Chapter 29

58.7K 1.1K 442
                                        

Irvin's POV

"HEY!"

Lumingon sa akin ang caretaker ng isla na si Ezekiel nang dahil sa pagtawag ko sa kanya.

"Bakit po, Sir--"

Hindi na ako nakapagtimpi at kaagad siyang sinuntok sa mukha na ikinaatras niya. Sinuntok ko ulit siya sa pangalawang pagkakataon, sa sikmura naman niya. Napangiwi ito sa sakit na mas lalo kong ikinatuwa.

"You deserve that for flirting Yareli. Ang akala mo ba natutuwa ako sa'yo? Hindi dahil ayoko na nakikipaglapit ka sa kanya!" sigaw ko at dinuro siya.

Umubo ng dugo ang lalaking ito at hindi niya ako magawang labanan. I remember Yareli's friend, Ronnie. They are both cowards and can't defend themselves. Hindi pa ako nasiyahan sa ginawa ko kaya tinadyakan ko si Ezekiel sa tagiliran na ikinatumba niya sa buhanginan.

"Tumayo ka d'yan! Labanan mo 'ko, at 'wag kang duwag!"

Sinamaan niya ako ng tingin. "A-Alam ko ang ginawa n'yo kay Ma'am Yareli at hindi niya dapat dinaranas ang pagpapahirap ninyo sa kanya." nahihirapan niyang sabi habang iniinda ang mga natamo niyang suntok at sipa ko sa katawan niya.

Mas lalong nag-init ang ulo ko. "So, you have the right to interfere with us? Wala kang pakialam sa mga gagawin namin kay Yareli. She is mine! She is the property of the Steffano brothers!" gigil kong sabi.

Umiling siya. "Hindi kayo karapat-dapat kay Ma'am Yareli dahil makasarili kayo at hindi man lang iniisip ang mararamdaman niya. Hindi n'yo siya pag-aari dahil may sariling isip at desisyon siya."

Naikuyom ko ang mga kamao ko sa matinding galit at hindi ko namalayan na sunod-sunod na ang pagsuntok ko sa lalaking ito. Hindi ko na makontrol ang sarili ko dahil sa sinabi niya. Wala siyang karapatan para diktahan kami sa kung ano man ang gagawin namin kay Yareli.

Sa wakas ay lumaban na rin siya at nasuntok ako sa panga. Napangiwi ako pero hindi ko na alintana iyon sa kagustuhan kong mapuruhan siya nang matindi. Malaki siyang tao pero mas lamang pa rin ako physically. I learned martial arts since I was a kid kaya hinding-hindi siya mananalo sa akin pagdating sa bugbugan.

Hinila ko ang braso ni Ezekiel at pinilipit ito na ikinadaing niya sa sakit. Tinadyakan ko ulit ang tagiliran niya nang paulit-ulit at tanging paghiyaw sa natatamo niya mula sa akin ang maririnig dito sa tabing dagat.

I spit in his face and smirk at him. "I want to kill you right now, pero pasalamat ka at pinakikinabangan ka ni River kaya hindi kita magawang patayin. But when you reveal our plan to the authorities ay hindi ako magdadalawang-isip na patayin ka at itapon 'yang katawan mo sa dagat. Binabalaan kita, 'wag kang nangingialam sa buhay namin lalo na kay Yareli. Sa amin lang siya!" huling sinabi ko bago siya tinalikuran na nakahandusay pa rin sa buhanginan at duguan.

Napahawak ako sa panga kong nagkaroon ng sugat gawa ng pagsuntok sa akin ng t*rantadong iyon. Sh*t!

May gana pa siyang maging concern kay Yareli? Para ano? Para magkaroon siya ng pag-asa sa babaeng mahal namin, tapos sa kanya maibaling ang atensyon ni Yareli dahil sa pagpapaka-prince charming niya? Wala naman siyang binatbat sa amin, e! He's poor, weak, and coward kaya sino ba siya sa akala niya? Ang lakas ng loob niyang kalabanin kaming magkakapatid.

Sana naman magtanda na siya sa pambubugbog na ginawa ko dahil kung hindi ay mas malala pa ang mga kaya kong gawin.

Ronnie's POV

NAKATULALA na lang ako habang tinitingnan ang nasira kong cellphone noong nakaraang linggo. Nang malasing ako at nagising kinabukasan sa bahay nila Jestin ay nakita kong sira na ito at hindi ko na mabuksan. Wala naman akong natatandaang nahulog itong cellphone sa sahig, pero ang sabi ni Jestin ay nahulog ko ito sa labas ng bahay nila.

Steffano Brothers' Obsession (Published under PSICOM)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon