🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂*****Cerrah
Kinabukasan, nakita ko si Saenz na may bitbit na isang mahabang tali na mayroong mga fish hooks every foot ang pagitan.
"Saan ka pupunta?" tanong ko habang nilalagay nya ang gamit sa isa nyang bag
"Sa ilog, titingnan ko kung malalaki na ang mga karpa at tilapya sa fishpond ko" sagot ni Saenz
"May fishpond ka?" tanong ko, "Paano mo na mamanage yung fish pond kung palagi kang wala dito?"
"Pumupunta punta ako dito every week tsaka, di naman alagain yung mga isda ko dahil hindi sila kumakain ng feeds, yung fishpond ko part din ng ilog yun pero di lang maagos tska di yun nagagalaw kasi private property yung kinaroroonan ng fishpond" paliwanag ni Saenz
"I want to go" wika ko
"Sure ka?" tanong ni Saenz
"Yes, we can bring Jenas and Aluza para maka help kami sayo" sagot ko.
"Sige, habang namimingwit at nag papalaso ako ng isda sa fishpond, pwede kang manguha ng suso at clams si Jenas naman pwedeng manguha ng alimasag sa gilid gilid ng ilog mismo" wika ni Saenz.
Nang nasa ilog na kami inayos muna ni Saenz ang pambingwit nya sa fishpond, hindi na sya manual na naka hawak sa pamingwit, sinabit nya lang ang magkabilang dulo ng tali at bahala na ang mga isda na kakagat sa pain, malalaman na lang na may huli kung gumagalaw ang tali,
"Paano ba manguha ng suso?" tanong ko,
"Tara" aya sakin ni Saenz, humawak ako sa kamay nya at lumusong kami sa hanggang hita na tubig sa fish pond, nakita ko ang mga suso "Pwede mong damputin o pwede mong kapain ng paa para makuha" ginawa ko ang sinabi nya at nang maka kulekta kami ng maraming suso ay dinala naman nya ako sa isang part ng fishpond na maraming water lilies "Dito medyo maputik ah, ang gagawin mo, kapain mo lang yang putik jan lalo na sa mga ugat ugat ng water lilies, makakapa mo yung mga clams" sinunod ko ang sinabi ni Saenz, medyo malambot ang putik at talagang nakapa ko ang mga clams, tuwang tuwa ako kahit na nakayuko kaming dalawa
"Wala ba nito sa fishpond?" tanong ko "Wala akong nakapa kanina parehas lang namang putikan"
"Kakainin ng mga karpa yun kaya nandito sila sa baba, kaya pinuno ko rin ng water lilies yung daluyan ng tubig para hindi aalis sa fishpond yung mga isda" sagot ni Saenz, madami akong natutunan sa tinuro ni Saenz,. "Iiwan muna kita dito, kukuha lang ako ng kangkong"
Biglang sumulpot si Jenas at Aluza sa likod ko napansin ko ang kalahating timbang baby crabs na nahuli nilang dalawa
"Ang dami nyan, ha highbloodin talaga tayo kapag inubos natin yan" masaya kong wika, napansin kong umirap sa akin si Aluza pero hindi ko na minasama, baka na mis interpret ko lang
"Kuya dun muna ako sa kubo" paalam ni Aluza at dinala ang timba. Nag simulang tumulong sa akin si Jenas pero napapansin kong kung saan ako pumunta ay sumusunod sya
"Jenas hindi tayo makakakuha ng maraming suso at clams kung sumusunod ka sakin, mag hanap ka sa ibang part" mahinahon kong wika
"Ang sweet nyo kanina ah" biglang sagot ni Jenas
"Ha?" tanong ko, ngumisi sya
"May pa holding-holding hands pa kayong dalawa" sagot nya, napangiti ako, nag se selos ba to? ayaw kong mag assume, malinaw na sakin na nakalimot ng pagmamahal si Jenas
"Inalalayan lang nya ako" sagot ko at nagsimula ulit mangapa ng mga clams
"Wag mo na syang hahawakan" sagot nya, napahinto ako sa ginagawa ko
"Bakit naman? kaibigan ko si Saenz" sagot ko
"Ayaw ko nga" inis na sagot ni Jenas "Wag ka nang makulit Cerrah, pwede mong kausapin o lapitan si Saenz pero wag na wag kang magpapahawak"
"Fine!" inis kong sagot, napaka higpit nya nakakainis
"Asawa kita, at kaibigan ko sya ang pangit tingnan na kayo ang sweet samantalang ako nangangapa sa nakaraan natin, parang pinapabayaan talaga kita" paliwanag nya "Nasaktan ako nang makita ko kayong dalawa na magkahawak kamay" hindi ko alam kung matutuwa ako sa narinig ko, totoo ba to? naaapektohan si Jenas?
