Chapter 21

60.8K 1.4K 473
                                        

Yareli'S POV

ALAS-DOSE na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Simula nang lumabas kanina sa loob ng kuwarto sina Grant at Amir ay hindi pa rin sila bumabalik hanggang ngayon. Mas mabuti na iyon dahil ayoko munang makita sila. Pinipilit kong magpakatatag para sa pamilya ko. Hindi puwedeng magpakita ako nang kahinaan sa sitwasyon ko dahil baka aakalain ng Steffano brothers na hindi ko sila kayang kalabanin.

Sana matigil na ang kahibangan nila sa akin dahil may nobyo na ako at pinsan pa nila. Ayoko rin maramdaman pa itong kakaibang nararamdaman ko para sa kanila kaya hangga't maaga pa ay kalilimutan at pipigilan ko na ito.

Bigla ay bumukas ang pintuan ng kuwarto kung nasaan ako at pumasok si River na may nakasabit na itim na bag sa kanyang balikat. Nakasuot siya ng grey v-neck shirt at pantalon habang magulo ang buhok.

Nang makita niya ako ay ngumiti siya at saka lumapit sa akin. Akmang hahalikan na sana niya ako sa pisngi nang umiwas ako. Nawala ang ngiti niya at napayuko na lang.

Totoo ba ang sinabi ni Grant na si River ang pinakadelikado sa kanilang magkakapatid? Na kapag sinuway ko ito ay puwede niya akong patayin kaagad? Pero bakit hindi ko makita iyon sa pagkatao ni River? Bakit siya pa ang mas nakakaintindi at humihingi nang tawad sa akin dahil sa mga nagawa nilang mali? Niloloko lang ba ako ni Grant nang sabihin niya sa akin iyon para katakutan ko si River?

"Sorry. . ." mahinang sambit ni River at saka muling bumaling sa akin at ngumiti ulit.

Inilapag niya ang dalang itim na bag sa lamesa na tinumba kanina ni Amir at may kinuha rito. May inilabas siyang paper bag at mga nakabalot na pagkain sa isang fast food restaurant.

"I bought these for you bago ako umuwi dito. Kumain ka na ba? You need to eat." aniya habang inilalabas sa plastic ang mga pagkaing binili niya.

Hindi ko siya pinansin at tahimik lang akong umupo sa gilid ng kama.

"Oh, I bought personal hygiene for you, too. Nagtanong na lang ako sa sales lady kung ano ba ang ginagamit ninyong mga babae. Nakalagay d'yan sa paper bag." saad ni River at itinuro ang paper bag na nasa lamesa.

"Hanggang kailan n'yo ba 'ko balak itago, River? Sa tingin n'yo ba ay panghabambuhay n'yo akong makukulong sa isla na 'to at itatago sa pamilya ko?" hindi ko mapigilang sabi.

Doon ay natigilan siya at bumuntonghininga. "We are all in love with you, Yareli. Kahit kami ng mga kapatid ko ay hindi namin alam kung bakit nagkakaganito kami nang dahil sa'yo. Ang gusto lang naman namin ay mahalin mo kami--"

"Pero kailangan ba talagang humantong tayo sa ganito? Hindi n'yo ba naiisip na masasaktan ako nang dahil sa ginagawa ninyo?" pagsabat ko.

Pumikit si River at humawak sa batok niya. Para siyang may malalim na iniisip pero hindi niya masabi.

"Someday, you will understand why we were doing this." sabi niya makalipas nang ilang minuto.

"Ewan ko. Hindi ko na talaga alam," pagsuko ko dahil kahit ilang beses pa akong magmakaawa sa kanila na palayain na ako at ibalik sa pamilya ko sa San Felicidad ay hindi nila iyon gagawin.

Binuksan ni River ang brown na cabinet sa kuwarto at may kinuha ito. May inilabas siyang gitara at saka ito lumapit sa akin at tumabi.

"Ganito na lang, kakantahan kita para kahit papaano ay hindi ka malungkot. Is it okay with you?" nakangiti niyang sabi.

Hindi ko alam pero kaagad akong napatango dahil sa ngiti niya. Kung hindi lang siya kidnapper at kasabwat ng mga kapatid niya para dukutin ako, malamang iisipin ko na normal lang ang tumatakbo sa isip niya.

Steffano Brothers' Obsession (Published under PSICOM)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon