🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂*****Jenas
Kanina pa ako tinatawanan ni kumag dahil sa pag sampal sa akin ni Cerrah kagabi kaya naman konting konti nalang ay bi binggo na sya sa akin. Umiinom kami ni Saenz ng kape sa mesa habang nag luluto ng almusal si Aluza nang lumabas sa kwarto si Cerrah pumunta sya sa banyo para maghilamos at lumabas ng bahay para isampay ang basang tuwalya na ginamit nya. Pag pasok nya ay naghanap sya ng walis tambo at nag simulang mag walis sa salas. Nakatalikod sya di kalayuan sa amin habang nag wawalis nang mapansin ko ang ikli ng suot nyang short nang bahagya syang tumuwad para mawalisan ang nasa ilalim ng upuan. Di ko alam ang dahilan kung bakit tuwang tuwa ako sa pinag mamasdan ko 😁 shyete! manyak!. Maganda talaga ang katawan ni Cerrah, napapaisip tuloy ako kung anong pakiramdam ko nuon sa tuwing nag se sex kami ng asawa ko 🥴 nag e enjoy ako sa tanawin ko, di pa ako nakakakain ng kanin pero pakiramdam ko busog na ako. Medyo natauhan ako nang kaunti kagabi sa pag sampal ni Cerrah, ramdam ko ang pag alog ng utak ko kagabi ahahah 😂😂 Kahit na hindi ako nagtitiwala kay Cerrah ay parang ramdam kong asawa ko talaga sya kahit hindi ramdam na mahal ko sya at ramdam kong mahal ko si Kira na,,, Teka! damn! nagugulo nanaman ang utak ko 😂😂
"Jenas naririnig mo ako?" natauhan aq nang marinig ko si Saenz kaya binaling ko ang tingin ko sa kanya habang pangiti ngiti ako "Ano ba yung tinitingnan mo?" lilingon sana sya sa direksyon ni Cerrah pero hinamig ng palad ko ang mukha nya para takpan ang paningin
"Wag ka nang tumingin magkakasakitan talaga tayo" natatawa kong banta at binitiwan ang mukha nya sabay inom ulit ng kape, ngumisi sya.
"Alam ko na" patungo tungong sagot ni Saenz. "Happy na happy si tanga" 😂 natatawang pang aasar sakin ni Saenz. Di ko malaman ang nangyayari sakin, kanikanina lang ay gustong gusto kong makita na halos hubad na sa harapan ko si Cerrah pero nang maisip kong makikita ni Saenz ang katawan ni Cerrah ay nakakadama ako ng inis at takot, ano bang tumatakbo sa isipan ko? anong kinakatakot ko? napansin kong nakatingin lang sakin si Saenz na parang humihingi ng paliwanag sa inaasal ko, pakunwari'y binibiro biro nya ako na titingnan si Cerrah pero di naman nya tinutuloy kaya tumayo ako.
"Susumbong kita kay Aluza sabihin ko manyak ka" banta ko
"Joke lang, san ka?" tanong ni Saenz
"Wag kang titingin" sagot ko at lumapit sa nakatalikod at nagwawalis na si Cerrah. Hindi napapansin ni Cerrah na nasa likod lang nya ako kaya nagulat sya nang bumangga ang pwetan nya sa hita ko
"Opps!" wika ni Cerrah at lilingon sana para tingnan kung sinong nabangga nya pero hinawakan ko ang magkabilang balikat nya at bumulong sa kanya.
"Sa susunod wag ka nang mag susuot ng short, tuwad ka ng tuwad, Alam kong masarap lamutakin yang pwet mo pero matuto kang igalang ang sarili mo" bulong ko at malakas na binitawan ang balikat nya kaya muntik na syang ma out balance, tumalikod ako para bumalik ulit sa inuupuan ko
"Ano bang pakialam mo!" sigaw ni Cerrah at naramdaman ko na lang na dumampi ang walis tambo sa likod ko. Agad tumayo si Saenz bitbit ang kape nya, lumapit kay Aluza at itinabi ang mga unfinished na niluluto nya.
"Dun muna tayo sa labas" mahinang aya ni Saenz, alam kong may something sa dalawang yan kaya kahit hindi sila nag iimikan ay sumunod nalang si Aluza dahil nabigla rin sya sa sigaw ni Cerrah, lumabas silang dalawa gamit ang backdoor. Bagot kong hinarap si Cerrah.
"Malakas makahatak ng atensyon ang suot mo, yan ang pakialam ko sayo" sagot ko
"Edi wag kang tumingin" galit na sagot ni Cerrah "Wag mo akong pakialaman pwede?" nag simula ulit mag walis si Cerrah ng nakatuwad kaya hinablot ko ang walis at iwinalis sa mukha ni Cerrah "Ano ba! bastos!" pagkatapos ay hinagis sa sahig at ngumising bumalik s kainan "Sira ulo ka!" ginawang flying saucer ni Cerrah ang walis pero nasambot ko iyon
"Malakas ang instinct ko Babe" Nakangiti kong wika sa pikon na pikon na si Cerrah, Babe? tanong ko sa sarili ko, Bakit ko sya tinawag na Babe? tumingin ako kay Cerrah na tila nagtataka rin, may kinalaman ba ang salitang Babe sa nakaraan namin? huminga ng malalim si Cerrah at nag walk out na lang.
🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂
Alam nyo na: Sound trip tayo
Kinikilig
by: Hazel FaithKinatanghalian:
Nagpatugtog si Saenz gamit ang cp nya, shete pang babae yung sound trip nya.
Napa iling iling na lang ako sa tugtog na ine enjoy naman ng tatlo kong kasama 😐🙄😑 poker face
Habang nag babalat ng kalabasa si Cerrah at nag hihiwa naman ng ibang gulay si Aluza ay nag papaapoy naman si Saenz sa lutuan. Lumapit ko sa pagitan ni Aluza at Cerrah kung saan ay pumapagitna ako.
'
Nang hihiwain ko na ang karne ay nagkabanggang ang braso namin ni Cerrah kaya nagkatinginan kami at ayun! parang kinilig bigla si Cerrah.
😳😳😳
Damn, ganyan mukha ko sa pagka biglaSa tuwing nadidikit o lumalapit o nagtatama ng paningin namin ni Cerrah ay kinikilig sya. At tuwing kinikilig sya ay napapatakip ng bibig si Cerrah, bahagyang iiwas ng tingin at muling titingin sa akin na naka kagat labi at nilalagay sa likod ng tainga ang mahabang parte ng bangs nya.
Ang bipolar nya
😨😨😱😱
sheyt!Pakiramdam ko ay namumula ako sa hiya pero this time ay di ako umiwas ng tingin bagkus ay nakipag eye contact ako. Di ko namalayang umalis si Aluza sa tabi ko dahil na O OP na yata sya.
"Ang lawak ng mesa pero nagsisiksikan kayo jan?" natatawang sita ni Saenz, napatingin kaming dalawa kay Saenz sabay baling sa isa't isa, sa hiya ay sabay kaming naglayo ng pwesto at nag iwasan ng tingin. Patay malisyang ginawa muli namin ang itinoka sa amin ni Aluza.
*********
Nakangiting tumingin si Saenz kay Aluza, Tumingin din si Aluza kay Saenz na nakangiti, palibhasa in denial si Aluza na napatawad na nya si Saenz ay inirapan nya ang binata at umiwas ng tingin. Biglang nawala ang ngiti ni Saenz at ngumuso"Sungit" Bulong ni Saenz
"Talaga" bulong ni Aluza habang naka cross arms. Huminga ng malalim si Saenz
******
Habang kumakain"Ang sarap talaga ng pakbet" wika ni SaenZ
"Oo nga" sagot ni Cerrah "Parang ako, masarap" nasamid ako habang si Aluza ay nalaglag sa plato ang pagkain na isusubo na sana nya sa bibig nya. Si Saenz naman ay napahinto sa pagsubo at nanatiling nakanganga habang lahat kami ay nakatingin sa kumakain habang nag e emote na si Cerrah "Kaso, Pinak lang pero hindi bet" Lalo akong nabulunan sa pahabol ni Cerrah dahil alam ko ang ibig sabihin nito. (finuck) 🤭 (fvck) 🤣 pero di Bet (Like, gusto)
"Aluza tubig nga" nauubong utos ko habang mahinang sinusuntok ang sariling dibdib. Na gets din naman nina Aluza ang ibig sabihin ni Cerrah kaya nag pipigil ng tawa si Saenz
🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂
********🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂
BINABASA MO ANG
#4 When I'm with You (Jenas and Cerrah Book2) 4th Story
No Ficción🍂🍂🍂🍂🍂🍂 It's been 2 years since namatay si Jenas, nabuhay nalang ng normal si Cerrah. Hindi na natupad ni Jenas ang pangako nyang babalik sya para magkasama sila ni Cerrah kaya nagpasya syang mag move on na lang. Umuwi sa Pilipinas si Cerrah pa...