Chapter 30

65.5K 1.4K 812
                                        

Yareli's POV

"REALLY? You did that, Irvin? You're such a bad guy, brother!" tumatawang sabi ni Grant na ikinatawa ni Irvin.

"If you saw his pitiful state, I'm sure you would also find joy in the way that man looked after I beat him up. He even had the audacity to talk to me about Yareli. I got pissed, that's why binugbog ko 'yong Ezekiel na 'yon hanggang sa hindi na siya makalakad." sabi ni Irvin na ikinagulat ko.

Binugbog ni Irvin si Ezekiel? Pero bakit? Ano bang nagawang masama ni Ezekiel sa kanya?

"Oh? So he's playing knight-in-shining-armor? Alam na ba ni River 'tong ginawa mo?" tanong ni Grant.

"Alam niya, bro. 'Wag ko lang daw 'to ipaalam kay Yareli--"

Mula sa pagkakasandal ko sa pintuan sa loob ng CR ay lumabas ako rito na ikinalingon nina Grant at Irvin. Kaagad akong lumapit kay Irvin at sinampal siya sa mukha na ikinabigla niya, maging pati si Grant.

"Bakit mo binugbog si Ezekiel? Dahil ba 'to sa akin, ha?!" galit kong sabi.

Tumiim-bagang si Irvin habang hawak ang pisngi niyang sinampal ko.

"Yes. He's obviously flirting with you, Yareli, and I don't like that." madiin niyang sabi.

Umiling ako. "Hindi, Irvin. Mabait lang siya sa akin at wala siyang ginagawang masama!"

Tumalim bigla ang mga tingin ni Irvin at parang nag-aapoy na ang mga mata sa galit. Napalunok ako sa tensyon at takot na bigla kong naramdaman.

"I already cried in front of you, I told you how much I love you, and I begged you to love me. And yet, until now, you still defend him and blame me?" sigaw niya na ikinapikit ko sa takot.

"Open your eyes, woman!" sigaw ulit ni Irvin. Wala na akong ibang nagawa kundi imulat ang mga mata ko.

Unti-unting tumulo ang mga luha ko dahil nandito na naman ang takot na nararamdaman ko katulad noong gabing tumakas ako sa isla na 'to at nahuli nila River.

"H-Hindi na tama 'tong ginagawa n'yo, Irvin. M-Mas lalo lang lumalayo ang loob ko sa inyo. Hindi ko kayo kayang mahalin. . ."

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang hinagis ni Irvin sa pader ang lampshade na nakapatong sa bedside table kaya nasira ito. Si Grant ay tila walang pakialam sa ginawa ng kapatid niya at nakatingin lang sa akin habang nakataas ang isang kilay.

Lumapit sa akin si Irvin at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko nang sobrang diin na ikinadaing ko sa sakit.

"Bawiin mo 'yang sinabi mo, Yareli hangga't may kontrol pa ako at hindi kita masasaktan." babala niya pero pilit kong nilabanan ang mga tingin niya at buong tapang ko siyang sinagot.

"Hindi ko kayo kayang mahalin dahil makasarili kayo at--"

Bigla niya akong itinulak at binato sa kama.

"Leave us alone, Grant. Tuturuan ko lang ng leksyon ang babaeng 'to," malamig na sabi ni Irvin kay Grant na tumayo na sa inuupuan nitong sofa.

"Good luck!" sabi ni Grant at nginisian ako bago tuluyang lumabas sa loob ng kuwarto. Walang tigil ang pagtulo ng mga luha ko.

Pumaibabaw si Irvin sa akin at mahigpit na hinawakan ang buhok ko. Humagulgol ako nang tuluyan.

"Sa ayaw at sa gusto mo, mamahalin mo kami, Yareli! At wala kang karapatang makipaglapit sa ibang lalaki bukod sa aming magkakapatid. Hindi ko nagustohan ang sinabi mo kanina dahil mukhang concern ka sa Ezekiel na 'yon nung nalaman mong binugbog ko siya?" nakangisi niyang sabi at hinawakan nang mahigpit ang panga ko.

Steffano Brothers' Obsession (Published under PSICOM)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon