🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂
📌📌 ANNOUNCEMENT 📌📌
Last 4 Chapters
nalang at matatapos na ang
When I'm with you
guys, but don't worry basahin nyo parin ang mga bonus chapters na i po post ko hanggang Chapter 100 kasi related ang mga bonus chaps na iyon dito sa story, kung mapapansin nyo kasi may mga cross overs ang mga characters ko sa mga previous books dahil sinadya ko talagang pagtagpi tagpiin ang mga scenes nila 🥰🥰Basahin nyo parin ang story ko hanggang katapusan para magka idea kayo sa kung anong ugali at pangyayari ang magaganap sa mga next books ko. I hope mahalin nyo rin ang iba kong characters tulad ng pagmamahal nyo kina
Serene and Adonis (When You're Gone)
Aiola and Xerces (The Not so Perfect Love)
Cerrah and Jenas (Succedaneum, When I'm with You)
❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️👌🏻❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂
*****Cerrah
Nagkaroon ng reunion ang batch namin sa Armellington kaya naman pinag handaan ko na ang pagkikita kita namin ng mga ahas kong kaibigan (Jhec and Yvone) medyo naiilang din ako dahil parang buntot ko sina Saenz at Jenas pero umalis din naman si Saenz nang makita nya ang mga kabarkada nya nuong nag aaral kami, Sina Chase, Flare at Astrid. Medyo naka dama ako ng lungkot nang mapansin kong wala na sa grupo nila si Jenah Mayer (Gertrude) alam kong namatay sya naikwento na sa akin nina Saenz at Astrid iyon nuong nasa ospital ako. Iinom sana ako ng wine nang hablutin ni Jenas ang baso sa kamay ko.
"Bawal kang uminom ng alak" sita nya
"Hindi nakakalasing to" reklamo ko "Akin na" bigla akong napaisip, hindi kaya... sinabi ni Saenz sa kanya na buntis ako? "May nasabi ba sayo si Saenz?"
"Tungkol saan?" tanong ni Jenas
"Tungkol sa pag inom ng alak" sagot ko
"Ayaw kitang uminom ng wine kasi kahit maliit lang ang alcohol contents ng iniinom mo, mabilis kang tamaan, baka kapag malasing ka mag away nanaman tayo, alam mo na.. Prevention is better than cure" paliwanag ni Jenas , haaayy... medyo nakahinga ako ng maluwag, buti naman hindi pa sinasabi ni Saenz kay Jenas na buntis ako nang may narinig akong ahas na nakakalason sa tainga.
"Hello Cerrah" napatingin ako sa likuran ko. Nakangiting bati ni Yvone. Tumindig ako ng maayos , hindi ako masaya na makita ang kaibigan, nagtitigan lang kaming dalawa.
"Zup C.E" masayang bati ni Zaolo "Zup J.E" bati ni Zaolo kay Jenas na nasa likod ko. Kasama nina Zaolo si Jofer habang hinihintay namin na dumating ang iba naming mga kaibigan. Nag simulang mag harutan sa likod ni Yvone sina Jofer at Zaolo "Beh dun lang muna kami" paalam ni Zaolo kay Yvone para sana umupo malapit sa terrace pero napahinto sila ni Jofer nang mag salita ako.
"Bakit mo pinalabas sa pamilya ni Jenas na nag suicide sya dahil iniwan ko?" tanong ko kay Yvone, natigilan sina Jofer at Zaolo samantalang rumehistro ang pagka shock sa mukha ni Yvone. "Bakit pinalabas mo sa akin na patay na si Jenas?" pinipigil kong huwag maiyak sa pagta traydor sa akin ng kaibigan ko
"Cerrah" parang nawalan ng sasabihin si Yvone
"Answer me!" sigaw ko. Mabuti na lang at nasa isang sound proof room kami kaya hindi kami maririnig ng ibang costumer sa restaurant
"Cerrah, ginawa ko yun para protektahan ka" sagot ni Yvone
"At naprotektahan mo ba ako?" duon ay umiyak na ako "Mas ginulo mo ang buhay ko! tell me! bakit ang dali lang para sayo na imanipula ang buhay naming lahat?! bukod sa ikaw at si Mhar ang bagong namumuno sa Bureau, paano mo nagawang saktan ako at patayin ng dahan dahan?!" naramdaman ko ang presensya ni Jenas sa likod ko, hinawakan nya ang balikat ko na syang nagpakalma sakin
BINABASA MO ANG
#4 When I'm with You (Jenas and Cerrah Book2) 4th Story
Nonfiksi🍂🍂🍂🍂🍂🍂 It's been 2 years since namatay si Jenas, nabuhay nalang ng normal si Cerrah. Hindi na natupad ni Jenas ang pangako nyang babalik sya para magkasama sila ni Cerrah kaya nagpasya syang mag move on na lang. Umuwi sa Pilipinas si Cerrah pa...