𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 49: Adobo

138 5 1
                                    


🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂

******Jenas

Magdamag kong pinag isipan ang sinabi sa akin ni Saenz kagabi? anong gagawin ko kung makita ko si Kira, mawawala ba ang nararamdaman kong katiting na atraksyon kay Cerrah?

Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa salamin,

Nasa banyo ako ngayon at katatapos lang mag hilamos. Bakas pa sa mga mata ko ang puyat. Napa dila ako sa labi ko habang matamang pinagmamasdan ang sarili ko.

"Paano nga Jenas?" tanong ko sa sarili ko, yumuko ako habang nakatukod sa wash basin "Ahhhh" bagot kong reklamo at nakapikit na tumingala, muli ay dumilat ako at nagkamot sa ulo "Bahala na"

Pag labas ko ng banyo ay tumambad sa hapag kainan sina Saenz, Aluza at Cerrah

"Tara kain" aya ni Saenz at sumubo ng pagkain, naka kamay lang sya habang ang isang paa ay naka patong sa inuupuan nya

"Isampay ko lang to" sagot ko patukoy sa tuwalya na hawak ko, habang palabas ako ng bahay ay narinig ko ang masayang puri ni Cerrah sa niluto ni Saenz

"Ang sarap ng adobo mo Saenz, hindi mo malasahan ang langsa ng manok" puri ni Cerrah

Nang maisampay ko ang tuwalya sa labas ay bumalik ako sa loob ng bahay para maki join sa pagkain pero habang papalapit ako ay nag aalangan ako kung tatabi ba ako o hindi kay Cerrah. Nang makalapit ako ay napansin kong nawala ang ngiti ni Cerrah nang sumiksik ako sa pagitan nila Aluza at Saenz

"Usog" wika ko

"Ano ba yan" reklamo ni Aluza. Napansin kong nakatingin sa akin si Saenz na tila sinusubok ako, siguro na sense nyang umiwas na ako kay Cerrah.

"Bakit nakikisiksik ka jan Rivera? ang luwag luwag dito" pilit na ngiting wika ni Cerrah, tumayo si Saenz at umusog na lang palapitkay Cerrah.

Tahimik kaming apat habang nag sasandok ako ng kanin at ulam, tinikman ko ang sarsa ng adobo ni Saenz, hhhmm masarap ah

"Anong plano ngayon?" pag basag ko sa katahimikan

"Pupunta ako sa bayan" sagot ni Saenz

"Again?" tanong ni Aluza "Baka this time na tunugan ka na ng mga kalaban"

"Nahh" bored na sagot ni Saenz "Makikipag kita lang ako sa source ko"

"Ako na lang ang pupunta" suhestiyon ko "Tutal, hindi ako kilala ng mga kalaban" ilang minuto ring tumahimik si Saenz na tila pinag iisipan ang isasagot

"Sige" parang napilitan lang sya.

Pag kagat ko sa pineapple tidbits na sahog ay medyo naubo ako

"Ano to?" tanong ko at marahang inilipat sa kutsara ang nakagat kong pineapple tidbits at inilapag sa plato "Bat ang anghang ng pinya?"

"Anong pinya? luya yan ghurl" natatawang sagot ni Saenz

"Bakit mukhang tidbits?!" tanong ko

"Wag ka nang mag reklamo, recipe ko yan pantanggal langsa" sagot ni Saenz. "Bilisan mong kumain at ibibigay ko sayo ang detalye ng source ko para makilala mo kung sino sya"

*********

Guys, sinadya kong i short chapter to entitled with:
ADOBO
Gusto ko lang i share sa inyo kung paano
ma prank ang kakain ng luya sa adobo 🤣🤣
para mag mukhang tidbits
hinihiwa ko ng pa cubes ang mga luya
🤣🤣🤣

#4 When I'm with You (Jenas and Cerrah Book2) 4th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon