Chapter 14

57.1K 1.4K 1K
                                        

Yareli's POV

PINAPASOK ko si Juancho sa bahay namin dahil kanina pa kami nilalamig sa labas matapos tumila nang ulan. Pagkarating namin sa sala ay nagulat ako nang makita sila Inay, Itay, at Kuya Yasewah na seryosong nakatingin sa amin.

"Sir Juancho, ano'ng ginagawa mo rito? Hindi ba't ikinasal ka ngayong araw sa anak ni Congressman Montecillo?" tanong ni Inay kay Juancho.

"Tumakas po ako sa kasal." nahihiyang sabi ni Juancho.

Hindi na nagsalita si Inay at lumapit ito kay Juancho. Alam ng pamilya ko na naging nobyo ko si Juancho pero hindi sila nagsasalita tungkol rito.

"Baka magkasakit ka pa dahil nagpaulan kayo. Maligo na kayo ni Yareli at magpahinga ka muna. Pagpasensyahan mo na dahil maliit at masikip sa bahay namin." paumanhin ni Inay.

"Okay lang po." magalang na sagot ni Juancho.

Bumaling sa akin si Itay. "Ikukuha siya ni Yasewah ng malinis na damit. Ikaw na ang bahalang mag-asikaso sa kanya, Yareli."

"Sige po, Itay." sagot ko.

Tumango lang si Itay at kaagad nang umalis papunta sa kuwarto niya. Walang imik na umalis rin si kuya Yasewah na sinundan naman ni Inay.

"I'm sorry kung naistorbo ko ang pamilya mo." paumanhin ni Juancho.

"Ayos lang. Mauna ka nang maligo. Kukuha lang muna ako ng malinis na towel para sa'yo." sabi ko.

"Thank you." pasasalamat niya.

Kaagad akong nagpunta sa loob ng kuwarto ko para kuhaan ng malinis na towel si Juancho. Kumuha ako ng isang kulay kahel na towel sa Orocan ko. Nang makuha ko ito ay kaagad kong binalikan si Juancho. Hawak-hawak na niya ang isang malinis na pulang t-shirt at jogging pants na mukhang kay kuya Yasewah nanggaling. Inabot siguro iyon kanina ni kuya. Binigay ko kay Juancho ang malinis kong towel at sinamahan siya sa banyo namin na malapit sa kusina.

"Maligo ka na. Pagkatapos mo, ako naman ang susunod." nakangiting sabi ko.

Tumitig siya sa akin nang ilang segundo at pagkatapos ay ngumiti. "Thank you again, Yareli." sabi niya at pumasok na sa loob ng banyo.

Napabuntonghininga ako dahil hindi pa rin ako makapaniwala na nandito si Juancho sa bahay at tumakas ito sa kasal nila ng nobya niya. Mas pinili niya ako pero hindi ko alam kung bakit ngayon ay may kakaiba na sa nararamdaman ko para sa kanya.

Parang hindi na ito katulad ng dati.

Napailing ako at muling bumalik sa loob ng kuwarto ko para kumuha ng damit na isusuot at towel na gagamitin ko. Nang bumalik ako sa kusina dala-dala ang mga damit at towel ko ay matiyaga kong hinintay si Juancho sa labas ng CR.

Ilang minuto lang ay lumabas na siya suot na ang kulay pulang t-shirt at itim na jogging pants ni Kuya Yasewah. Bagay sa kanya ang damit ni kuya at kasya ito sa kanya. Magkasingtangkad at magkasinglaki lang sila. Magulo at basa ang buhok nito habang nakasampay ang ginamit na towel sa balikat niya.

"Nasa loob pala ng CR 'yong nabasa kong barong at pants. Ipapa-laundry ko na lang-"

"Huwag ka nang mag-abala. Lalabhan ko na lang 'yon." sagot ko.

"But--"

"Magpunta ka na lang sa kuwarto ko at may suklay doon. Kulay blue ang kurtina sa may pintuan ko." sabi ko at muli siyang nginitian.

Tumango siya. Kaagad akong pumasok sa loob ng CR at nag-umpisang maligo. Nang matapos akong maligo ay inilagay ko ang mga nabasa kong damit at damit ni Juancho sa isang palanggana na may tubig at Ariel powder. Kinusot ko ang mga damit namin at binanlawan ng tatlong beses. Pagkatapos ay isinampay ko ito sa loob ng CR na may hanger naman na naiwan sa sabitan.

Steffano Brothers' Obsession (Published under PSICOM)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon