🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂*****Cerrah
Isang katok sa pinto ng kwarto ko ang dahilan para mapadilat ako. Galing ako sa pagkakaidlip dala ng labis na pag iyak dahil sa mga akusasyon at pananakit ni Aluza sa akin kanina. Hindi man ako sumagot ay binuksan parin ni Saenz ang pinto. Nang makita ko syang sumilip ay umupo ako sa kama, lumapit sya sa akin at hinawakan ako sa pisngi
"Okay ka lang?" malambing nyang tanong, umiling iling ako at muling napaiyak
"Bakit ganon ang bintang sakin ni Aluza?" tanong ko "Alam nyo namang hindi ko iniwan si Jenas diba?"
"Hindi alam ni Aluza ang totoong nangyari" mahinahon nyang sagot "Nandito ako para sabihing gusto namin ni Jenas na magkaharap kayo ni Aluza. Gusto kong ipaliwanag at aminin sa inyong tatlo ang totoong nangyari 2 years ago"
*****Aluza
Nagulat ako nang biglang pumasok si Kuya sa kwarto ko
"Aluza pumunta ka sa ibaba, mag uusap tayong apat" wika ni Kuya at umupo sa kama
"I told you I'm tired, I want to sleep" bagot kong sagot at humiga sa kama
"Stop being stubborn Aluza, Walang matutulog hanggat hindi naaayos ang gulo natin" pamimilit ni Kuya "Tumayo ka na"
"Ayaw ko nga" sagot ko
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo? hindi ka naman ganyan ah" inis na sita ni Kuya Jenas "Sa sobrang tigas ng ulo mo hindi mo na naiiisip ang kinikilos at sinasabi mo, mamaya sa baba mag sorry ka kay Cerrah"
"Why?" mataray kong tanong
"Cause it's your fault" galit na talaga si Kuya "Sa ginawa mo sa kanya, have you ever wondered bakit hindi ka pinatulan ni Cerrah? Marunong sa martial arts ang binangga mo Aluza at sigurado ako na hindi basta basta si Cerrah pero nasa matinong pag iisip sya kaya hindi sya kumilos ng hindi akma" ngumuso ako at yumuko "Dapat nga magpasalamat ka rin na hindi ka pinatulan ng tao eh, tumayo ka na jan"
*****Saenz
Nasa salas na kami ni Cerrah nang bumaba sina Jenas at Aluza at nang magkaharap harap kaming apat ay nag simula na akong mag salita.
"Ano bang nangyari sa inyong dalawa?" mahinahon kong tanong, tameme lang sina Cerrah at Aluza "Ano na? walang sasagot sa inyo?"
"Pinag bibintangan ako ni Aluza na iniwan ko daw si Jenas" sagot ni Cerrah, nagkatinginan kami ni Jenas
"Totoo naman" mataray na sagot ni Aluza
"Well alam ko namang hindi yon ang issue mo, kaya ka galit sa akin dahil nag seselos ka sa amin ni Saenz" halos masamid ako sa narinig ko. 🤣 imposible tumingin sa akin si Aluza
"Ahem" palusot ko. Tumingin muli si Aluza kay Cerrah
"Galit ako sayo Cerrah" wika ni Aluza "Galit ako dahil tinanggap ka ng buo ng pamilya namin pero iniwan mo si Kuya"
"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko iniwan yang magaling mong kuya?!" galit na sigaw ni Cerrah
"See?! di ako naniniwalang hindi mo iniwan si Kuya, Look how you treat him? wala kang galang sa kuya ko!" sigaw ni Aluza
"Aluza" malalim ang tono na wika ni Jenas
"Girls wag kayong mag sigawan, magkaharap lang kayo" puna ko
"Shut up!" sabay nilang sigaw sakin
"Sh!t" mahina kong mura, bigla akong kinabahan sa dalawang babae, nanlilisik yung mata nila sa galit at mukhang babalatan nila ako ng buhay kung mangialam pa ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
#4 When I'm with You (Jenas and Cerrah Book2) 4th Story
Non-Fiction🍂🍂🍂🍂🍂🍂 It's been 2 years since namatay si Jenas, nabuhay nalang ng normal si Cerrah. Hindi na natupad ni Jenas ang pangako nyang babalik sya para magkasama sila ni Cerrah kaya nagpasya syang mag move on na lang. Umuwi sa Pilipinas si Cerrah pa...