𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 90: Grand Ball (Perfect)

93 4 0
                                    

        
🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂

Soundtrip Guys:
Perfect (Song by Ed Sheeran)

Nag simula nang nagpatugtog ng love songs Perfect (Song by Ed Sheeran) ang incharge sa sound system kaya kanya kanyang aya ng partner ang mga lalaking guest sa mga ka date nila. Tumayo si Chase at inilahad ang kamay nya kay Coco

         "Shall we?" tanong ni Chase, ngumiti si Coco at humawak sa kamay ni Chase, inalalayan sya ng binata hanggang sa makarating sila sa dance floor

         "Gusto mong sumayaw?" tanong ni Sylfaen kay Avyghale
         "Kailan ka pa natutong sumayaw?" tanong ni Avy sa kanya
         "Tara na! pakipot ka pa!" sagot ni Sylfaen at tumayo sa upuan, hinila nya si Avyghale sa dance floor.

         "Kailan kaya ako aayain sumayaw ng bf ko? " tanong ni Cerrah, napangiti si Jenas
        "Baka maapakan ko ang paa mo" sagot ni Jenas
        "Aapak na lang ako sa paa mo para hindi mo maapakan ang paa ko" sagot ni Cerrah. Tiningnan ni Jenas sa mata si Cerrah at umupo para tanggalin ang suot na sandals ni Cerrah, nang naka yapak na lang ang dalaga ay binuhat nya ito ng bridal style papuntang dance floor.

        Biglang tumayo si Sendo at walang sabi sabi na hinila si Smile papunta kina Chase kaya walang nagawa si Smile kundi sumunod na lang ito. Inalalayan naman tumayo ni Sagara si Ren para sabay silang pumunta sa dance floor.

        Napansin ni Segen na tila nag aalangan si Flare na ayaing sumayaw si Astrid dahil umiiwas ng tingin si Flare at kunwari ay nanonood sya sa mga nasayaw samantalang si Astrid ay mayat maya ang inom ng wine. Si Saenz naman ay talagang walang pakialam sa ka date nya naka cross arm lang sya habang nakasandal sa upuan at nanonood ng mga sumasayaw samantalang si Aluza ay nakayuko lang at nilalaro ang daliri nya.

          "Wow! sila na may ka date" wika ni Segen, tumingin ang apat sa kanya "Diba?" hindi sila sumagot at binalik ulit ang atensyon nila sa kanikanilang ginagawa. Tumayo si Segen at lumapit kina Flare "Flare hindi mo ba aayaing sumayaw si Astrid?" tanong ni Segen, nagkatinginan sina Flare at Astrid habang pinapanuod nina Saenz at Aluza kung ano ang isasagot ni Flare
         "Bakit gusto mong sumayaw?" tanong ni Flare
         "Oo" sagot ni Segen pero bago pa man tanungin ni Flare kung gusto ni Astrid na maki sayaw kay Segen ay agad hinila ni Segen patayo si Flare at tumalon sa likod nito para makapasan "Tara Flare! isayaw mo ako sa dance floor" nakayuko na si Flare sa bigat ni Segen
         "Seryoso ka?" tanong ni Flare
         "Ayaw mo namang isayaw ang babae edi ako na lang ang isayaw mo" sagot ni Segen, nag pipigil na tumawa sina Astrid at Aluza
         "Ayaw ko nga" sagot ni Flare at winasiwas si Segen para kumalas sa likod nya. Lumapit sya kay Astrid at kinuha ang hawak na glass wine ng dalaga
          "Astrid, marami ka nang nainom, baka malasing ka, ipapawis mo yan" halos ipagtulakan ni Segen si Astrid palapit kay Flare
         "Hindi naman nakaka lasing tong ladies drink" sagot ni Astrid
         "Flare! isayaw mo na yan, lasing na yan!" tinulak ni Segen ang dalawa hanggang sa makarating silang tatlo sa dance floor "Kayo nang bahala jan ah" iniwan ni Segen ang dalawa na hindi alam ang gagawin sa isa't isa. Lumapit si Segen kina Saenz at Aluza

         "Saenz! gusto m-" hindi pinatapos ni Saenz ang sasabihin ni Segen dahil alam nyang gagawin din ni Segen sa kanya ang ginawa nya kani kanina lang kay Flare kaya tumayo ito at hinila patayo si Aluza at pumunta sila sa dance floor. "Enjoy!" masayang pahabol ni Segen at umupo ng mag isa sa upuan nila habang pinapanuod na sumayaw ng sweet ang mga kaibigan nya.

Naka sandal ang ulo ni coco sa dibdib ni Chase habang yakap sya ng binata

Si Sylfaen at Avyghale naman ay nag aapakan ng paa, sinasadya nilang apakan ang isa't isa

Si Cerrah ay naka apak sa paa ni Jenas habang magkayakap sila at sumasayaw

Si Sendo naman ay humahawak sa bandang balakang ni Smile pero kinukuha ni Smile ang kamay ng binata para ibalik sa paghawak sa baywang nya kaya natatawa si Sendo at pinapaulit ulit ang pang aasar sa dalaga

Si Ren at Sagara ay seryoso at masasabing sa magkakaibigan ay sila lang ang pormal na sumasayaw

Sina Flare at Astrid ay nagkakahiyaang mag hawakan ng kamay kaya ng mapakagat ng labi si Astrid ay huminga ng malalim si Flare kaya sinubsob na lang nya ang mukha ni Astrid sa dibdib nya para hindi na mahiya ang dalaga

Si Aluza naman ay naiirita kay Saenz dahil habang nasayaw sila ay naka titig lang ito sa mata nya kaya naiwas ng tingin si Aluza pero hinahawakan ni Saenz ang pisngi ng dalaga para iharap sa kanya at makipag titigan parin.

***************
Bakit kaya sobrang hyper ni Segen?
Magaling syang maging match maker pero wala syang love life no? how saklap his life diba?
Bakit sa lahat ng story ko may mga love songs at detalyado ang lyrics? e kasi, i love music! tsaka ayaw nyo non? di lang kayo nag babasa nag sa sound trip pa kayo charrr!
Talagang okay na sina Chase at Coco no?
Sina Jenas at Cerrah din pati sina Sagara at Ren well, good for them!
Si Sylfaen at Avyghale naman paano kaya susuyuin ni Sylfaen si Avy kung titibo tibo na ang dalaga at tropa parin talaga ang turing sa kanya.
Makakuha kaya ng Second chance si Sendo kay Smile at Kailan kaya maaayos ang relasyon ni Flare at Astrid.
Si Saenz kaya, napaka mysterious nya no? cold sya kay Aluza pero gusto naman nyang nakatitig lang sa mata nya ang dalaga.

#4 When I'm with You (Jenas and Cerrah Book2) 4th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon