𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 46: Faber Drive

138 5 0
                                    


🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂
Sound Trip Guyz!
When I'm with you by: Faber Drive
mahinahon kong wika 🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂

*****Jenas

"Si Saenz?" tanong ko kina Aluza at Cerrah na kumakain ng kung ano.

"Hmm? pupunta daw sya sa bayan" sagot ni Aluza, lumapit ako kay Cerrah at hinawakan ang kamay nya na may hawak na tinidor, isusubo na sana nya ang pagkain pero kinontrol ko ang kamay nya para sa akin maisubo ang nakatuhog sa tinidor. Casual na lang sa akin na makisalo ng utensils kay Cerrah, kadiri ba? pasensya na hindi ako nandidiri sa kanya eh 🤣🤣

"Panay dayo nya sa bayan, sana pinigilan nyo kung di naman importante baka ma expose sya sa mga kalaban" wika ko at pumunta sa lababo para kumuha ng baso at nag sahod ng tubig sa jug para uminom.

"Importante daw eh" sagot ni Aluza

"Kanina pa sya umalis?" tanong ko

"Tadaima!" biglang sumulpot sa pintuan si Saenz (I'm home!) pumasok sya sa loob ng bahay at sumalampak sa upuan "Kakapagod" inilapag nya ang tatlong supot sa sahig

"Ano yan?" tanong ko

"Grocery" sagot ni Saenz

"Madami pa tayong stock ah, wag kang labas ng labas-" hindi ako natapos sa pag sasalita dahil tila hindi nakikinig si Saenz sa sermon ko. Agadsyang tumayo bitbit ang isang supot at lumapit sa mga babae

"May pasalubong ako sa inyo girls" wika nya

"Talaga?!" masayang sagot ng dalawa

"Kinakausap kita Saenz" wika ko at humarap sa tatlo na busy sa pag kakalkal ng supot

"Wow!" masayang wika ng dalawang babae, inangat ni Cerrah ang kulay orange na dress samantalang lavender color naman ang kay Aluza, pareho ng design pero magkaiba ng kulay

"Ang ganda naman" puri ni Cerrah

"Nagustuhan nyo ba?" masayang tanong ni Saenz. Nag pa maywang ako, ginawa akong invisible ng tatlo. 😑 "Aluza, ikaw? nagustuhan mo?"

"I love it" masayang sagot ni Aluza "Na tsambahan mo ang favorite color ko" napangisi ako. Hindi tsamba yun! alam nya talaga lahat ng tungkol sayo wika ko sa sarili ko.

"Bakit bigla kang bumili nyan?" tanong ko at lumapit kay Cerrah para iksaminin ang damit kung revealing ba ito o hindi "Good"

"Good?" tanong ni Cerrah

"Akala ko labas cleavage mo jan eh, ipapasuot ko sana kay Saenz" sagot ko "Para saan yang damit Saenz?"

"Bayle" sagot ni Saenz. Bayle? uso pa ba ang bayle dito? "May pasayaw mamayang gabi sa bayan, punta tayo"

"Nasisiraan ka ba ng bait bok?!" gulat kong tanong "Paano kung makita tayo ng mga kalaban?!"

"Shhh! uso mag disguise Bok!" kumindat si Saenz sa amin.

******* kinagabihan

Bagot akong nag hihintay sa mga kasama ko sa patio, umalis si Saenz para kumuha daw ng sasakyan? paano makakapunta yung sasakyan dito eh, liblib tong lugar na to. Maya maya ay may natanaw akong ilaw hanggang sa maaninag ko na motor ito sakay si Saenz na palapit sa akin, napatayo ako sa bigla,

"Damn!" mura ko, huminto ang astig na motor sa harapan ko

"Wala pa sila?" tanong ni Saenz

"Kailan ka pa nagka Ducati?" tanong ko

"Eto ba? matagal na tong nakatago sa secret garage ko" nakangiting sagot ni Saenz "Sa likod may ganitong motor din ako" napataas ang kilay ko, sa likod puro tanim na maririnig sa bahay kubo 😑

#4 When I'm with You (Jenas and Cerrah Book2) 4th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon