𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 65: hunt

139 7 1
                                    


🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂

*****Aluza

Mabilis kong naintindihan ang kwento ng nakaraang katotohanan sa pagitan namin ni Saenz, di ko alam kung iiyak ako sa tuwa o sama ng loob dahil sa pag sisinungaling nya. So, si Saenz ang totoong BF ko, though una kong naging bf si Jancen pero... after ng anniversary namin ay mas minahal ko ang lalaking karelasyon ko ng husto eh, ibig sabihin sa mga actions ni Saenz ako napamahal at inakala ko lang na si Jancen iyon dahil sobrang magkamukha sila. Pero hindi iyon ang issue, gusto ko talagang sampalin si Saenz

"Bakit hindi mo agad sinabi iyon Saenz?" tanong ko

"Gusto kitang protektahan" sagot ni Saenz

"Protektahan sa paanong paraan?" tanong ko

"Lahat ng importante sa akin ay napapahamak, hindi ko inamin sayo ang totoo dahil pag malaman mong ako ang minahal mo" hindi ko pinatapos si Saenz

"Makakaabala ako sa misyon mo?" tanong ko

"Hindi" sagot ni Saenz "Handa mong isuko ang lahat para sa akin, ayaw kong isuko mo ang pamilya at kinabukasan mo para makasama lang ako, ayaw kong malaman ng kalaban na importante ka sa akin dahil ikaw ang kahinaan ko, mahal kita at ang paraan lang para ma protektahan ka ay ilihim sayo ang katotohanan" pag amin ni Saenz

*****Saenz

Sabay kaming natigilan ni Aluza nang may narinig kaming langitngit ng pinto sa ibaba, tila mag nanakaw na dahan dahang nag bukas ng pinto ang narinig namin kaya, sumenyas ako na tumahimik si Aluza at dahan dahang hinila papasok sa kwarto ni Cerrah. Agad kong ni lock ang pinto at sinimulang ikasa ang baril

"Baka sina kuya yon?" bulong ni Aluza

"May code tayo bago pumasok sa bahay diba?" bulong ko "At hindi sila ganon mag bukas ng pinto, balahura si Jenas mag bukas, pabalagbag" paliwanag ko. Mag sasalita pa sana ulit si Aluza nang takpan ko ang bibig nya "Shhhh..." bulong ko. Nakikinig lang kami sa mahihinang yapak paakyat. "Gumapang ka papunta sa terrace. Huwag na huwag kang sisilip sa veranda" dahandahang sumunod sa utos ko si Aluza, sumunod ako kay Aluza ng bahagya para abangan ang kumakalikot sa doorknob ng kwartong pinatataguan namin, pag bukas ng pinto ay agad kong pinaputukan ng baril ang kalaban dahilan para matumba sya, nag akyatan ang iba nilang kasama pero mabilis kong hinila si Aluza sa gilid ng terrace kung saan may nakatambak na mga dayami sa ibaba "Talon!"

"Ha?!" tanong ni Aluza

"Talon!" sigaw ko, umiling sya pero binuhat ko sya at tinapon sa ibaba

"Aahhhh!!" tili ni Aluza. Pagtapos ay sumunod akong tumalon, Mabilis akong tumayo at hinila patayo si Aluza para tumakbo sa likod kung saan nakatago ang mga motor ko.

"Sino sila?!" pasigaw na tanong ni Aluza habang inaayos ko sa ulo nya ang helmet

"Marunong kang bumaril?" tanong ko, I'm sure marunong to, tinuturuan ni Jenas ang mga kapatid at pinsan nya

"Konti" sagot ni Aluza

"Good" wika ko at inabutan sya ng baril

"Ayaw ko pumatay" tanggi nya

"Sakay" pinasakay ko sya sa motor "Wag mo silang patayin kung gusto mo silang mapatay ka" wika ko. Mabilis kong pinaandar ang motor, humabol ang mga kalaban sa amin. Panay lang ang pag baril ni Aluza pero wala syang natatamaan "tsk!" mauubos talaga ang bala ng walang nadadaling kalaban ah, Dahil sa gusto kong iligaw ang mga kalaban ay dinala ko sila sa masukal na lugar ng kagubatan kung saan ay iniwan namin ang motor

"Baka mahabol nila tayo kung mag lalakad lang tayo" wika ni Aluza habang magkahawak kamay kaming tumatakbo

"Hindi nila magagamit ang motor nila dito, masyadong masukal" seryoso kong sagot.

"Habulin nyo sila! kahit patayin nyo na si Saenz!" sigaw ng lalaki

"Bilisan mo" pabulong kong hatak kay Aluza

"Papatayin ka daw nila" wika ni Aluza

"Oo" sagot ko, pucha parang nakikipag usap na ako sa bata neto ah

"Hindi pwede!" sigaw ni Aluza, tinakpan ko ang bibig nya at bahagyang huminto

"Kapag maingay ka at mahuli tayo patay talaga ako" wika ko. "Mauna kang tumakbo, diretsohin mo lang yan" utos ko

"No! paano ka?" tanong ni Aluza

"Susunod ako, wag nang matigas ang ulo" sagot ko, sinunod ako ni Aluza, kabisado ko ang lugar na ito, sinadya kong bilhin ang lupang ito para pamugaran ng mga bitag para sa kalaban, sinimulan kong imaniobra ang mga maninipis na pisi na nakatago sa gilid ng malalaking puno, sinimulan ko itong itali sakabilang dulo ng dadaanan ng mga kalaban, sinunod ko namang iayos ang ilang bitag na mag sasabit sa kalaban ng patiwarik. Pagkatapos nuon ay tumakbo ako para habulin si Aluza "Aluza!" sigaw ko at pinigilan syang dumiretso sa isang parte kung saan mayroon akong natuklasan nuong kumonoy "Dito tayo" iniba ko ang ruta namin kung saan ay bigla ko syang binuhat

"You don't need to carry me" wika ni Aluza

"May mga bitag ako dito baka maapakan mo madali pa tayo" sagot ko at dahan dahang tinawid ang daan na nilagyan ko ng palatandaan upang hindi maapakan.

*****Let the games begin

Habang tinatahak ng mga kalaban ang dinaanan nila Saenz ay isa isa nilang naapakan ang mga pisi na nilagay ni Saenz, lahat ng nakaapak ay biglang na trap ng tali ang paa at nahila sila patiwarik sa matataas na puno, ang ilan ay tumulong sa mga kasama nilang nabitag at ang iba ay nagpatuloy sa pag lalakad, May ilang na nakaapak sa kung ano at napaulanan ng matutulis na sulo, namatay ang ilang natusok ng sulo sa katawan, ang ilan ay nag takbuhan kung saan naman ay lumubog sila sa kumunoy.

"Wag kayong gagalaw!" sigaw ng ibang lalaki pero sa pag papanic ay galaw sila ng galaw kaya naman mas mabilis silang lumubog sa putik, umiwas ng ruta ang ilang lalaki at nagkaroon ng lead sa dinaanan nila Saenz pero... naapakan nila ang isang malaking bitag na butas na iniwasan ni Saenz nang binuhat nya si Aluza, nang malaglag ang mga lalaki ay natuhog sila sa mga matutulis na sulo na naka turok paitaas sa langit., Nang makaiwas ang iba ay humabol sila kina Saenz pero isa isa silang natumba dahil tinira sila ni Saenz ng sumpak, nang wala nang ipang lalaban si Saenz ay tsaka na sya nakipag laban ng barilan.

*****Saenz

"Aluza" wika ko, huminto kami "Wag kang matatakot"

"Hindi ako takot dahil kasama kita" sagot ni Aluza

"Wag kang matatakot na tahaking mag isa ang daan na iyan" sagot ko

"What?!" gulat na tanong ni Aluza "Mag lalakad ako mag isa jan?!" tinuro nya ang daan, tumungo tungo ako. "No way!"

"Yes way!" sagot ko. "Konti na lang ang kalaban, at konti nalang din ang bala ko, tahakin mo iyan, mga isang oras na lakad makakarating ka sa boundary ng bayan natin sa Mercado"

"How come you knew" di ko pinatapos si Aluza

"Matagal ko nang pinag aralan at pinag handaan ang sitwasyon na ganito, ito ang dahilan kung bakit ayaw kong aminin ang tunay na pagkatao ko, dahil ayaw kong madawit ka sa kapahamakang sinuot ko" paliwanag ko
"Kailangan mong umuwi para maligtas ka, kailangan kong tapusin ang laban ng mag isa"

"Paano ka?" tanong ni Aluza

"Kaya ko ang sarili ko, ikaw ang inaalala ko tsaka, kailangan kong balikan si Jenas, baka mahuli sila ng kalaban sa bahay kailangang mabigyan ko sya ng warning!" sagot ko

"Ayaw kong mag isa Saenz, ngayon ko lang nalaman na ikaw ang minahal ko at hindi si Jancen bakit kailangang mag hiwalay tayo" naiyak na sagot ni Aluza

"Mawawalan ng saysay ang hirap at sacripisyo ko kung may mangyaring masama sayo" sagot ko, hinawakan ko si Aluza sa pisngi "Mahal na mahal kita, pangako magkikita ulit tayo, babalikan kita sa bayan natin, babalik ako sayo, aayusin natin ang lahat basta ipangako mong makakaalis ka dito ng ligtas"

"I love you Saenz" sagot ni Aluza

"Mas mahal kita" hinalikan ko sya sa labi at nuo "Tumakbo ka na Aluza, mag iingat ka" bago kami mag hiwalay ng landas ay nag halikan muli kami at nag hawakan ng kamay "Babalik ako ng buhay at ligtas pangako yan"

#4 When I'm with You (Jenas and Cerrah Book2) 4th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon