🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂*****Saenz
"Pasalamat ka gusto ka pang buhayin ni kuya" wika ni Aluza habang tinatahi ang sugat ko na hindi ginawa ni Jenas kaya bumulwak nanaman ang dugo kanina 😑
"Takot ako" 😑 bagot kong sagot "Grabe nakakatakot si Kuya" pang aasar ko kay Aluza
"Kung pwede ka lang kulamin eh!" inis na wika ni Aluza at padabog na tinapos ang pang gagamot sakin "Bahala kang mag benda sa sarili mo! bahala ka jan!" inis na nag walk out. Umupo si Aluza sa log at naglaro ng apoy sa bon fire. Lumapit sa akin si Jenas at umupo sa tabi ko
"Galit na nga sayo yung tao lalo mo pang ginagalit" wika ni Jenas habang nagbebenda ako
"Hayaan mo sya" sagot ko "Tulungan mo nga ako" utos ko
"Tingnan mo yun" pasimple nyang nginuso ang direksyon ni Cerrah pero hindi tumitingin kaya ako nalang ang tumingin kay Cerrah "Asawa ko ba talaga yun?" tanong ni Jenas at tinali na ang dulo ng benda "Ang creepy nya bok, ang sama ng tingin sakin habang kumakain ng noodles king ina!" di ko mapigil ang matawa
"Yan yung minahal mo sa kanya" sagot ko
"Mas creepy pala ako nuon" sagot ni Jenas at humawak sa ulo "Bakit ako nagkagusto don?"
"Aba malay ko" sagot ko.
Nang lumamig ang paligid ay naglapitan na kami sa bonfire pero mukhang pagod na pagod at inaantok na si Aluza.
"Inaantok ka na?" mahina kong tanong kay Aluza
"Paki mo?" masungit nyang tanong. Ngumisi lang ako at tumayo para ayusin ang hihigaan nina Aluza at Cerrah sa likod ng van.
*****Jenas
Siguro sa sobrang pagod ay napayuko na lang si Aluza habang nagpapainit ng katawan malapit sa bon fire. Tumingin ako sa likod ko para tingnan ang ginagawa ni Saenz, nag lalatag sya ng hihigaan ng mga babae.
Naramdaman ko na tila nakatitig parin sakin si Cerrah. Tumingin din ako sa kanya ayun nga! tama ang hinala ko. Nakipagtitigan ako sa kanya. Napansin kong lalong lumagkit ang tingin sa akin ni Cerrah, dahan dahan nyang kinagat ang labi nya
********* Point Of View ************
Cerrah: Effective ang pang aakit ko, lumunok sya ng malalim.
Jenas: Umayos ka Rivera, tukso lang yan, mas malakas ka kaysa sa tukso
Cerrah: ( Yumuko at kunwaring inaayos ang panggatong pero nang aakit na nakatitig parin kay Jenas)
Jenas: Oh D*mn those cleavage (napakagat labi habang malagkit na nakatingin kay Cerrah)
Cerrah: (Nilabas ang dila at slow motion na dinilaan ang labi)
Jenas: (Wala sa huwisyong napanganga ng bahagya habang sinusundan ang pag galaw ng dila ni Cerrah)
Cerrah: (Muling kumagat sa labi)
Jenas: (Umayos ng upo) T*ng ina mo Junior traydor ka. May GF ka na tapos tumatayo ka pang h*yup ka sa pang aakit ng di mo kilalang babae
******** End of stupid POV ********
*****Saenz
Natatawa ako sa ginagawang pang aakit ni Cerrah kay Jenas, mukhang effective kasi di na mapakali sa pag kakaupo si T*nga 🤣 gusto kong tumawa ng ng tumawa sa nakikita ko pero pinipigilan ko dahil baka bumuka ang tahi sa tagiliran ko, baka hambalusin na ako ni Aluza kapag utusan nanaman sya ni Jenas kaya hinayaan ko nalang ang dalawa na magka intindihan ulit. Sana.
BINABASA MO ANG
#4 When I'm with You (Jenas and Cerrah Book2) 4th Story
Nonfiksi🍂🍂🍂🍂🍂🍂 It's been 2 years since namatay si Jenas, nabuhay nalang ng normal si Cerrah. Hindi na natupad ni Jenas ang pangako nyang babalik sya para magkasama sila ni Cerrah kaya nagpasya syang mag move on na lang. Umuwi sa Pilipinas si Cerrah pa...