𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 7: Cradles

164 9 0
                                    


*****Jenas

Isang unknown number nanaman ang tumatawag sakin at sigurado akong si Saenz nanaman to

"Ano ba Saenz sinabi nang hindi ako mag pu pull out sa misyon ko hanggang hindi sinasabi ng itaas" inis kong sagot sa tawag

"Sa Miyerkules, alas onse ng gabi pumunta ka sa lugar na ite text ko" sagot ng nasa kabilang linya

"Sino ba to?" Tanong ko

"Chase" matipid na sagot ni Chase. Huminga ako ng malalim

"Pati ba naman ikaw Chase?" tanong ko "Ano ba? nakabuntis ba kayo ni Saenz?"

"Hindi no!" sigaw ni Chase "Mag abang ka sa likod ng bahay na yan kapag di ka sumipot, buhay namin ni Saenz ang kapalit kaya sumunod ka nalang"

Agad akong binabaan ng tawag ni Chase. Pambihira, anong nangyari sa mga kaibigan ko? puro bossy, bigla akong nakarinig ng text at minemorya ko sa isip ko ang address.

*****Saenz

Pinaghandaan ko na ang gagawin kong pagpapatakas kay Cerrah, kasabay nun ay dadaan kami sa tinutuluyan namin ni Chase para kunin si Aluza habang si Chase naman ay nakatengga lang sa tabi ni Boss para di sya paghinalaang kasabwat ko.

Nang kumagat na ang dilim ay nagsimula na akong mag lakad papasok sa kinaroroonan ni Cerrah

"Oi Saenz wala kang laban?" tanong ni Oscar sa akin na bantay sa gate ng lumang factory ng sinulid.

"Wala" sagot ko "May transaction sina Boss kanina kasama si Chase" wika ko. Nasa transaction talaga si Boss at Chase, sinadya kong pasamahin sya kahit pwede naman syang tumanggi dahil ayaw kong maghinala sa kanya si Boss. Hindi ko man matapos ang misyon ay sigurado akong ipagpapatuloy iyon ni Chase at ng iba ko pang kasamahan. Ang importante ay mailigtas ko sina Cerrah at Aluza. "Oscar, buksan mo ang gate dahil parating na si Boss gusto nilang makita yung binabantayan nyo"

Dumiretso ako sa CCTV room para patahimikin ang nag momonitor dito. Habang humihigop ng kape ay sinunggaban ko kaagad ang leeg nya para mabali ang mga buto nito. Isang tahimik na pamamaraan ng pagpapatahimik ng kalaban. Nang mawalan na ng buhay ang kalaban ay sinira ko ng palihim ang hardware at controller sa CCTV at dali dali kong tinungo ang kinaroroonan ni Cerrah

"Jam!" tawag ko. Tumingin sakin si Jam at umakbay ako sa kanya "Papalitan daw muna kita kailangan ka sa CCTV room" nang pumayag at tumalikod si Jam ay syang sunggab ko nanaman sa leeg nya. Pinaupo ko sya sa upuan para kunwari ay nakatulugan lang nya ang pagbabantay. Dagli dagli akong pumasok sa loob para tanggalin ang piring ni Cerrah

"Saenz" wika ni Cerrah nang makita nya ako. Walang patumpik tumpik na kinalas ko ang pagkakatali sa mga kamay at paa. "Anong ginagawa mo? baka mapahamak ka" bulong ni Cerrah

"Dati na akong nasa kapahamakan" sagot ko at inalalayang tumayo si Cerrah. "Kumilos ka na kung ayaw mong mas mapahamak tayo ng sobra"

"Hindi ako makatakbo ng maayos" iika ikang takbo ni Cerrah. Sa sobrang higpit ng pagkakatali sa kamay, braso at paa nya ay nagkasugat ito at nagkapasa kaya naman inalalayan ko sya

"Pasensya na hindi kita pwedeng buhatin o ipasan baka may  makasalubong tayong kalaban" wika ko. Nang nakalabas na kami ay may nakasalubong kaming kalaban

"Saenz!" sigaw ng kalaban at bumunot ng baril, agad kong pinaputukan ito habang tumatakbo palayo at nang makakita ako ng likuan ay tinulak ko duon si Cerrah para makapag tago. Nakipag palitan ako ng putok ng baril habang ginagawa kong barrier ang pader ng nilikuan namin.

