Krazy Jestin
Yareli's POV
After 1 month...
SA hiling ko ay sa San Felicidad church kami ikinasal ni River. Sa church na kung saan ay iyon na ang kinalakihan kong simbahan at dahil miyembro si Inay ng choir roon ay kilala namin ang mga pari, sakristan, madre, at ibang mga miyembro sa simbahan.
Talagang pinaghandaan ng pamilya ni River ang kasal namin at sa tulong na rin nila Inay, Itay, at Kuya Yasewah. Simple lang ito at hindi magarbo. Hindi ko na maidetalye kung ano ang nangyari sa kasal namin ni River pero sa huli ay nagpalitan kami ng "I do's" at pagkatapos ay hinalikan namin ang isa't-isa sa harap ng altar.
Sa dami ng pagsubok, problema, sakit, at hirap na naranasan ko ay posible pa pala na sumaya ako nang ganito. Tama nga ang naging desisyon ko na bigyan ang Steffano brothers ng pagkakataon para makabawi sa lahat ng kasalanan nila akin at maalagaan at masuportahan si baby Hershe.
Ang reception ng kasal ay ginanap na lang sa bahay. Mabilis na napa-renovate ni Efraim ang bahay at mas lalo itong gumanda at lumawak. Lubos akong nagpapasalamat sa tulong na ibinigay niya sa pamilya ko. Ang sabi ni Efraim ay wala lang iyon sa kanya dahil pamilya niya na rin ang pamilya ko at sa susunod na taon ay siya naman daw ang balak na magpakasal sa akin.
Hindi ko maimagine na malalagyan ng limang singsing ang ring finger ko sa oras na mapakasalan ko ang limang magkakapatid. Kakaiba ang polyamory relationship na mayroon kami pero kung masaya naman kami rito ay walang masama. Higit sa lahat ay tama nang suportado at walang panghuhusga kaming nakukuha mula sa pamilya, mga kamag-anak, at malalapit naming kaibigan sa sitwasyon na mayroon ako kasama ang magkakapatid.
Inaasiko namin nila Inay at Mayet ang dumarating pang mga bisita. Kasama na rin ang mga malalapit na kamag-anak ng pamilya Steffano na lumawas pa ng Maynila para lang makapunta sa kasal namin ni River.
Sila River, ang mga kapatid niya, si Itay, si Ronnie, at si Kuya Yasewah naman ay nag-iinuman sa bakuran at may man-to-man-talk daw sila. Si baby Hershe ay nasa magulang ngayon ng Steffano brothers kasama si Jingjing at inaaliw nila ito sa loob ng dati kong kuwarto.
Si Juancho ay hindi nagpunta ngayon sa kasal at alam ko na kung bakit. Sana balang araw ay dumating na ang babaeng para sa kanya. May babae pang deserving sa pagmamahal niya at hindi ako iyon.
"Congrats to the newly wed!" bati ni Lorenzo na kadarating lang at may inabot itong puting paper bag.
Hinalikan niya sa pisngi si Mayet at pagkatapos ay bineso ako. Hindi siya nakapunta kanina sa wedding ceremony dahil may part time job siya sa hapon kaya si Mayet lang ang nakadalo.
"Salamat, Lorenzo. Pati na rin sa regalo mo," nakangiti kong pasasalamat kay Lorenzo at inilapag ang puting paper bag sa lamesa.
Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na sa huli ay sina Lorenzo at Mayet ang nagkatuluyan dahil noong mga bata pa lang kami ay sina Mayet at Jestin ang pinagtatambal. Kahit sa paaralan namin ay ang akala noon ng iba na magkarelasyon na sina Mayet at Jestin dahil hindi sila halos mapaghiwalay.
Gano'n nga siguro ang buhay. May mga taong mawawala sayo pero may tao na darating na mas deserving at magpapahalaga sa'yo katulad ni Lorenzo kay Mayet. Wala naman akong pag-aalinlangan kay Lorenzo dahil kilala ko na siya simula noong mga bata pa kami. Mabait at mabuti itong tao, alam ko rin na hinding-hindi niya sasaktan si Mayet hindi katulad ng ginawa ni Jestin.
"No problem. Hindi man ako nakapunta kanina sa wedding ceremony n'yo pero maganda 'yang binili kong regalo sa inyong mag-asawa." nakangisi niyang sabi.
Tiningnan ko si Lorenzo nang may pagdududa at natawa sa huli. "Salamat ulit sa regalo."
BINABASA MO ANG
Steffano Brothers' Obsession (Published under PSICOM)
Ficción GeneralSi Yareli Tamayo ay isang mabait at mapagmahal na dalagang nakatira sa probinsiya ng San Felicidad. Nang makilala niya ang magkakapatid na Steffano na sina River, Efraim, Irvin, Grant, at Amir ay nagkaroon ng malalim na epekto ang mga ito sa kaniyan...
