𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 5: Saenz Saenz Fortalejo

186 7 0
                                    


🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂

Saenz POV

Habang papalapit ako sa pintuan ng hideout namin ay nakita kong nag uusap ang dalawang lalaking nag babantay sa iisang pintuan ng kwarto. Iniisip ko kung bakit sa oras ng gabing ito ay agad akong ipinatawag ni boss para pumunta dito.

"Bakit daw ako pinapunta ni Boss dito?" tanong ko.

"Ikaw daw muna ang mag bantay sa bisita natin, kailangan ng karelyebo ni Paolo" sagot ng lalaki.

"Ikaw? Anong gagawin mo?" tanong ko. bakit ako pa ang kailangan mag bantay ang dami naman ng tao dito

"May lakad kami kasama si Boss" matipid na sagot ng isa.

"Sya, sya, hanggang anong oras ako dito?" bagot kong tanong.

"Hanggat may dumating na kapalit mo." Sagot ng lalaki. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod dahil mas nakakapagod namang sumama sa byahe ni Boss kaysa sa umupo lang at man trip ng babantayan.Pag pasok ko sa loob ng kwarto ay naabutan ko pa ang pag sampal ni Paolo sa mukha ng babae habang nakahiga ito sa sahig.

"Duduraan mo pa ulit ako?!" tanong ni Paolo.

"Pwe!!!" dura ng babae. Tinitigan ko ang babae na tila pamilyar.

"Abat!" Sigaw ni Paolo at sinampal ulit.

"Aaaaaaaaaaa!!!!" Gigil na tili ng babae. 'Putcha! Bakit ba lahat nalang ng babaeng dinadagit sa daan ng mga ulol kong kasamahan ay puro kakilala ko? balak yata nila akong idispatcha ng di nahahalata ni Boss ah!'

"Lumalaban ka pa ah!" sasampalin sana ulit ni Paolo ang babae pero lumapit ako sa kanila, akmang naka upo na ang babae sa sahig para manlaban kay Paolo, mula sa likod ng babae ay lumuhod ako at hinila sa bulsa ko ang mahaba kong panyo para ipantakip sa mata ng babae.

"Tama na Pao, baka malagot ka kay Boss kapag makitang puro galos tong bisita natin" puna ko sa kasama ko habang pinipiringan ang babae, pumipiglas sya kaya kinutusan sya sa ulo ni Paolo "Husto na Pao. Magpahinga ka na sa labas, ako na ang papalit sayo ngayon" Pinisil ni Paolo ng marahas ang magkabilang pisngi ng babae dahilan para humugis letrang 'O' ang bibig nito.

"Pasalamat ka may kapalit ako, kung wala pagdidiskitahan kita ng matindi" banta ni Paolo. Ngumisi lang ako.

"G*go!" sigaw ng babae.

"Talagang humahabol ka pa ng!" Gigil na sigaw ni Paolo at akmang susuntukin na ang babae pero hinawakan ko ang kamao nya.

"Tama na diba?" tinitigan ko si Paolo sa mata at seryosong kinausap. Walang anu ano ay ngumisi si Paolo at tinalikuran ako palabas ng pinto. Medyo may takot sila sa akin dahil bukod sa kanang kamay ako ni Boss ay ako ang pinaka kampeon nya sa underground fight club nya sa sindikato. Walang nag tatangkang lumaban sa akin dahil ang kawalan ko ay kawalan ng pasok ng limpak limpak na pera sa pitaka ni Boss. "Ikaw naman" kinausap ko ang babae habang inaalalayang umupo sa upuan "Di ka na sana lumaban para di ka nasaktan"

"Kinidnap nyo ako tapos di ako manlalaban?! Ano ako sira ulo?" galit na sagot ng babae.

"Masyadong matabil yang bibig mo, kung wala lang akong plano jan sa bunganga mo binusalan ko na agad yan ng telang punong puno ng sili" pananakot ko. biglang natigilan ang babae at tumahimik. Di ko alam kung saan sya natakot, kung sa plano ko sa bibig nya o pag bubusal ko ng maanghang na tela sa kanya. Ngumisi ako." Good Girl" bulong ko sa kanya habang tinatali sya sa upuang may sandalan

#4 When I'm with You (Jenas and Cerrah Book2) 4th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon