Warning: SPG
Yareli's POV
MAKALIPAS ang dalawang linggo na pagtuloy namin sa San Felicidad matapos ang kasal namin ni River ay bumalik na kami sa bahay namin sa Maynila. Noong araw din ng kasal ko ay may hindi magandang nangyari sa akin na kagagawan ng kababata kong si Jestin.
Matapos ang pangyayaring iyon ay nabalitaan ko na ang hanggang ngayon ay nasa ospital pa rin si Jestin at nagpapagamot ito dahil sa mga natamo niyang sugat at pasa sa katawan na kagagawan ng apat na magkakapatid na Steffano. Sa hindi ko inaasahan ay biglang sumulpot sa bahay namin ang asawa ni Jestin at dala nito ang anak nilang lalaki na isang taong gulang na katulad ni baby Hershe. Humihingi ito ng tawad nang dahil sa ginawa ni Jestin sa akin.
Lumuhod sa harapan ko ang asawa ni Jestin at sinabing huwag ko nang ipakulong ang asawa niya dahil wala na raw bubuhay sa anak nila kapag nangyari iyon. Itinakwil na rin daw si Jestin ng mga magulang nito dahil sa gulo at problemang dinadala nito sa pamilya nila kaya siya na lang at ang kanilang anak ang tanging pamilya ni Jestin.
Nalaman ko rin na kasalukuyang buntis ang babae sa pangalawang anak nila ni Jestin. Bilang may mabuting puso at naaawa ako sa kalagayan nila ay sinabi ko na lang sa Steffano brothers na huwag nang ituloy ang pagpapakulong kay Jestin kapag nakalabas na ito sa ospital. Tutol man ang magkakapatid sa naging desisyon ko ay pikit-mata silang sumang-ayon sa akin at pinagbantaan ang asawa ni Jestin na kapag may ginawa ulit na masama sa akin si Jestin ay hinding-hindi na nila ito palalampasin.
Lubos na nagpasalamat sa akin ang asawa ni Jestin dahil sa desisyon kong huwag na itong ipakulong. Napag-alaman ko rin na menor de edad pa ang babae sa edad na labingpitong taong gulang.
Naaawa ako sa asawa ni Jestin dahil halatang mahal na mahal siya nito at gagawin ang lahat para lang mabuo pa rin silang pamilya. Sana ay mapagtanto ni Jestin na napakabuti ng asawa niya at ang kapakanan pa rin niya ang iniisip nito kahit may nagawa itong kasalanan sa kanila. Sa ginawa ni Jestin sa akin ay hindi ko pa siya mapapatawad sa ngayon lalo na sa ginawa niya kina Ronnie at Mayet. Panahon na lang siguro ang makakapagdesisyon kung patatawarin ko pa ba siya sa kabila nang ginawa niya sa aming mga kaibigan niya.
Nasa mga magulang ngayon ng Steffano brothers si baby Hershe at hiniram muna nila ito sa amin ng tatlong araw. Na-appreciate ko na pansamantala muna silang nagleave sa trabaho nila para lang maalagaan at matutukan ang apo nila. Natutuwa ako dahil lahat ng taong nasa paligid ni baby Hershe ay mahal na mahal siya at pinapahalagahan siya.
Nasa kanya-kanya ring mga trabaho nila sila River, Irvin, at Grant kaya kami lang nina Efraim at Amir ang nandirito sa bahay. Si Amir ay nasa garahe dahil nililinis nito ang sarili niyang kotse na iniregalo sa kanya ni Tito Vince kinabukasan noong grumaduate siya ng kolehiyo.
Volkswagen Arteon R-line ang modelo ng kotseng niregalo ni Tito Vince kay Amir na nagkakahalaga ng ilang milyon. Kahit papaano ay nabawasan ang pagtatampong nararamdaman ni Amir sa magulang niya dahil sa hindi pagdalo ng mga ito sa graduation day niya nang napag-alamang si Tita Diana ang pumili ng kotseng iniregalo sa kanya ng Dad niya. Ngayon lang natuwa si Amir nang gano'n sa mga magulang niya, at nakikita ko na kahit hindi niya tunay na ina si Tita Diana ay napamahal na siya rito.
"Hi. I bought your favorite foods,"
Napatingin ako kay Efraim na pumasok sa loob ng kuwarto namin. May dala itong dalawang paper bags na tatak McDonalds. Alam ni Efraim na paborito ko iyon dahil una ko iyong natikman nang binilhan ako ni River noon.
"Salamat," sabi ko at nginitian siya.
Inilapag ni Efraim ang dalawang paper bags sa lamesa at saka ito lumapit at tumabi sa akin mula sa pagkakasandal ko sa headboard ng kama. Hinalikan niya ako ng mabilis sa labi at isinandal ang ulo niya sa balikat ko.
BINABASA MO ANG
Steffano Brothers' Obsession (Published under PSICOM)
Fiksi UmumSi Yareli Tamayo ay isang mabait at mapagmahal na dalagang nakatira sa probinsiya ng San Felicidad. Nang makilala niya ang magkakapatid na Steffano na sina River, Efraim, Irvin, Grant, at Amir ay nagkaroon ng malalim na epekto ang mga ito sa kaniyan...
