Yareli's POV
SA hirap at sakit na pinagdaraanan ko ay itinuloy ko pa ring pinakasamahan nang maayos ang magkakapatid na Steffano. Isang linggo na lang ang natitira at makakalaya na ako sa kanila gaya ng ipinangako sa akin ni Grant. Ramdam ko ang paninibago nila sa mga ikinikilos ko dahil sa maganda at maayos kong pagtrato sa kanila. Hindi naman sila nagtatanong sa akin kung bakit umaakto ako nang ganito na ikinahinga ko nang maluwag.
Kasalukuyan akong kumakain nang pumasok sa loob ng kuwarto ang limang magkakapatid. Nakangiti sila habang si Efraim ay blangko pa ang ekspresyon ng mukha na inaasahan ko na.
"Babe, pupunta tayo sa bayan. Pumayag sila River na makalabas ka para makapaglibang man lang," nakangiting sabi ni Grant nang lumapit sa akin.
"Talaga?" tanong ko at tiningnan si River na nakangiti rin.
"Yup! Gusto ulit naming makabawi sa'yo dahil sa nagawa namin. Mag-ayos ka na at aalis na tayo ngayon," ani River.
Mabilis kong inubos ang pagkain ko at saka naligo at nagsipilyo. Isinuot ko ang isang kulay puting dress na kakabili lang ni River para sa akin. Nagsuot din ako ng sandals. Nang matapos akong mag-ayos ay kaagad akong hinila nina Irvin at Grant sa loob ng kuwarto namin hanggang sa makalabas na kami sa bahay. May nakaparada doon na puting kotse at kaagad kaming pumasok sa loob.
Hinapit ni Amir ang baywang ko nang nasa backseat kami at katabi ko naman sa kanan si Grant.
"Are you excited?" nakangiting tanong ni Amir.
Tumango ako bilang sagot at kaagad binawi ang tingin sa kanya. Narinig ko na lang ang pagbuntonghininga niya hanggang sa pinaandar na ni River ang kotse.
Umandar na ito at lumiko sa daan na kung saan ay ito ang dinaanan namin ni Ezekiel nung nagtangka kaming tumakas. Bigla ay naalala ko siya at sa malagim na sinapit niya mula kay Efraim.
Nang tumingin ako kay Efraim na nasa front seat ay nakita kong nakatingin ito sa akin sa side mirror ng kotse. Sa paraan ng pagtitig niya ay kinabahan ako kaya binawi ko rin kaagad ang tingin ko sa kanya.
Mga kalahating oras ang biniyahe namin hanggang sa makarating kami sa isang lugar na katulad din sa bayan ng San Felicidad. Maraming tao sa paligid, at may iba't-ibang shops at palengke akong nakikita. Isang tipikal na bayan para sa isang probinsya.
Lumabas kami sa loob ng kotse at napansin ko kaagad na pinagtitinginan kami ng mga tao, lalo na ng mga kababaihan. Tila mangha-mangha sila nang makita ang Steffano brothers. Kung alam lang nila ang sinapit ko sa mga ito.
"Saan mo gustong pumunta dito, love?" tanong ni Irvin na mabilis akong hinalikan sa labi. Nailang ako dahil mas lalo kaming pinagtitinginan ng mga tao sa ginawang paghalik niya sa akin.
"Ah, kahit saan na lang," sagot ko na nahihiya.
Tumango siya. "Let's go to the park nearby. Maganda doon." sabi niya.
Sinundan namin si Irvin na nag-umpisa nang maglakad hanggang sa makarating kami sa parke na tinutukoy niya. Kakaunti lang ang mga tao rito at dahil maganda ang panahon ngayon ay na-re-relax ako sa ganda nang paligid at sa sariwang simoy ng hangin. Huminto kami sa paglalakad at naupong lahat sa ground grass ng parke. Nagpresinta naman sina Irvin at Amir na bibili muna ng makakain kaya sandaling umalis ang mga ito.
"Do you like this place?" tanong ni River.
"Nagustuhan ko," sagot ko at nilibot ng tingin ang buong paligid.
Ilang minuto pa ay dumating na sina Irvin at Amir na may dalang mga pagkain. May burgers, french fries, at inumin silang binili. Inabutan ako ni Irvin ng pagkain at inumin, mahina akong nagpasalamat. Sa pagkain at pagtanaw ko sa paligid ng parke ay tahimik lang ako habang ramdam ko na pinagmamasdan lang ako ng magkakapatid.
BINABASA MO ANG
Steffano Brothers' Obsession (Published under PSICOM)
General FictionSi Yareli Tamayo ay isang mabait at mapagmahal na dalagang nakatira sa probinsiya ng San Felicidad. Nang makilala niya ang magkakapatid na Steffano na sina River, Efraim, Irvin, Grant, at Amir ay nagkaroon ng malalim na epekto ang mga ito sa kaniyan...
