River's POV
NAGMAMANEHO ako papuntang San Felicidad kasama ang mga kapatid kong sila Efraim, Irvin, Grant, at ang bunsong si Amir. We need to go in San Felicidad sa utos ni Dad para dumalo sa fiesta na ginaganap roon. My Dad's brother Vicente Steffano is a Governor in that province. Ayaw man naming magpunta ay napilit pa rin kami ni Dad dahil hindi siya makaka-attend sa fiesta ng San Felicidad. He has a lot of business trips lately kasama si Mom kaya wala na kaming nagawa kundi ang sundin ang pabor nila.
Ang pinsan naming si Juancho ang susundo sa amin pero ang kumag ay hindi namin macontact. Mabuti na lang at kahit papaano ay alam ko ang daan papunta sa mansyon nila dahil nakapunta na kami ni Mom ng isang beses sa San Felicidad a year ago.
Dahil mahina ang signal sa probinsya na ito ay gusto ko na lang matawa kung gaano kalukot ang mukha ni Amir na mukhang busy sa paglalaro ng online games sa phone niya.
"What kind of place is this? I've already lost my game because of the stupid signal here. Damn!" he cursed na ikinatawa ng katabi niya sa backseat na si Irvin.
"Please be a nice human being for only one day, bro. We're doing this for our devoted parents at miss na miss na raw tayo nina Tito Vicente at Tita Josefina kaya gusto nila tayong makita," pang-aasar ni Irvin na mas lalo pang ikinalukot ng mukha ni Amir.
"Hindi na tayo mga bata para ma-miss nila. I'm already 18 while you're already 21. Everything's changed at naiinis lang ako kapag nakikita ko ang pagmumukha ng mayabang na Juancho na 'yon!" Amir rolled his eyes and crossed his arms.
Ka-close naming magkakapatid si Juancho puwera nga lang kay Amir. Dahil na rin siguro sa magkaedad lang sila at magkasalungat ang gusto nila sa isa't-isa ay may hindi sila pagkakaunawaan. Kapag pumupunta sila Juancho, ang mga kapatid niyang sina Vivienne at Arthuro, at sina Tito Vicente at Tita Josefina sa Maynila para dalawin sina Mom at Dad sa bahay namin ay aalis o hindi kaya ay magkukulong sa loob ng kwarto si Amir para lang iwasan si Juancho.
Lumakas ang tawa nina Irvin at Grant sa reklamo ni Amir tungkol kay Juancho. "Pinsan mo pa rin 'yon kaya dapat maging mabait ka sa kanya." sabi ni Grant na pigil ang pagtawa.
"Fuck you, Grant!" galit nang sabi ni Amir at walang ibang nagawa sina Grant at Irvin kundi manahimik na lang but they are still laughing silently.
Napailing ako at tiningnan ang katabi ko sa front seat na si Efraim. As usual, he's still sleeping. Palagi namang inaantok ang gagong 'to at dahil summer ngayon ay wala na siyang ibang ginawa sa bahay kundi ang matulog.
Nang nasa kalagitnaan na kami ng daan sa San Felicidad ay biglang huminto ang minamaneho kong kotse. Nang inistart ko ulit ang engine ay ayaw nang umandar nito. I frustratedly comb my hair dahil mukhang nasiraan pa kami.
"Anyare, bro?" tanong ni Grant na busy sa paggamit ng phone niya.
"Nasiraan yata tayo ng kotse. Kailangan natin ng mekaniko para maayos 'to," I sighed.
"Ang hina na nga ng signal dito tapos ang malas pa natin. Nagsisisi talaga akong sumama sa inyo papunta sa probinsya na 'to!" sabi ni Amir na naiinis at napalakas ang boses kaya nagising sa pagkakatulog si Efraim dahil sa ingay niya.
"What's with your rant, Amir? Can you please just be quiet for a while?! You're such an annoying brat." seryosong banta ni Efraim na ikinatahimik ni Amir.
Sa aming magkakapatid ay si Efraim ang pinakaseryoso at pinakatahimik. Nakakatakot nga lang ito kapag nagalit kaya iniiwasan iyon nila Amir, Grant at Irvin.
Dahil ayaw pa ring umandar ng kotse ko ay lumabas na kaming magkakapatid sa loob ng kotse at magbabakasaling makahanap ng mechanic shop para ipaayos ang kotse.
BINABASA MO ANG
Steffano Brothers' Obsession (Published under PSICOM)
Fiction généraleSi Yareli Tamayo ay isang mabait at mapagmahal na dalagang nakatira sa probinsiya ng San Felicidad. Nang makilala niya ang magkakapatid na Steffano na sina River, Efraim, Irvin, Grant, at Amir ay nagkaroon ng malalim na epekto ang mga ito sa kaniyan...
