Chapter 15

59.8K 1.4K 977
                                        

Yareli's POV

NAGISING ako nang nakahiga na sa kama ko. Tumingin ako sa tabi ko at nakita ko si Juancho na nakasandal sa headboard ng kama habang ginagamit ang cellphone ko.

Inilipat ba niya ako ng higaan? Nang tiningnan ko ang sinapin kong higaan kagabi sa lapag ay wala na ito at nakaayos nang tupi sa gilid ng kuwarto. Ang unan naman na ginamit ko ay nandito na sa kama ko. Nang makita ni Juancho na nagising na ako ay ngumiti siya sa akin.

"Good morning, babe." bati niya.

"B-Bakit mo ginagamit ang cellphone ko?" tanong ko at saka bumangon at umupo sa kama.

"Ah, ito ba? I'm using your phone to see if someone is texting you and I'm right. Kailan ka pa nagkaroon ng number ni Grant?" tanong niya. Normal lang ang tono ng boses niya at hindi ko alam kung galit ba siya o hindi.

Nakita pala niya ang mga message sa akin ni Grant. Hindi ko naman ito ma-reply-an dahil hindi ako mahilig mag-load at hindi rin ako sanay na makipag-text. Nag-te-text lang ako kapag may importanteng bagay na sasabihin sa akin o kung emergency man. Isa pa ay may ilang din akong nararamdaman kay Grant.

"Kinuha niya sa 'kin ang number ko para raw may contact kami sa isa't-isa. Hindi ko naman siya ni-re-reply-an dahil wala akong sasabihin." sagot ko.

Tumaas ang kilay ni Juancho at inumpisahan ulit gamitin ang cellphone ko. "I deleted his number. Mas maganda na hindi mo siya kinakausap. He's a chickboy, and all he knew is to f*ck random girls. Baka paglaruan ka lang niya kung magiging malapit ka sa kanya. I'm protecting you because you're my girlfriend." sabi niya matapos gamitin ang cellphone ko at ibinalik ulit ito sa lamesa.

Lumapit siya sa akin at saka ako niyakap. "I'm sorry if I got mad last night. I'm scared of losing you again, that's why I got jealous for no reason. Hindi na mauulit 'yon." sabi niya at marahang hinalikan ang pisngi ko.

Tumango ako. "Naiintindihan ko."

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at nginitian ako. "I'm so lucky that you're in love with me. Ipaglalaban kita sa lahat, Yareli. All you need to do is to be true to me." seryoso niyang sabi. Tumango ulit ako at bumuntonghininga.

"By the way, kailangan ko nang umuwi sa 'min at harapin sina Mom at Dad." sabi niya at kaagad nang tumayo sa kama ko.

"Kumain ka muna rito bago ka umuwi sa inyo." sabi ko at tumayo na rin.

Tumango siya hanggang sa magpunta kami sa kusina. Naabutan namin sina Inay at Kuya Yasewah na umiinom ng kape. Tumayo si Inay mula sa pagkakaupo nito nang makita niya kami ni Juancho.

"Sir Juancho, kumusta ka? Maayos lang ba ang tulog mo kagabi?" tanong ni Inay kay Juancho.

"Maayos po. Salamat po pala sa pagpapatuloy n'yo sa akin dito sa bahay ninyo." sabi ni Juancho at nginitian si Inay.

"Wala iyon, Sir. Bukas ang bahay namin para sa inyong mga Steffano. Uminom muna kayo ni Yareli ng kape at mag-almusal." paanyaya ni Inay at saka pinaupo si Juancho sa maliit naming kainan na gawa lamang sa kahoy ang mga upuan at lamesa.

Nang makaupo na si Juancho ay tumayo na sa pagkakaupo si Kuya Yasewah at kaagad inilagay sa lababo ang mug niyang wala nang laman.

"Aalis na ako, Inay. Kailangan kong maagang pumunta sa mechanic shop dahil maglilinis pa kami nila Dante." pagpapaalam ni kuya kay Inay.

"Mag-iingat ka, anak. Huwag mong kakalimutang kumain ng tanghalian, ha?" nag-aalalang sabi ni Inay.

"Opo. Sige, mauna na ako, Inay." sagot ni Kuya Yasewah.

Tumingin lang si kuya bago tuluyang umalis. Hindi ko alam pero mukhang galit siya sa akin. Simula kasi nang malaman niyang nakipaghiwalay sa akin si Juancho dahil hindi ko maibigay ang pangangailangan nito ay nagalit na rin si kuya sa kanya.

Steffano Brothers' Obsession (Published under PSICOM)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon