Epilogue

83.9K 1.6K 790
                                        

Yareli's POV

After 2 years...

"CAN I sit here?"

Tumingin ako sa biglang umupo sa bakanteng table sa harapan kung saan ako nakaupo. Si Craig Villaforta ito, ang kaklase ko sa iilang major subjects namin at ang Campus Heartthrob na kinahuhumalingan at kinababaliwan ng mga babaeng estudyante sa university namin.

Tumango ako sa sinabi ni Craig dahil paano pa ako makakatanggi sa kanya e, umupo na siya?

Nag-aaral ako sa St. Joseph University sa Ermita, Manila at muli kong ipinagpatuloy ang kurso kong Bachelor of Secondary Education. Matapos kong manganak sa anak kong lalaki na si baby Hezekiah na anak namin ni Efraim at maikasal kay Efraim dalawang taon na ang lumipas ay pinagpatuloy ko na ang pag-aaral ko.

Alam na siguro ng mga estudyante dito na may asawa't anak na ako. Hatid sundo ba naman ako parati ni River bago siya pumasok at umuwi mula sa trabaho niya at dahil kapansin-pansin ang mamahalin niyang kotse ay palagi kaming nakaw atensyon sa labas ng Campus sa tuwing nakikita kami. Kung minsan pa kapag off nito mula sa trabaho ay sinasama niya sina baby Hezi at Hershe sa paghahatid-sundo sa akin.

Dahil major sa university namin ang Education ay mas nagtutuon sila ng pansin sa pag-aaral para lang makagraduate na. 3rd year college na rin ako at kaunting push nalang ay makakagraduate na ako sa kolehiyo.

Mabuti at pinayagan akong makapag-aral ng magkakapatid pagkatapos kong ipanganak si baby Hezi. Gusto nila akong makapagtapos dahil pangarap ko na noon pa na maging isang guro sa pampublikong paaralan. Sinusuportahan nila ako sa pag-aaral ko kaya ngayon ay nagsusumikap ako para makapagtapos.

Sina Manang Lorna at Manang Ida ngayon ang abala sa pag-aalaga kina baby Hezi at Hershe sa tuwing pumapasok ako, at abala naman sa pagtatrabaho ang Steffano brothers. Sa tuwing wala kaming pasok ay hindi nawawala ang parents duty namin sa mga anak namin at kung minsan ay lumalabas kami para makapagbonding bilang isang pamilya.

Pinagpatuloy ko ang pagkain ko habang ramdam kong nakatingin lang sa akin si Craig. Nang tumingin ako sa kanya ay ngumiti lang siya at inumpisahan nang galawin ang pagkain niyang burger na nasa tray.

Hindi ko maiwasang mailang dahil ang mga mata ng iilang estudyante na nandito sa Cafeteria ay nakatutok sa amin ni Craig. Sa araw-araw, ang daily routine ng lalaking ito ay guluhin ang araw ko.

Hindi yata siya makaramdam na naiinis na ako sa kanya. Kung minsan ay nagtatanong ito patungkol sa buhay ko at sa asawa kong si River. Dahil hindi naman ako rude na tao ay sinasagot ko paminsan-minsan ang mga tanong niya pero kapag personal na ay hindi ko na ito sinasagot. Alam niyang may asawa't anak na ako.

"Susunduin ka ba mamaya ng asawa mo?" tanong ni Craig habang kumakain siya.

Tumaas ang isang kilay ko sa tanong niya. "Oo. Bakit?"

"Ihahatid na lang sana kita sa inyo if he can't fetch you," sagot niya at nginitian ako.

Guwapo si Craig lalo na kapag ngumingiti. Chinito, maputi, at matangkad. Mas bata ito sa akin ng tatlong taon pero dahil baby face raw ako ay parang magkasing-edad lang kami.

Mabait ito at friendly pero hindi ko alam kung bakit araw-araw niya akong kinukulit at sinasamahan kahit saan ako magpunta, samantalang ang daming estudyanteng babae na magaganda at single na gustong magpapansin sa kanya at maging girlfriend lang niya.

"Susunduin ako ng asawa ko," sagot ko at binilisan na ang pagkain ko.

Hindi naman sa rude ako pero hindi talaga maganda na ginagawa ito ni Craig lalo na't pamilyadong tao ako. Hindi rin ako ignorante at alam ko na ang pakay niya sa akin.

Steffano Brothers' Obsession (Published under PSICOM)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon