𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 62: Doubt

142 8 0
                                    


🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂

ALUZA's POV

Maaga pa lang ay bumaba na ako para mag estima ng almusal namin, mamaya ay mag ha harvest kami ng ilang gulay at prutas na makikita namin sa bakuran na tinanim ni Saenz, Nagluto ako ng sinaing gamit ang pugon nang kumulo ang sinaing ay inangat ko ang takip dahilan para lumabas ang steam ng bagong kulong bigas, nagulat ako nang nasa tabi ko pala si Saenz, kukuhain nya sana ang tooth brush nya pero nausukan sya ng sinaing kaya napaatras sya

"Ay sorry" wika ko at isinara ang sinaing

"Okay lang" sagot ni Saenz at itinuloy ang pagkuha ng toothbrush at toothpaste, pumunta sya sa lababo at nag sipilyo, nakatitig lang ako sa kanya, napansin kong kahit nuong nasa dating tirahan pa kami ni Saenz ay mahilig itong matulog na walang suot na damit pang itaas, palaging naka pajama lang sya, kita ko parin ang mga galos at pasa na nakuha nya sa huling labang nya sa UF at nuong tumakas kami kina Paolo, nang matapos mag sipilyo ni Saenz ay magtitimpla na sana sya ng kape pero napansin nyang walang tubig sa termos

"Ahm, Saenz, hindi pa ako nakapag pakulo ng tubig, inuna kong mag saing kasi wala nang pang gatong medyo nagugutom na rin ako" wika ko

"Ganun ba? Sige mag sisibak muna ako" sagot ni Saenz

Lumabas si Saenz bitbit ang isang palakol, nag simula na syang mag sibak ng kahoy, kumuha ako ng gulay na kalabasa at binalatan sa lababo habang nanunuod sa pag sisibak ni Saenz, talagang nakakahanga ang katawan nya, halatang halata na maalaga sya sa katawan dahil Physically Fit sya

"Busog ka na ba?" nabigla ako ang sumulpot sa likod ko si Kuya Jenas kumuha sya ng tooth brush nya at tooth paste namula ako sa hiya shocks! Nahuli ako ni kuya na pinagpipiyestahan ng mata ko ang katawan ni Saenz, habang nag sisipilyo sya at nag gagayat ako ng gulay ay kinakausap ko sya.

"Kuya, nakakapagtaka si Saenz, May mga panahong halos pareho sila ni Jancen ng kinikilos at postura" wika ko, nang nagmumog na si Kuya ay pinunasan nya ng bimpo ang bibig nya "Tapos may panahong parang ang dami nyang alam samantalang nuon ay slow sya sa klase nila"

"Paano mo nasabing slow sya?" tanong ni kuya

"Sa batch kasi namin ay si Jancen ang candidate para maging salutatorian kung hindi sya namatay, favorite subject ni Jancen ang Science at palaging bagsak naman si Saenz pero nuong may meteor shower, ang galing galing ni Saenz magpaliwanag" sagot ko

"Sigurado ka bang si Jancen ang candidate nyong maging Salutatorian nuon?" tanong ni kuya, kumuha sya ng baso at nilagyan ng tubig

"Anong ibig mong sabihin kuya?" tanong ko, pinanuod ko sya habang iniinom ang tubig nya at nang malagok nya na ito ay inilapag ni kuya ang baso sa lababo

"Paano kaya kung ang talagang matalino ay si Saenz at hindi si Jancen? Paano kung ang mabait talaga ay si Saenz at ang barumbado ay si Jancen? Paano kung ang boyfriend mo talaga nuon ay si Saenz at di Jancen?" tanong ni kuya, umiling iling ako at tumingin kay Saenz na nag pupulot na ng mga nasibak na kahoy

"Imposible yun kuya" tanggi ko

"Paano lang naman" wika ni kuya "Pwede ring boyfriend mo si Jancen pero pag busy sya pwedeng si Saenz ang pinapapunta nya sa date nyo, paano kaya pag ganun?" tumingin sya sa akin "Ako kahit gaano ko kamahal ang gf ko may mga panahong wala akong time sa kanya, hindi lahat ng oras ko nabibigay ko sa gf ko"

"Anong ibig mo bang sabihin kuya?" sa pagkakataong ito ay nagtaka na ako.

"Matalino ka Aluza kaya alam kong malalaman mo ang ibig kong sabihin at may tiwala ako sayo na masasagot mo ang tanong ko, basta pag isipan mo lang ang sinabi ko" sagot ni kuya at umiwas na sa akin nang makalapit sa amin si Saenz bitbit ang mga panggatong

#4 When I'm with You (Jenas and Cerrah Book2) 4th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon