Chapter 35

62.9K 999 372
                                        

Ronnie vs. Jestin

Third Person's POV

AYAW mang sumama ni Ronnie sa paligang gaganapin ngayon sa plaza sa bayan ng San Felicidad ay kinailangan niyang sumali dahil sa laki ng cash prize na makukuha nila ng mga kagrupo niya sa basketball kung sakaling manalo sila laban sa kabilang grupo ng San Andres. Gusto niyang tuluyang iwasan si Jestin dahil sa nakaraang engkuwentro nila. Tinapos na nito ang pagkakaibigan nila dahil sa inggit at selos nito sa kanya, ngunit wala siyang magawa dahil kagrupo niya ito sa basketball kasama si Lorenzo at ang anim pa nilang mga kamiyembro.

Mas pipiliin na lang niyang ilaan ang oras sa paghahanap kay Yareli, pero dahil kailangan ni Lorenzo ng pera para sa pambili ng gatas at maintenance ng ina nitong may sakit na high blood kahit papaano'y gusto niyang makatulong sa _tunay_ niyang kaibigan. May pag-asa rin na makabili siya muli ng bagong cellphone na magagamit niya sa pag-vi-video call sa panganay niyang kapatid na nasa Middle East.

Nagkita-kita sila Ronnie, Jestin, Lorenzo at ang anim pa nilang kamiyembro sa basketball sa plaza. Mga kapwa nakasuot ng jersey basketball uniform na nagrerepresinta sa kanilang probinsya na San Felicidad. Maraming tao sa basketball court, at ang karamihan dito ay mga kababaihan na halos kaedaran nila.

Sa kanilang basketball group na San Felicidad Phoenix team ay kapansin-pansin ang porma ni Jestin. Nakasuot ito ng telang headband na kulay asul sa buhok nito at may wrist band na suot na kulay pula katerno ng suot nilang jersey shirts. Bago ang sapatos ni Jestin na tatak Nike, at may suot na itim na t-shirt mula sa ibabaw ng jersey shirt nito.

Hindi katulad ni Ronnie ay maporma si Jestin. Guwapo ang binata sa morenong balat ngunit mas pumuputi na ang balat nito kumpara noong high school pa lang sila. May matangos na ilong si Jestin, medyo malaking pangangatawan, at matangkad din ito. Lapitin naman ito ng mga babae at marami ring nagkakagusto rito pero hindi alam ni Ronnie kung ano pa ba ang kinaiinggit nito sa kanya.

Si Jestin ay tuwang-tuwa sa atensyon na nakukuha niya mula sa mga taong manonood ng laro nila sa kabilang grupo ng San Andres. Tinodo niya ang pagporma sa sarili para matabunan ng atensyon si Ronnie. Labis ang insecurities niya sa binata at hindi siya makapapayag na mapansin ito ng mga tao dahil sa guwapo at mas attractive nitong itsura kumpara sa kanya. Maraming babae ang napapatingin sa direksyon ni Jestin na ikinatutuwa niya.

Ang sayang nararamdaman niya sa atensyon na nakukuha ay kaagad ring nawala nang mahagip niya ng tingin ang grupo ng mga kababaihan na taga San Felicidad na may hawak na banner, at may nakasulat dito na "Go baby Ronnie! We love you!" Ilang beses pa nilang sinisigaw ang pangalan ni Ronnie upang suportahan at i-cheer ito.

Kaagad nag-init ang ulo ni Jestin at sinulyapan si Ronnie na kasama ni Lorenzo sa bench na nag-uusap at nagtatawanan. Itinuro ni Lorenzo ang grupo ng kababaihan kay Ronnie na nag-che-cheer para rito. Napangiti si Ronnie at umiling.

Hindi makapaniwala si Jestin na kahit nakasuot nang simpleng jersey uniform shirt at itim na rubber shoes si Ronnie ay napansin pa rin ito ng mga babae, samantalang siya na tinodo na ang pagporma sa liga, ni isa ay wala siyang makitang grupo ng kababaihan sa basketball court para lang i-cheer din siya.

"Chick magnet talaga 'yang si Ronnie, no, tol?" pag-imik ni Fidel na isa sa mga kamiyembro nila sa basketball kay Omar na kamiyembro rin nila.

"Oo nga, tol. Nadaan sa gandang lalaki, e. Si Jestin ang todo outfit ngayon pero si Ronnie pa rin ang napansin ng mga babae!" tukso ni Omar kay Jestin na sinamaan siya ng tingin.

"Wala ka bang magandang sasabihin, Omar? 'Wag mo nga akong ikumpara sa baduy at walang fashion sense na lalaki!" singhal ni Jestin at padabog na kinuha ang bottled water sa loob ng dalang bag at ininom ito.

Steffano Brothers' Obsession (Published under PSICOM)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon