Yareli's POV
"WHY do you need to work here in this cheap Cafe Shop? I can give you some money basta't 'wag ka lang magtrabaho dito!" nakasimangot na reklamo ni Juancho nang makarating kami sa Cafe shop na pinagtatrabahuhan ko.
Ang mga staff at empleyado sa Cafe shop ay nakatingin lahat sa amin kasama na doon si Mayet na tila hindi makapaniwala na kasama ko si Juancho at nagkabalikan na kami. Alam lahat ng mga tao sa San Felicidad na ikakasal na dapat si Juancho sa anak ni Congressman Montecillo kaya hindi ko sila masisisi kung bakit gulat na gulat sila na kasama ko ito.
"Kailangan kong magtrabaho, Juancho. Hindi ako puwedeng umasa sa'yo at gusto kong kumita ng pera na pinagpaguran ko." sabi ko.
Umikot ang mga mata niya. "I know there's a lot of guys here at ayokong makikita ka nila dito. You know that I'm a jealous guy, babe at gusto ko na sa akin lang 'yang atensyon mo," mariin niyang sabi na ikinagulat nila Mayet.
Kilala si Juancho bilang playboy sa San Felicidad at wala sa bokabularyo nito ang magselos at magseryoso sa isang relasyon. At ngayong alam kong mahal niya ako ay nakikita ko na ang mga pagbabago sa kanya lalo na nung sa hindi ko inaasahan na dumating na ulit sa San Felicidad ang Steffano brothers. Sabi ko na nga ba at hindi na matatahimik ang buhay ko hangga't nandito sila. Nandito ulit 'yong pakiramdam ko na sa isang iglap lang ay may hindi magandang mangyayari.
"H-Hindi ko naman sila papansinin, e. Trabaho lang ang habol ko dito kaya 'wag ka nang mag-alala." sabi ko at nginitian siya.
Napabuntonghininga si Juancho at biglang bumaling kila Mayet, sa mga staff, at empleyado ng Cafe shop.
"Hoy kayo! If one of you flirted with Yareli lalo na kayong mga lalaki kayo ay hindi ninyo magugustohan ang gagawin ko. At kung may customer man na lumandi sa kanya ay iiwas n'yo siya sa kanila. Maliwanag ba?" sabi nito habang nakatingin kila Mayet nang masama lalo na kay Rico na mukhang natatakot kay Juancho.
Sa mga empleyado dito sa Cafe shop ay si Rico ang may itsura at pansinin ng babae kaya naiintindihan ko kung bakit parang hindi ito gusto ni Juancho.
"Yes, Sir Juancho." sabay-sabay nilang sabi.
Bumaling ulit sa akin si Juancho at saka hinapit ang baywang ko at hinalikan ang labi ko. Tila nahiya ako sa ginawa niya dahil nakita pa kami ng mga katrabaho ko. "I will fetch you later. Just behave, okay?"
Tumango ako. Ilang saglit pa ay sumakay na si Juancho sa loob ng kotse niya hanggang sa pinaandar na niya ito at nakaalis na. Kaagad akong nilapitan ni Mayet at ng mga katrabaho namin.
"Girl, ano 'yon? Hindi siya tumuloy sa kasal nila ng girlfriend niya? At kayo na ulit?" gulat na tanong ni Mayet.
Tumango ako. "Nakipagbalikan siya sa 'kin." sabi ko.
Napailing si Archie na isa rin sa mga katrabaho namin. "Kung sa bagay, ang mga katulad mo ang dapat sineseryoso."
"At mas pinili ka niya kaysa kay Amanda Montecillo na galing sa mayamang pamilya. Ikaw na ang may mahabang buhok! Si Juancho Steffano 'yan, kinababaliwan ng mga babae dito sa San Felicidad." sabi ni Nikki na kinikilig pa.
"Crush ko pa naman si Juancho kaso okay lang rin kung ikaw na ang girlfriend niya, at least hindi siya napunta kay Amanda. Ang akala niya ay kung sino siyang maganda!" sabi naman ni Jennylyn at humalukipkip.
Hindi ko magawang umimik dahil hindi ko na rin alam ang nangyayari sa akin. Dapat ay maging masaya ako kay Juancho dahil mahal niya ako at seryoso na siya sa akin pero. . . bakit ganito?
"Okay ka lang, Yareli?" bulong ni Mayet nang makita niyang natahimik ako.
Ngumiti ako nang pilit. "Ayos lang ako. Mag-umpisa na tayo sa trabaho natin." sabi ko at nauna nang umalis para pumunta sa storage room. Sinundan ako ni Mayet at kinuha na namin doon ang mga panlinis sa Cafe shop.
BINABASA MO ANG
Steffano Brothers' Obsession (Published under PSICOM)
General FictionSi Yareli Tamayo ay isang mabait at mapagmahal na dalagang nakatira sa probinsiya ng San Felicidad. Nang makilala niya ang magkakapatid na Steffano na sina River, Efraim, Irvin, Grant, at Amir ay nagkaroon ng malalim na epekto ang mga ito sa kaniyan...
