Chapter 31

63K 1.2K 1K
                                        

Third Person's POV

UMILING ang mag-asawang sina Yasmin at Emilio habang pinagmamasdan ang panganay nilang anak na si Yasewah na halos magpakalunod sa alak habang hawak ang picture frame ng kapatid na si Yareli.

Katulad ni Juancho ay sobrang apektado rin sa pagkawala ni Yareli si Yasewah. Masyado itong malapit sa kapatid na babae at ni minsan ay hindi siya naghanap ng nobya dahil sapat na sa kanya ang maibaling ang kanyang atensyon at pagmamahal sa kapatid. Suportado niya si Yareli sa mga gusto nito sa buhay at ayaw nga niyang madapuan man lang ito ng lamok dahil sa sobrang pag-iingat at pagprotekta niya rito. Kaya nung nalaman niyang niloko at sinaktan ito ni Juancho ay nasaktan din siya nang ilang linggong umiiyak si Yareli sa loob ng kuwarto nito.

Ilang linggo nang hindi nakakapasok si Yasewah sa trabaho dahil mas pinili nitong samahan si Juancho sa patuloy pa rin na paghahanap kay Yareli, at sa gabi naman ay nagpapakalunod siya sa alak at nagkukulong sa loob ng kuwarto para gunitain ang kalungkutan na nararamdaman sa nawawalang kapatid.

Mahalaga sa kanya si Yareli at ayaw niyang mawala ito sa buhay niya. Mga bata pa lang sila ay labis na ang pagpapahalaga niya rito. Ito lang ang tanging babeng nagpapasaya sa kanya. Likas na malambing, mapagmahal at maaalalahanin si Yareli na nagustuhan niya. Kapag may problema siya tungkol sa trabaho, o kapag pagod na umuuwi sa kanilang bahay galing sa trabaho, kung minsan ay imamasahe pa siya ni Yareli sa kanyang noo at balikat, ipaghahanda na rin siya kaagad ng makakain. Mababaliw na siya sa kakaisip kung nasaan ito ngayon!

"Nak, tama na iyan!" p/suway ni Yasmin kay Yasewah na balak tunggain ang isa pang bote ng alak na nangangalahati na ang bawas.

"Hayaan n'yo na akong uminom, Inay! Para man lang kahit dito ay pansamantala kong makalimutan ang pagka-miss sa kapatid ko!" nakangiting sabi ni Yasewah na lango na sa alak.

Napailing si Emilio sa turan ng panganay na anak at hinawakan sa braso ang asawa niyang si Yasmin.

"Hayaan na natin siya, Yasmin. Masyado lang siyang nangungulila sa kapatid niya," malungkot na saad ng nito na ikinatango ni Yasmin.

Tumingin pa ang mag-asawa kay Yasewah na nakasalampak sa sahig ng kuwarto nito habang patuloy pa rin sa pag-inom ng alak bago sila tuluyang lumabas sa loob ng kwarto.

Hindi na napigilang tumulo ang mga luha ni Yasewah nang ibaba ang picture frame ni Yareli sa sahig. Daig pa niya ang namatayan sa sakit at pangungulila na nararamdaman niya.

Naaalala niya noong high school pa lamang siya na inamin ng kaibigan niyang si Dante, nakatatandang kapatid ng kaibigan ni Yareli na si Mayet na balak nitong ligawan si Yareli. Kaagad nag-init ang ulo niya roon dahil hindi niya gusto na taluhin ito ng kaibigan. Nagpumilit noon si Dante sa balak na panliligaw kay Yareli kaya hindi nakontrol ni Yasewah ang matinding galit at inis kay Dante kaya kamuntikan na niya itong saksakin at patayin sa bahay mismo ng kaibigan nang sugurin niya ito. Mabuti at maagap siyang napigilan ng kanyang Itay, at ang Tatay ni Dante kaya hindi natuloy ang balak niya.

Nang matapos ang insidenteng iyon ay humingi nang tawad si Dante sa kanya at hindi na nagpumilit pang ligawan si Yareli. Dahil kababata at matagal na rin niyang kaibigan ito ay kinalimutan na lang niya ang alitan nila at humingi rin siya ng tawad sa kanyang ginawa. Hindi na sila nag-away matapos noom at hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin sila at magkatrabaho pa.

Hindi niya masisisi kung bakit maraming lalaking nahuhumaling sa kanyang kapatid, talaga kasing napakaganda nito, at ito na siguro ang pinakamagandang babae sa San Felicidad, mabait rin ito at magalang. Bagay na nagustuhan niya kay Yareli. Talagang magkapatid sila ng dalaga dahil nahahalata iyon sa kanilang itsura. Halos magkamukha sila at parang siya nga raw ang _boy version_ ni Yareli.

Steffano Brothers' Obsession (Published under PSICOM)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon