𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 42: Savanna II

131 6 0
                                    

🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂

*****Jenas

Sa training namin ay palaging napaparusahan si Saenz, palagi kasi syang huli na nakakarating sa call time at iyon ay ayaw na ayaw ni Salvador hanggang sa mapuno na sya at pinaharap sa amin si Saenz na halos mahimatay na sa kakatakbo.

"Anong dahilan mo bakit palagi ka nalang nahuhuli sa pag sasanay Saenz?! gusto mo bang ipagpatuloy ang misyon o hindi?!" galit na sigaw ni Salvador. Ngayon lang namin nakita ang labis na galit nya

"Gusto po!" matigas na sagot ni Saenz, nakatindig pa rin sya ng maayos "Tinutupad ko po ang pangako ko kay Jenas!" natigilan ako nang marinig ko iyon, natigilan din si Salvador "Napag alaman ko na sa liblib na lugar dito sa barrio ay may isang mansion na nag sisilbing casa, may mga babae duon na nag ta trabaho bilang sex workers! malakas ang kutob ko na konektado ito kay Savanna at sa misyon"

"Paano mo nasabi na konektado kung kutob pa lang Saenz!" sigaw ni Salvador

"Alam ng buong barrio na pribadong mansion iyon ng dayuhang nakabili ng lupa kaya walang naghihinala, kahit na ang gobyerno ng lalawigang ito ay walang kamalay malay na isa itong Casa kung saan ang mga parokyano ay dayuhan at hindi sila nagpapapasok ng mga tao na taga dito lang sa bayan at kahit sa kalapit bayan. Ang mga babae ay mula sa iba't ibang lugar, dinukot sila at pinapainom ng droga para maging high sila sa tuwing may parokyanong gumagamit sa kanila" paliwanag ni Saenz

"Saenz" lumambot ang tono ni Salvador "I record mo iyan at i document mo ang impormasyon na nalaman mo, dadalhin ko iyan sa bureau para mapag usapan at mabigyan agad ng aksyon" utos nya "Sa ngayon, lahat kayo ay mag manman sa paligid" nagkatinginan kaming magkakaibigan "Pagkatapos mong i document ang mga impormasyon ay i discuss mo naman sa mga kasamahan mo, ito ang unang misyon nyo na mahahaluan ng karahasan kaya mag handa kayo" bago pa man umalis si Salvador sa harap namin ay may sinabi ulit sya samin "Walang magpapahuli, Mas maiging mamatay nalang kayo kaysa sa mapasakamay kayo ng kalaban"

*******

Tatlong araw lang ang lumipas ay naglabas ng order ang bureau na i raid ang mansion na sinasabi ni Saenz na nag o operate bilang casa at drug den, sapat na ang ilang araw na iyon para pag aralan at gawan ng plano ng bureau.

Ito ang pinakauna naming misyon kung saan hahawak kami ng baril at handang pumatay para sa sariling kaligtasan.

Bawat sector ay may representative at ang nangunguna sa raid ay ang sector namin.

Dahan dahan at maingat naming pinasok ang mansion na may mga armading bantay, gamit ang close combat at silenser ay nagawa naming mainfiltrate ang pinaka loob ng mansion ng walang kaingay ingay, bumulaga kami sa mga taong nasa loob at nang masigurado naming hawak namin ang baraha ay nag simula na kaming umalarma

"Raid! Raid!" sigawan ng mga tao, kanya kanyang takbo sila at kanya kanyang habol at huli kami

"Jenas!" tawag sa akin ni Saenz "Sa mga kwarto kwarto naka kulong ang mga babaeng bihag nila baka nanduon din si Savanna" gusto ko mang iwan ang pwesto at trabaho ko ay di ko magawa nang tapikin ako ni Chase sa balikat

"Pumunta na kayo sa itaas, kami na nila Blass ang bahala dito" wika ni Chase. Ayaw ko pang umalis sa pwesto ko nang mag salita si Blass

"Kami nang bahalang sumalo ng parusa bok" sagot nya. tumungo tungo ako at sabay kaming umakyat ni Saenz, kasama sina Flare at Gertrude sa itaas, nabigla pa ang ilang taga sector na naka toka sa second and third floor pero hinayaan nalang nila kami, isa isa naming pabiglang binuksan ang mga pinto at may mga babaeng high na high sa drugs ang nakahiga sa kama, pawisan sila at hubo't hubad. Hindi kami tumigil sa paghahanap hanggang sa pinaka dulo, isang maganda at tinted na salamin ang nakita namin, Wala itong pintuan, pinagmasdan ni Gertrude ang dingding at kinapa kapa hanggang sa may mahawakan syang naka umbok, tinilak nya ito at biglang gumalaw ang dingding na nagsisilbing pintuan, agad kaming pumasok duon at sa isang napaka gandang kama, may isang babaeng nakahiga, hindi sya gumagalaw o nagsasalita kagaya ng ibang mga babae na nakita namin kanina, Lumapit ako sa kanya at nakadama ng takot nang makitang si Savanna iyon.