"Nag seselos ka?" tanong ko
"Siguro" sagot ni Jenas "Masama ba?" tanong nya. Umiling iling ako "Good" hinawakan ni Jenas ang ulo ko "Wag mo nang uulitin yun"
"Ang alin?" tanong ko
"Yung pag seselosin ako" sagot nya
"Yes Rivera" sagot ko. Ngumiti lang sa akin si Jenas
"Yan ba ang endearment natin nuon?" tanong nya
"Babe" nakangiting sagot ko "But I prefer the last name basis para mag mukhang fresh yung tawagan natin"
"Mukhang mas sweet nga yon Mrs. Rivera" ngumiti si Jenas at hinawakan ang chin ko pagkatapos non ay hinalikan nya ako sa labi "I like your eyes"
"I like your eyes first" sagot ko
"Ikaw lang ang nag sabi sa akin nyan" sagot ni Jenas "Sa lahat ng naging GF ko ni isa walang nakapansin sa mata ko"
"Even Kira?" tanong ko
"Don't mention her Cerrah, Nag promise ako na kakalimutan ko si Kira kapag kasama kita kaya wag mo na syang ipaalala sakin" sagot ni Jenas
"Okay" sagot ko "Rivera"
Nag simula na kaming manguha ni Jenas ng mga Suso at Clams at bago kami umalis sa fishpond ay kinuha na ni Saenz ang pambingwit nya, natawa kami dahil maliliit lang ang tilapya na nahuli nya pero madami dami rin naman
"Damot!" sigaw ni Saenz sa mga isda "Nung pinakain ko kayo ang laki laki at ang dami dami nyo nang huhulihin ko kayo maliliit yung pinang front line nyo" natatawa lang kami sa pag momment ni Saenz
"Awat na yan, umuwi na tayo baka abutan pa tayo ng gabi sa daan" aya ni Jenas
Nang makarating kami sa bahay ay nilinis namin ang dala naming isda habang binabad ni Saenz sa tubig ang mga suso at clams para pasukahin, para matanggal ang putik
"Bukas Saenz, akyatan mo kami ng buko ah, Na miss ko uminom ng fresh buko juice" aya ni ko, bahagya akong siniko ni Jenas kaya tumingin ako sa kanya "Why?" mahina kong tanong, sumenyas sa akin si Jenas na ayaw nyang maglambing ako kay Saenz
"Pitasan mo ako ng Avocado" utos ni Aluza,
"Hindi pa hinog ang Avocado, pipitasan kita tapos pahinugin mo sa lagayan ng bigas" sagot ni Saenz, "I harvest na rin natin yung mga gulay sa bakod, I ta try kong pumunta ulit sa bayan bibili ako ng mga gatas at harina"
"Bili ka na rin ng yeast para mag be bake ako ng tinapay sa pugon" ko
"Marunong ka?" tanong ni Jenas
"Sisiw" pag yayabang ko
BINABASA MO ANG
#4 When I'm with You (Jenas and Cerrah Book2) 4th Story
Non-Fiction🍂🍂🍂🍂🍂🍂 It's been 2 years since namatay si Jenas, nabuhay nalang ng normal si Cerrah. Hindi na natupad ni Jenas ang pangako nyang babalik sya para magkasama sila ni Cerrah kaya nagpasya syang mag move on na lang. Umuwi sa Pilipinas si Cerrah pa...