🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂***** Cerrah
Natapos ang usapan namin ni Dad na ako nanaman ang talo, Ano pa bang magagawa ko kung bulyawan, pagalitan at sisihin ko ang Ama ko? hindi naman non maibabalik ang buhay ni Jenas. 😢
Wala sa huwisyong pumunta ako sa Columbarium para harapin ang urn ng aking nasirang asawa, Tumitig ako sa picture nya, Ang agang namatay ng mahal ko 🥺 ang bata pa nya, Ang gwapo 😭
"Jenas" garalgal kong tawag "Nakakainis ka, Ni hindi ko man lang naparamdam sayo kung paano ako maging mabuting asawa" gusto kong maiyak talaga "Ni hindi ko man lang naranasang gamitin ang apelyedo mo" Pilit akong ngumiti "Mrs. Cerrah Jane Rivera, Ang ganda pakinggan, Bagay na bagay sa akin ang apelyedo mo diba?" di ko na napigilang umiyak, Yumuko ako at humawak sa lagayan ng urn nya "Na mi miss na kita Jenas ko"
******
@ Bar
Pumunta ako sa bar para magpalipas ng oras, para patayin ang oras ko. para mag enjoy at makalimot.
"Wooohhh! Best day EVERRRRRR!" sigaw ko sa dance floor at pinunit ang CENOMAR ko "Fvck this life!"
****Jenas
Nasa bar ako ngayon kasama ang ka business partner ko, Isa sya sa under survaillance namin kaya kahit ayaw kong pumunta punta sa bar ay sumama parin ako para pagkatiwalaan nya ako.
"Inom lang ng inom" lasing na wika ni Gregor sa mga kasama namin habang ako ay pakonti konting lagok lang sa alak na hawak ko. Nakatingin ako sa dancefloor kung saan may grupo ng mga kabataan.
"Kursonada mo ba yon?" tinuro ni Gregor ang isang babae na tila lasing na lasing sa sobrang wild mag sayaw, napangisi lang ako
"Hindi ako mahilig sa sobrang wild" nakangisi kong sagot at sumubo ng pulutang chicharong bulaklak
"Nakaka excite nga ang mga wild lalo na sa kama" sabat ng isang lalaki sa akin at nagtawanan sila. Nagkanya kanya silang inuman at kwentuhan habang matama kong tinititigan ang babae, para syang pamilyar sa akin. May kung anong bagay ang nag patibok ng malakas sa puso ko nang makita ko ang babae. Muli ay uminom ako ng alak.
Parang wala na talaga sa huwisyo ang babae, pinagpapasa pasahan sya ng iba't ibanga lalaki na makasayaw nya. Hipo sa pwet, baywang, hita at dibdib pero sa tuwing hinihila sya palabas ng dancefloor ay pumapalag kaya iniiwan sya ng mga ito pero iba ang huling lalaki, pilit nyang hinihila ang babae kahit sinampal na sya kaya naman tumayo ako
"Teka" pigil ni Gregor kaya tumingin ako sa kanya "Akala ko ba di mo type yun" nginuso nya ang babae at nagtawanan sila. Ngumiti ako
"Kanina yon" sagot ko "Kapag hindi na ko bumalik alam nyo na siguro kung saan ako pumunta"
"Matik na yan! enjoy your night" pag payag ni Gregor
Naglakad ako sa dancefloor hindi para makipag suntukan dahil sa di ko kilalang babae kundi para mag panggap na makikipag sayaw sa babae.
"Pre ako naman" wika ko sa lalaki. Walang nagawa ang lalaki kundi pumayag. Humarap sakin ang babae
"Thank wuu" lasing nyang wika at sinampa ang mga kamay sa balikat ko para mapayakap. Maganda ang babae at may kung anong tila magnet ang humihila sakin palapit sa kanya
"Umuwi ka na, lasing ka na" mahinahon kong utos
"Nah! until now Jenas?" napakunot ang nuo ko, Paano ako nakilala ng babaeng ito "Patay ka na bakit pinaghihigpitan mo parin ako?" lasing na yata talaga to, baka kapangalan ko lang ang tinutukoy nya. Buhay pa ako at malakas, patay na ang Jenas na kilala nya "Sige na, Uuwi na ko mahal ko" hinila nya ang ulo ko at hinalikan ng mariin sa labi "Bye bye asawa ko" at kumalas na sa akin, Nag se senyas parin sya ng bye bye habang palayo sa akin, okay pa ba yon? makakauwi pa ba yon kung pagewang gewang na sya mag lakad? bahala na nga, hindi naman sya ang trabaho ko kundi ang mga ungas duon. Tiningnan ko ang grupo ni Gregor na nagtatawanan habang nagiinuman at nag kukwentuhan.
*****Cerrah
Ano ba? nalindol ba? bakeeet naikot ang paligid?, Nasusuka ako ah! huminto ako ng bahagya sa gilid ng kalsada para sana sumuka nang biglang may humablot sa akin
"Heyy!" sigaw ko at di ko napigilang masuka nang makapasok na ako sa sasakyan nila.
"Ay pucha! sinukahan ako!" sigaw ng lalaki "Punyeta!" isang malakas na suntok sa tiyan ang naramdaman ko hanggang sa mawalan na ako ng malay.
*****
Nagising ako dahil sa masangsang na amoy sa paligid. Nakapiring ako at nakatali ang mga kamay ko sa upuang inuupuan ko
"Help! Help me!" sigaw ko
"Psstt! Huy!" sigaw ng isang lalaki "Ang ingay mo! istorbo ka sa pag e su surf ko ah!"
"Pakawalan mo ko!" sigaw ko
"Ul*l! ang hirap mo damputin tapos papakawalan lang kita" sigaw ng lalaki
"Bakit nyo ba ako dinukot! help!" sigaw ko
"Pakalat kalat ka sa daan buti nga dinampot pa kita!" sagot ng lalaki
"Helpppp!" tili ko
"Tumigil ka sabi!" sigaw ng lalaki at tila may binato sa akin pero di ako tinamaan "Isa pang ingay tatamaan ka sakin! istorbo to"
"Tulungan nyo ako!" sigaw ko
"Kahit mag susumigaw ka walang makakarinig sayo" wika ng lalaki "Kaya kung ako sayo tumahimik ka nalang bago ka tamaan"
"Pakawalan mo ko stup*d j*rk!" mura ko
"Abat matigas ulo mo ah!" isang sampal sa mukha ang ginawa ng lalaki sa akin. Sa sobrang lakas ay mainit sa pisngi ang pakiramdam, tila namanhid hanggang sa humapdi. "Ano titigil ka na?" Sinipa ko ang lalaki kahit wala akong makita pero naka tsamba ako dahil naramdaman kong nasipa ko ang kung anong parte ng katawan nya "T*rantado neto! di ka talaga marunong madala ah!"
🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂
Guys. sorry kung maikli lang ang chapter na to. Ayaw ko kasing idetalye kung paano pagdiskitahan ni Paolo si Cerrah masyadong violent iyon. I hope you understand
BINABASA MO ANG
#4 When I'm with You (Jenas and Cerrah Book2) 4th Story
Nonfiksi🍂🍂🍂🍂🍂🍂 It's been 2 years since namatay si Jenas, nabuhay nalang ng normal si Cerrah. Hindi na natupad ni Jenas ang pangako nyang babalik sya para magkasama sila ni Cerrah kaya nagpasya syang mag move on na lang. Umuwi sa Pilipinas si Cerrah pa...