"Sav!" agad kong uinawakan ang ulo ni Savanna, inilapag ko ang baril na hawak ko sa kama at agad naman iyong hinawakan ni Saenz "Sav!" naiiyak na ako dahil hindi nag re respond si Savanna, lumapit na sa akin sin Gertrude habang nag aabang sa pibtuang pader Flare "Bok! hindi sya gumagalaw!" parang mababaliw na ako, hinawakan ko ang pulso nya "Wala na syang pulso Bok!" Nakadilat si Savanna, mainit init pa sya at bumubula ang bibig, inilawan ni Gertrude ang katawan ni Savanna, galit na galit ako na nakita ko. Naka hubo't hubad sya, puro pasa ang katawan, may bakas ng tali sa leeg, dibdib, kamay at paa, bahagyang nakabuka ang hita ni Savanna at ang pagkababae nya ay punong puno ng bagong tulong puti na katas "Savanna!" sigaw ko habang umiiyak, gusto kong mag wala, inilayo ako ni Saenz sa bangkay ni Savanna habang si Flare ay hinubad ang suot na jacket at itinabon sa kahubadan ni Savanna, nag puntahan sina Chase, Blass, Blake, Sylfaen at Diether para pag aralan ang paligid.

"Bok, mainit init pa si Savanna" wika ni Chase at nakahawak sa leeg nya, "Pero wala na syang pulso at heart beat" alam ko ang ibig nyang sabihin, kamamatay lang ni Savanna, sariwa pa ang katas na tumutulo sa ari nya, ibig sabihin kakagamit lang sa kanya ng sadistang bumugbog sa kanya.

"Papatayin ko sila! papatayin ko sila!" galit kong pag wawala sa loob ng kwarto, inaawat na ako ng mga kasamahan ko

*********

Tahimik ang buong grupo namin habang nasa morgue kami. Walang nag sasalita at lahat ay nagluluksa, naging malapit din sa kanila si Savanna. Alam ng nobya ko ang nature ng trabaho ko at welcome sya sa training ground namin, naging matalik nyang kaibigan si Gertrude at naging no.1 fan nya si Saenz pag dating sa niluluto nyang pagkain. Malapit din ang loob ni Salvador kay Savanna dahil sya ay nagkukusang magluto at maglinis ng barracks namin.

"Mag desisyon ka Jenas" biglang pumasok sa morgue si Salvador "Ipapaalam ba natin sa pamilya ni Savanna ang nangyari sa kanya o ililihim lang natin?"

"Ayaw kong malaman nila na ganito ang nangyari kay Savanna" malungkot kong sagot "Kapag malaman nilang nandito sya, magpupumilit silang makita ang katawan nya, ayaw kong makita na madurog ang puso nila kagaya ng pagkadurog ng puso ko"

Nang ma raid ang casa ay agad kaming pina pull out ng bureau, lahat ng sector na may kinalaman sa pag infiltrate, pag mamanman, undercover at iba pa ay pina pull out upang hindi ma expose sa media at madla, hinayaan naming mga pulis ang humandle ng nangyari. Hindi kami famewhore na nagyayabang sa accomplishments na nagawa namin at hindi rin naman credit grabber ang mga pulis na pumalit sa amin para humarap sa mga tao. Utos at protocol ng organisasyon namin iyon, trabaho lang walang personalan. Pabor din sa amin na nakatago ang identity namin, the more na expose kami sa tao the more na nakalaylay ang buhay namin sa kapahamakan.

Kasama ng pag pull out sa amin ay ang order ng bureau na isama si Savanna, bibigyan sya ng proper burial dahil isa sya sa mga beneficiries na naisulat ko sa contrata, pero nasa akin parin ang desisyon kung anong gagawin sa bangkay ni Sav.

Pabor ang bureau sa pasya ko, wala na silang poproblemahin na ipaliwanag kung paano namin natagpuan si Savanna, tulad nga ng sinabi ko, hindi kami ma e expose sa mga tao kaya agad nilang inayos ang lahat ng kailangan para sa maayos na paglilibing kay Savanna.

🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂

Na i stress ako sa nangyari kay Savanna, Sorry Sav
Sorry din Jenas kasi talagang winasak ko ang puso mo,
kailangan kong gawin yon, duon ka lalakas,
duon ka matututo, duon ka gagaling

#4 When I'm with You (Jenas and Cerrah Book2) 4th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon