Chapter 6

66.5K 2K 821
                                        

Amir's POV

KUNG puwede ko lang kaladkarin palabas ang girlfriend ni Juancho ay kanina ko pa ginawa. Napakaarte at ang akala niya ay mansyon rin niya itong mansyon nila Juancho. Ano bang nagustuhan ni Juancho sa babaeng 'yon? Maganda nga at kasing yaman lang ng pamilya nila, pero pagdating sa ugali at asal ay patapon naman. Kung sa bagay, bagay sila ni Juancho dahil pareho lang sila.

Yareli is still better than her. Hindi lang maganda si Yareli kundi sobrang bait pa at maaalalahanin sa lahat. Shit! I'm thinking of her again. Simula talaga nang makilala ko siya ay hindi ko na siya maialis sa isip ko.

"Why you gave me a powdered orange juice? I want a real orange juice and not a factory made!" reklamo ni Amanda sa katulong na napahiya sa sinabi niya.

"S-Sorry po, Ma'am. Hindi ko naman kasi alam na-"

Nagulat kami ng katabi kong si Grant nang biglang itinapon ni Amanda ang juice sa uniform ng katulong. Napaiyak ang katulong sa ginawa niya at napayuko ito.

"Binabayaran ka dito para ayusin mo 'yang trabaho mo! You know me, right? I'm Amanda Montecillo and I'm the daughter of Raul Montecillo, the Congressman here in San Felicidad. I'm also a girlfriend of Juancho na amo mo sa mansyon na 'to kaya kapag nandito ako ay ayoko ng palpak magtrabaho at tatanga-tanga!" sabi ni Amanda at dinuro nito sa noo ang katulong na walang ibang nagawa kundi ang umiyak.

Grant shook his head while we were still looking at them. "What a trash woman that Juancho have." he said.

"I know." sagot ko.

"What's happening here?"

Doon lang lumabas sa mansyon ang magaling na si Juancho at lumapit sa pool area kung saan ay pinapagalitan pa rin ni Amanda ang katulong.

"Eh kasi 'tong maid niyo, nagpagawa ako sa kanya ng orange juice tapos ang ibibigay niya sa akin 'yong powdered na tinitimpla? I'm not drinking that kind of chemical based drinks and you know that, babe!" Amanda said habang nakatitig ng masama sa katulong.

Napahilot si Juancho sa sintido. He looks so annoyed to his girlfriend. "You can leave us, Raquel." sabi niya sa katulong.

Kaagad umalis ang katulong na umiiyak pa rin at nanginginig sa takot.

"You shouldn't do that, Amanda. Hindi naman niya alam na-"

"So, ako pa ang mali? Akala mo ba hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa mo sa 'king pag-iwan sa mall kahapon? Kinailangan ko pang pakisamahan 'yang mga hambog mong pinsan para lang makauwi ako sa mansyon namin! How dare you to left me and dragged that poor girl with you?" Amanda said sarcastically.

Kumunot ang noo ko. Sino ang babaeng tinutukoy ni Amanda na hinila ni Juancho papaalis ng mall kaya siya naiwan doon kasama sila Irvin at River na kasama nilang umalis kahapon?

Juancho didn't answer her na mas lalo pang ikinagalit ni Amanda.

"Tell me, Juancho, you like that girl? Siya ba 'yong babaeng nabalitaan ko na naging girlfriend mo bago mo pa ako naging girlfriend? Answer me!" Amanda hissed.

"We don't need to talk about her. She's nothing to me." sagot ni Juancho na pilit iniiwas ang tingin kay Amanda.

"Oh, really? Should I believe you? I can see that you're still interested with that girl. Is that so? Then don't talk to me anymore at sasabihin ko kay Daddy na 'wag nang i-endorse si Tito Vicente sa next project niya sa San Mariano!" Amanda said at naglakad na papaalis.

"Amanda!" Juancho called her a few times pero hindi na siya pinakinggan ni Amanda hanggang sa makalabas na ito ng mansyon.

Nasipa na lang ni Juancho ang malaking bato na nakalagay sa gilid ng halaman at inis na ginulo ang buhok niya. Lumapit naman si Grant sa kanya at ako ay kaagad umalis sa puwesto ko. Pumasok ako sa loob ng mansyon at nagpunta sa kuwartong tinutuluyan ni River at kumatok sa pintuan nito. Ilang minuto lang ay pinagbuksan niya ako.

Steffano Brothers' Obsession (Published under PSICOM)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon