how about in our favorite Italian restaurant?" tanong ni Amir sa mga kapatid niya.
"Sounds great," sabi ni River na ngumiti rin.
"Amir, Congrats!"
Bigla ay may lumapit kay Amir na isang matangkad at morenong lalaki na pamilyar sa akin. Nakipag-apir ito kay Amir at tinapik ang balikat niya.
"Congrats din, p're! Graduate na tayo kahit nag-online class lang ako nang dalawang taon." natatawang sabi ni Amir.
"Namiss ka na nga nung mga chicks mo, e. Sayang at noong second year college lang tayo naging magkaklase," sabi nung lalaki at nang mapatingin siya sa akin ay nanlaki ang mga mata niya.
"Yareli? Ikaw ba 'yan?" gulat niyang tanong.
Nakompirma ko nga. Pamilyar sa akin ang lalaking ito dahil si Enrique ito na isa sa kababata namin ni Ronnie. Noong mag first-year high school kami nila Ronnie ay nabalitaan na lang namin na lumipat na sa Maynila sila Enrique at ang pamilya nito dahil doon na raw siya mag-aaral at maninirahan.
"Enrique," ani ko at nginitian siya.
Ang Steffano brothers naman ay nakatingin sa amin nang may pagtataka, samantalang si Amir ay nakakunot-noo.
"Do you know each other?" tanong ni Amir kay Enrique.
Tumango si Enrique. "Kababata ko si Yareli sa probinsya namin sa San Felicidad. Hindi ko na nga siya nakita nang matagal dahil lumipat na kami dito ng pamilya ko sa Maynila noong mag-13 years old ako. Is she your wife? Anak mo ba 'yang karga mo?" tanong ni Enrique kay Amir.
Tumango si Amir at ngayon ay nawala na ang ngiti. "Yes, Yareli is my wife and these are my brothers," pagpapakilala niya kay Enrique sa mga kapatid niya na hindi man lang nagreact sa sinabi nito.
BINABASA MO ANG
Steffano Brothers' Obsession (Published under PSICOM)
Fiksi UmumSi Yareli Tamayo ay isang mabait at mapagmahal na dalagang nakatira sa probinsiya ng San Felicidad. Nang makilala niya ang magkakapatid na Steffano na sina River, Efraim, Irvin, Grant, at Amir ay nagkaroon ng malalim na epekto ang mga ito sa kaniyan...
