Irvin's POV
NANG magpunta ako sa garden para mag-vape ay nadatnan ko si Juancho na umiinom ng beer sa lamesa. Madaling araw na pero hindi pa pala siya natutulog.
Nilapitan ko siya.
"Ikaw pala," sabi niya nang mapansin ako.
"Can't sleep?" tanong ko at inumpisahan nang gamitin ang vape ko.
"Yeah," he answered.
"You still love her," I said.
He chuckled. "Remember? Inagaw n'yo lang si Yareli sa 'kin dahil ako naman talaga ang unang minahal niya. Kung hindi niya kayo nakilala, ako ang nakatuluyan niya at kami ang nagkaroon ng anak. Bakit niya pa kasi kayo nakilala, ha?! She fell out of love for me, and it still hurts!" he blurted out due to drinking too much.
I feel bad for him. But Yareli still chose us over Juancho, and she didn't love him anymore because her love and attention shifted to us five siblings. We love her too, so we can't do anything about it. Maybe this is our fate because even if Yareli loved Juancho, we wouldn't let go of her, and we would make sure she loves us.
"We love her too much, just like you, and we can't let her go," I bluntly said.
Nagulat ako nang bigla akong kuwelyuhan ni Juancho habang masama ang tingin sa akin at nakatiim-bagang. Parang anytime ay bubugahan niya ako ng apoy sa galit na ekspresyon ng mukha niya.
"Napakagaling n'yo talagang mang-agaw! Kayo na ang masaya samantalang ako ang naghihirap at nagdurusa dahil nawala sa akin si Yareli! Pinilit ko namang tanggapin ang lahat para lang maging masaya siya, but can you blame me for being bitter kapag nakikita ko na masaya siya sa inyo?" he laughed sarcastically at itinulak ako na muntik kong ikinatumba.
I glared at him. "And what will you do? Aagawin mo siya sa 'min kahit alam mong kami na ang mahal niya? Juancho, it's her choice kaya kami ang pinili niya, and we're changing ourselves for her because we want to be better men for her and for River's daughter, Hershe," I said.
Doon siya natahimik at ilang beses ginulo ang buhok. He looks very frustrated and irritated.
"Mag-move-on ka na kasi. It's been two years already. Marami naman sigurong babae diyan na single at hindi pamilyado," naaasar kong sabi.
Bakit ba hindi na lang siya mag-move-on kay Yareli? May anak na kami at balak namin siyang pakasalan. He doesn't have a chance with Yareli anymore because he wasted it the moment he hurt her.
"Kung gano'n lang sana kadali 'yon. But she can't get out of my mind dahil katulad n'yo, siya lang ang babaeng minahal ko nang ganito," mahina niyang sabi at muling tumungga ng iniinom niyang beer na nasa lamesa.
"Magkakapatid talaga tayo. Pati sa isang babae, pareho tayo ng type," sabi ko at umiling.
Hindi na sumagot si Juancho kaya iniwan ko na siya at nagpunta na lang sa ibang parte ng bahay para mag-vape. I still don't have any idea kung bakit gusto niyang magbakasyon dito sa bahay nang ilang linggo. Sinabi niya noon na tanggap na niya ang relasyon namin ni Yareli, but right now he's acting this way at inamin nga niyang hindi pa rin siya nakaka-move-on kay Yareli. Geez! This is such a complicated thing to think.
Juancho's POV
BUMALIK na ako sa kuwartong tinutuluyan ko pansamantala and I cried. Minsan lang ako umiyak, dahil sa isang babae pa. D*mn! Kahit ano'ng gawin kong paglimot at pagtanggap ng lahat ay baliwala lang dahil mahal ko pa rin si Yareli. Sinubukan ko namang makipagdate sa ibang babae at humanap ng kagaya niya, pero sa huli ay bigo ako dahil hindi siya mapantayan nang kahit sinong babaeng makikita ko sa paligid.
BINABASA MO ANG
Steffano Brothers' Obsession (Published under PSICOM)
Ficción GeneralSi Yareli Tamayo ay isang mabait at mapagmahal na dalagang nakatira sa probinsiya ng San Felicidad. Nang makilala niya ang magkakapatid na Steffano na sina River, Efraim, Irvin, Grant, at Amir ay nagkaroon ng malalim na epekto ang mga ito sa kaniyan...