"Cerrah kaya mo bang tiising tumakbo kahit masakit ang paa mo?" tanong ko habang nakikipag barilan

"Kakayanin ko wag lang akong mamamatay!" sigaw ni Cerrah habang nakatakip ng kamay ang tainga nya "Ahh!" tili nya

"Good" sagot ko "Malapit na akong maubusan ng bala pati reserba tumakbo ka ng mabilis i co cover kita" wika ko "Tahakin mo ang diretsong pasilyo at kumaliwa ka sa crossing"

"What?!" sigaw ni Cerrah "There is no Freaking way I'm doing that"

"Then prepare to die Young Lady"  sagot ko.

****Cerrah

Young Lady  again for the second time, Narinig ko nanaman ang madalas na itawag sakin noon ni Jenas. Prepare to die? ayaw ko pang mamatay pero nang maalala ko ulit si Jenas ko 🥺 parang gusto ko nang sumunod sa hukay, but I know hindi gugustuhin ni Jenas na mamatay ako sa ganitong sitwasyon. Palaging nilalagay ni Jenas sa panganib ang buhay nya para protektahan ako, para hindi ako mapahamak kung mamatay ako ngayon dito I'm sure katakot-takot na sermon ang aabutin ko sa kanya sa kabilang buhay, at kung mamatay na rin si Saenz ay sigurado akong gagawin syang double dead ni Jenas

"Cerrah, decide, do you want to die here or you're going to do my order?" tanong ni Saenz

"Cover me Saenz, I'll run as fast as I can just don't give up on covering me. I'm counting on you" wika ko

"I'll protect you" sagot ni Saenz

*****Saenz

"I'll protect you" sagot ko kay Cerrah. Pinangako ko yan kay Jenas bago magka buhol buhol ang sitwasyon naming lahat, at pinapangako ko naman sayo Cerrah, magkikita at magkikitang muli kayo ni Jenas, gagawa ako ng paraan para magkalapit ulit kayong dalawa kahit pa kapalit non ay ang pagtalikod ko sa aking misyon.

Nang mapalitan ko na ng magazine ang baril ko

"Run Cerrah!" command ko. Iika-ika man ay pinilit ni Cerrah na tumakbo, sumunod ako habang nagpapaulan ng bala sa kalaban gamit ang dalawang 45 na hawak ng magkabilang kamay ko. Nang makarating kami sa crossing ay lumiko kaming dalawa "Run! Faster!" sa sigaw ko ay siguradong nagpanic si Cerrah. Ganitong ganito ang training namin sa pamumuno ni Salvador (Ama ni Chase) Kapag mabagal kaming tumakbo sa training ay sisigawan kami ni Salvador at pinapahabol sa aso kaya naman sobra kaming natataranta at napapakaripas ng takbo dala ng Adrenaline rush. Dahil sa bumabagal na ang takbo ni Cerrah ay mabilis ko syang pinasan papunta sa tinago kong motor sa likuran ng mapupunong lugar ng buong compound. "Sakay Bilis!" nang makasakay si Cerrah ay inabot ko sa kanya ang ang bag na nakasabit sa handle grip ng motor ko "Marunong kang bumaril?" tanong ko

"A----little?" di sure na sagot. "Tinuruan na ako ni Jenas nuon kung paano gumamit ng baril pero that was 2 years ago pa"

"Pag may makita kang tao na galing dito sa compound wag kang mag dalawang isip na barilin sila" wika ko at nag simula nang paandarin ang motor. Hinarurot ko ang patakbo.

"Harangin nyo si Saenz!" sigaw ng ibang mga tauhan.

Bang! bang!

"Oh my gosh!" tili ni Cerrah. Napangiti ako

"Nice!" puri ko, may talent din pala sa panlulumpo tong si Cerrah "Patamain mo sa ulo" utos ko

"No freak'n way" maarteng sagot ni Cerrah

  Bang! Bang! Bang! Bang!

Bago pa man kami mabaril ng mga kalaban ay mabilis na tinatamaan ni Cerrah ang mga tuhod at hita nila dahilan para maparalisa ang binti nila at mahirapang makahabol samin

"Traydor ka Saenz!" sigaw ni Oscar na nag sasara ng gate

Bang!

"Ahh!" pamimilipit ni Oscar sa sakit habang nakahiga sa lupa at nakakapit sa duguang hita

"Sorryyy!" sigaw ni Cerrah nang madaanan namin sya palabas ng factory

"Hayup ka Saenz!" pahabol na sigaw ni Oscar sa akin.

#4 When I'm with You (Jenas and Cerrah Book2) 4th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon