Yasewah's POV
PINIGILAN ko ang sarili kong sugurin ang magkakapatid. Sa ibinalita sa amin ni Yareli ay hindi ko 'to lubos na matanggap. Buntis siya at isa sa magkakapatid ang ama ang ipinagbubuntis niya. Sinigurado nila na maaangkin nila si Yareli. Napakawalanghiya nila para buntisin ang kapatid ko sa edad nitong labinwalong taong gulang. Marami pang pangarap si Yareli sa buhay tapos ganito ang gagawin ng mga lalaking iyon? Hindi pa sila nakontento sa pagdukot sa kapatid ko at binuntis pa nila!
Parang nitong mga nakaraan lang, maliit pa si Yareli at ako lang ang tanging lalaki sa buhay niya bukod kay Itay pero ngayon, hindi lang isa kundi lima ang bigla na lang dumating sa buhay niya at aangkinin siya sa puntong kaagad siyang bubuntisin ng mga ito.
"Anak, kailangan siguro nilang malaman ito. Kahit ano pang gawin natin ay isa pa rin sa kanila ang ama nang ipinagbubuntis ni Yareli," maluha-luhang sabi ni Inay na pinapakalma ni Itay na nasa tabi niya.
Napasabunot ako sa buhok dahil sa matinding galit at inis na nararamdaman ko. Kailangan kong magpigil dahil mamaya ay sasabog na talaga ako.
"Mahal mo ba sila, Yareli?" mahinahon kong tanong kay Yareli na umiiyak na rin.
Tumango siya nang walang pag-aalinlangan. "Mahal ko sila, Kuya Yasewah pero hindi ko pa kayang aminin 'yon sa kanila. Sa sakit ng idinulot nila sa akin ay hindi ko pa sila kayang patawarin."
Naikuyom ko ang mga kamao ko. Nalaman ko lang kay Yareli na may sakit sa pag-iisip ang magkakapatid na iyon. Kaya pala walang pag-aalinlangan nilang dinukot si Yareli at dinala sa malayong lugar para lang makuha at buntisin. Talagang mga baliw sila at nagtagumpay sa binabalak nila. Nabuntis ng isa sa kanila ang kapatid ko.
"Ginusto mo ba 'yong nangyari sa inyo?" seryoso kong tanong kay Yareli.
"Oo, kuya dahil mahal ko sila at nadala rin ako sa bugso ng damdamin. At kahit na nahirapan ako sa sinapit ko sa kanila ay hindi ako nagsisisi na ibigay ang sarili ko sa mga taong mahal ko," sabi niya kasabay ng pagpunas ng mga luha sa pisngi.
Huminga ako nang malalim. Kahit minsan ay hindi ko naisip na magkakagusto ang kapatid ko sa limang lalaki. Ang akala ko ay si Juancho na ang para sa kanya pero hindi pala. Nawala na ang pagmamahal ni Yareli kay Juancho dahil napunta ito sa limang magkakapatid, sa Steffano brothers.
Pagkatapos kong makausap si Yareli at ang mga magulang namin ay pinuntahan ko si Juancho sa apartment na nirerentahan niya malapit sa amin. Ngayon ko lang nalaman na hindi siya tunay na anak nina Governor Vicente at Madame Josefina dahil ang totoo niyang ama ay ang ama ng magkakapatid, at kakambal niya si Amir.
Sinet-up ni Grant si Juancho sa nakita noon ni Yareli para makitang nagtataksil siya at masira ang relasyon nilang dalawa ng kapatid ko. Kakaiba rin ang Grant na iyon. Inamin iyon sa kanya ni Grant kaya labis ang galit niya sa mga kapatid niya pati na rin sa ginawa nilang pagbuntis kay Yareli.
"Wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon, Yasewah! Karma ko na siguro 'to dahil pinagtabuyan at sinaktan ko si Yareli noon. Kung pinahalagahan ko lang siya, ako pa rin sana ang mahal niya, pero hindi dahil inagaw ng sarili kong mga kapatid ang atensyon at pagmamahal niya tapos magkakaanak pa sila. Sino kaya sa apat na 'yon ang ama? Sh*t!" Lasing na lasing na si Juancho habang naglalabas ng sama ng loob sa akin.
Nakikita kong totoong mahal niya si Yareli at nasasaktan siya dahil alam niyang hanggang dito na lang ang papel niya sa buhay ni Yareli.
"May mga bagay talaga na mangyayari na hindi natin inaasahan, at palagi ring nasa huli ang pagsisisi." sabi ko at tinungga ang isang bote ng beer sa lamesa na hindi pa naiinom ni Juancho.
"Isang bagsakan lang ang ginawa sa 'kin, Yasewah. Mga kapatid ko ang mga lintik na 'yon, lalo na si Amir na kakambal ko pala? Hindi nga kami magkasundo simula pagkabata namin tapos biglang malalaman ko na fraternal twins ko pala siya? Our situation is very funny, right? I will wait for the next joke!" tumatawa niyang sabi na halos mapasubsob na sa lamesa dahil sa matinding kalasingan.
BINABASA MO ANG
Steffano Brothers' Obsession (Published under PSICOM)
Ficción GeneralSi Yareli Tamayo ay isang mabait at mapagmahal na dalagang nakatira sa probinsiya ng San Felicidad. Nang makilala niya ang magkakapatid na Steffano na sina River, Efraim, Irvin, Grant, at Amir ay nagkaroon ng malalim na epekto ang mga ito sa kaniyan...
