Chapter 37

57.9K 1.1K 569
                                        

Yareli's POV

KINAKABAHAN ako. Sa isang iglap lang ay nandito na ako sa labas ng bahay na una kong kinalakihan at kinagisnan. Tinupad ni Grant ang sinabi niya sa akin na pagkatapos nang dalawang linggo na maganda at maayos kong pakikitungo sa kanilang magkakapatid ay palalayain niya ako at muling ibabalik sa pamilya ko. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa, kahit ang kapalit ay ang pagtraydor niya sa mga kapatid niya, pero baka napagtanto niyang mali ang ginagawa nila sa akin. Kailangan ko rin na bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Ezekiel.

Alam kong nakamasid sa akin si Grant sa paligid habang nasa labas pa rin ako ng bahay namin at kinakabahan sa magiging reaksyon ng pamilya ko sa oras na makita nila ako.

Huminga ako nang malalim at unti-unting humakbang, pero hindi pa ako nakakalapit sa labas ng pintuan ay may nakita akong dalawang taong magkapatong at naghahalikan sa mismong sofa namin. Naaaninag ko sila sa labas ng bintana.

Si Juancho ito at ang dati niyang nobya na si Amanda Montecillo.

Nakita ko ang iilang bote ng alak na nakalagay sa lamesa. Hindi ako makagalaw sa puwesto ko. Dito pa talaga mismo nila gagawin sa loob ng bahay namin?

Sa gitna ng halikan nila ay napatingin sa gawi ko si Juancho. Nang napansin niya ako ay nanlaki ang mga mata niya at kaagad itinulak si Amanda na nakapatong sa kanya. Humahangos siyang lumabas sa loob ng bahay at gulat na mukha niya ang nakikita ko habang sinusuot ang polo shirt niya. Wala namang awat sa pagbuhos ang mga luha ko habang pinagmamasdan siya.

Hindi man sobrang sakit ang nararamdaman ko katulad sa nararamdaman ko sa magkakapatid na Steffano ay hindi ko pa rin maiwasang masaktan dahil pinagtaksilan ako ng nobyo ko.

"Y-Yareli, it's not what you think," Akmang hahawakan na sana ako ni Juancho nang tinabig ko ang kamay niya at umatras.

"Huwag mo 'kong hawakan!" madiin kong sabi, naninikip ang dibdib ko. Para akong kakapusin ng hininga. Matagal na akong hindi inaatake ng hika ko at sana ay hindi ako sumpungin.

Nakita kong nangilid ang mga luha ni Juancho at mukhang nasasaktan siya. Nasasaktan naman siya saan? Dahil nakita ko sila ni Amanda na naghahalikan, at muntik nang may mangyari sa kanila dito sa mismong pamamahay namin at nahuli ko sila?

"Hindi ko alam na pupunta si Amanda dito. I was just drinking, and then suddenly she came here out of nowhere--"

"Ayoko nang marinig ang paliwanag mo. Umalis ka na!" sigaw ko at hindi ko mapigilang humagulgol ng iyak.

Nakalaya na nga ako tapos ganito pang eksena ang madaratnan ko? Kahit wala na akong nararamdamang pagmamahal kay Juancho ay inisip ko pa rin ang nararamdaman niya dahil ang akala ko ay mahal niya ako at nag-aalala siya sa akin, pero mukhang hindi naman dahil dinala pa niya ang dating nobya dito sa bahay at gumagawa sila nang kataksilan.

Nang sandali akong lumingon kay Amanda mula sa bintana ay nginisian niya ako at tinaasan nang kilay. Sinamaan ko siya ng tingin, at kahit gusto ko siyang kaladkarin papalabas ng bahay ay hindi ko magawa dahil ayokong bumaba sa lebel niya.

Muli akong bumaling kay Juancho na tahimik na pa lang umiiyak.

Si Juancho Steffano na alam ng lahat na may matayog na ego at pride ay umiiyak ngayon sa harapan ko? Pero bakit? Siya naman ang nagtaksil sa aming dalawa, ah?

"Yareli, please listen to me. . . walang araw na hindi kita inisip at hinanap. Kasama ko palagi ang kuya mo para hanapin ka sa iba't-ibang parte ng lugar dito sa loob at labas ng San Felicidad. Palagi akong nandito at nagpapakalunod ng alak sa inyo para man lang--"

"Sinabing tama na, e!" sigaw ko sa galit na nararamdaman ko. Ayoko nang marinig ang eksplenasyon ni Juancho dahil kitang-kita ng dalawang mata ko ang kataksilan nila ni Amanda.

Steffano Brothers' Obsession (Published under PSICOM)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon